Prologo : Muling Pagkikita

314 37 2
                                    

Prologo : Muling Pagkikita

El Paradiso


"Elow." nakangiting sabi ng limang taong gulang na batang babae kay Aj.

Napatingin si Aj sa batang babae, nasa dalampasigan siya ng mga araw na iyon habang nakatingin sa dagat.

"Lungkot ka?" tanong ng batang babae na may pagkamaarte magsalita o siguro slang ito at bata pa sa edad nito kaya ganoon magsalita.

"Bakit ka nandito?" sabi ni Aj.


"Uwi na ako."
sabi ng batang babae sabay upo sa tabi ni AJ.

"Uuwi ka na?" sabi ni Aj na ikinangiti ng batang babae pero hindi iyon umabot sa mata nito.

"Doon ako titira kila auntie." sabi ng batang babae.

Napakunot noo si Aj kung hindi siya nagkakamali nasa edad lima ang batang babae, anak ito ng asawa ng tiyuhin niya.

"Kasama mo Mama mo?" tanong ni Aj habang pinagmamasdan ang batang babae habang nilalaro na ang paa sa buhangin ng dalampasigan.

"No." sabi ng batang babae.

"Bakit no?" sabi ni Aj kahit alam na niya ang sagot.

Tumingkayad ng bahagya ang batang babae sa pagkakaupo saka bumulong kay Aj.

"May pamilya na siya." bulong ng batang babae.

"Ano naman ngayon?" sabi ni Aj.

"Istorbo lang ako." sabi ng batang babae.

Napangiti si Aj sa sinabi ng batang babae. Kasama ito ng tita Shimmer niya ng umuwi sa bansa pero ni minsan hindi ito nakipaglaro sa mga pinsan niya. Mailap ito at lumalapit lang sa mga taong tulad niya ngayon na nag-iisa.

"Istorbo ka rin sa akin." birong nakangiting sabi ni Aj na ikinamula ng mukha ng batang babae.

Napangiti si AJ, cute ang batang babae ang namumula nitong pisnge ay lalong namula sa pagkapahiya.

"Sorry, akala ko okay lang wala ka kasi kasama." sabi ng batang babae saka ito tumayo pero natawa si Aj saka nito hinawakan ang batang babae.

"Joke lang. Nasaan ba ang kuya mo?" sabi ni Aj. Pinsan niya si Hades, kapatid ng batang babaeng nasa harapan niya.

Naanakan kasi ang nanay ni Hades ng ama nito, ilang taon din ang lumipas bago malaman ang katauhan ni Hades. Nagkatagpo muli ang mga magulang ni Hades kaso nangibang bansa ang nanay nito kung saan nakilala ng ina ng pinsan ang ama ng batang babaeng nasa harapan niya.

Nagpakasal ang ina at ama ng batang babae at nagsama kaso namatay kalaunan ang ama ng batang babae na nasa harapan niya sa sakit na cancer.

"Hindi ko po alam." sabi ng batang babae.

Napatitig si Aj sa batang babae, mas bata pa ito sa bunsong kapatid niyang si Suri pero matangkad ito sa edad nitong lima, at hindi tulad ng mga kaedaran nito iba na magsalita ang bata siguro marahil dahil lumaki ito sa America kung saan ito isinilang.

Hindi naman bago kay Aj ang mga ugali at asal na tulad ng batang babae, marami kasi sa pinsan niya ang laki sa Amerika na ganoon magsalita. Tila matanda na tila maraming alam, matatas magsalita, bibo kung titingnan.

"Hindi mo alam? Hindi ba magkakasama kayong dumating?" sabi ni Aj.

"Iniwan ko sila." sabi ng batang babae na naupo muli sa tabi ni Aj at naglaro ng buhangin ng dalampasigan.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now