Kabanata 16 : Suitor

253 34 2
                                    

Kabanata 16 :  Suitor


"Ano? Malabo iyon." sabi ni Raven.


"May nanliligaw kay Hestia na kaedaran niya, ang totoo ayokong magkagusto siya sa iba. Siguro dahil concern ako sa kanya, o siguro tulad nila Astraea at Suri gusto ko makapag-isip siya ng matino sa mga desisyon niya, pero hindi ko iyon magagawa kasi hindi ko naman siya kadugo."
sabi ni Aj.

"Pomoporma ba kamo, nanliligaw? Bakit hindi pa ba niya alam na kasal ka sa kanya?" sabi ni Raven.


"Alam mo kahit ikaw alam mo na void ang lahat. At alam kong isa ka sa naghahangad na dumating ang panahon na ang kasal ay maglahong parang bula." sabi ni Aj na ikinatahimik ni Raven sa guilt na nadama.

"Gusto ka ni Hestia at gusto mo rin siya bakit hindi natin subukan kasi mas nanaisin ko mapunta siya sayo kaysa mapunta siya sa iba." ulit na sabi ni Aj sa huling mga kataga para mapapayag si Raven.

"Pag-iisipan ko." sabi ni Raven.

"Kung mahal mo siya hindi ka magkakaroon ng doubt. Kung mahal mo siya at mahal ka niya. Aatras ako at ibibigay ko siya sayo, o sabihin natin baka hindi nga siya akin dahil humarang ako sa inyong dalawa." sabi ni Aj na ikinatahimik ni Raven sa kabilang linya.

Napangisi si AJ ng tumahimik si Raven kaya muli siyang umusal.

"Pagkakataon mo na, bibigyan kita ng tsansa." sabi ni Aj.

"Magagalit sila tito Autumn sa akin." sabi ni Raven.


"Huh! Ako na ang nagsabi, huwag mo silang intindihin. Hawak ko si Hestia, pag-aari ko siya kaya may karapatan ako gawin ang gusto ko. At ang gusto ko mapunta siya sa magandang buhay."
sabi ni Aj.

"Sagot mo ako sa grupo nila lolo at nila Papa?" sabi ni Raven.

Napangiti si AJ halatang bata pa kasi magsalita si Raven at halata din na masunurin itong bata.

"Pinsan kita, kaya hindi kita ipapahamak." sabi ni Aj.

"Hindi ka talaga magagalit kapag naging kami ni Hestia?" paninigurado ni Raven.


"Hindi. At may isang salita ako."
sabi ni AJ.

"Baka trap ito." biglang sabi ni Raven na ikinatawa ni Aj.

"Hahaha! Hindi kita papatayin." natawang sabi ni AJ na ikinatahimik muli ni Raven sa kabilang linya.

Huminto sa pagtawa si AJ ng tumahimik si Raven.

"Delikado yata ako, pero pagkakataon ko na." sabi ni Raven sa isip ng matahaimik ito.

"Raven, gusto ko maging masaya si Hestia at ikaw ang gusto ko pumalit sa puwesto ko hindi ang iba." sabi ni AJ.

"Bakit ako?" sabi ni Raven.


"Magiging reyna si Hestia, gusto ko ang maging hari niya iyong magmamahal sa kanya ng totoo, ng buo, na hindi siya iiwan o hindi hahangarin ang puwesto niya.

Ikaw ang gusto ko para sa kanya kung hindi ako ang para sa kanya kasi alam ko na hindi mo uulitin ang ginawa ng tatay mo sa nanay mo. Alam ko, matapang ka at kaya mo humarap sa lahat na hindi mo kailangan ikubli ang katotohanan at ang takot na nakikita mo ay hindi mo iiwasan." sabi ni Aj.

Natahimik muli si Raven, ang kuwento ng tatay at nanay niya ay masalimuot dahil nakuha ng tatay niya gumamit ng bawal na gamot para ikubli ang takot nito sa kulungan na napuntahan nito. Sa pagkubli nito sa paggamit ng bawal ng gamot inakala ng tatay niya na ang nanay niya ay isang ilusyon din dala ng droga kaya hindi alam ng tatay niya na nabuntis nito ang nanay niya at nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now