Kabanata 12 : Tagpuan ng mga Hadlang

264 35 4
                                    

Kabanata 12 : Tagpuan ng mga Hadlang

STU, El Paradiso


"Okay, tara na." sabi ni Aj sabay tingin muli kay Hestia.

"Hindi ako gutom." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Uyyy! Magutom ka, sayang ang libre." sabi ni Sisi na hindi napapansin na napahigpit ang pag-angkla ng kamay niya sa braso ni AJ.

"Hindi ako nagugutom." ulit ni Hestia.

Pinagmasdan ni Hestia si Sisi, mas maliit ito sa kanya kaya nagmukhang mas kapatid ito ni AJ kaya tila walang malisya ang pagyakap ni Sisi sa braso ni AJ pero hindi para sa tingin niya dala ng kakaibang selos na nadarama niya.

Napatingin naman si Sisi kay Aj, matangkad ang binata bukod doon malakas ang sex appeal nito, hindi pa kasama na guwapo ito. Iba din ang feature ni AJ. Nakita na niya si Amon na kamukha nito, pero si AJ soft ang dating ng awra nito siguro dahil lagi itong nakangiti at walang pinipiling tao kumpara kay Amon na kapag nakikita niya sa mall seryoso at madamot sa pagngiti.

"Pumunta na tayo sa Franxie, sayang din iyon. Si Katara dinala doon ni Kuya Amon ang dami ngang naiingit sa kanya kasi siyempre kahit sinong mahirap gusto rin makatikim ng pagkain ng Franxie resto." sabi ni Sisi.

Hindi sumagot si Hestia. Ang Franxie Restaurant na tinutukoy ni Sisi ay pag-aari ng mga Valiente. Minana ni Ramon Valiente sa ama nito. Si Aj ay apo sa tuhod ni Ramon Valiente, pero ang naturang restaurant ay sinasabing mapupunta sa side ni Aquila Valiente, anak ni Ramon.

"Dali na Hestia magutom ka na." sabi ni Sisi.

"Hindi ako gutom." sabi ni Hestia.


"Aissst! Kausapin mo ang tiyan mo na magutom."
sabi ni Sisi.


Napangisi si Hestia, ang restaurant din na binabanggit ni Sisi ay hindi biro. Mamahalin kasi ang mga putahe sa naturang resto, kaya hindi ka basta basta makakapasok at makakaorder. Isang putahe lang sa kainan na iyon nagkakahalaga na ng libo na para sa kanya worth it naman dahil world class ang lasa iyong tipong pang hari nga daw.

"Pagbigyan mo na, magutom ka daw." natawang sabi ni Aj kay Hestia.


"Sige pero puwede bang.."
udlot na sabi ni Hestia ng tumili si Sisi sa saya nito at nagawa pang yakapin si Aj.

"Ahhhh! Pumayag na siya."masaya at excited na sigaw ni Sisi.

Napatingin si Aj kay Sisi na ikinalunok ni Hestia ng mamula ang mukha nito sa selos na nadama.

"Ahhhm." sabi ni Aj ng makita ang reaksyon ni Hestia na tila gusto nito manabunot ng kaibigan nito.

"Yehey! Pumayag na si Hestia." masayang sabi ni Sisi.

"Ahhhm. Tutuloy tayo basta maglalaro tayo." sabi ni Aj na ikinatigil ni Sisi sa pagtili at ikinatalim ng tingin ni Hestia kay AJ.

Napalunok si Aj ng tingnan siya ni Hestia ng kakaiba kaya muli siyang napausal ng mabilis para unahan ang masamang iniisip nito sa kanya.


"Maglalaro tayo ako tatay, si Hestia nanay, at ikaw ang anak namin."
sabi ni Aj sabay tingin kay Sisi.

".....ANAK KA NAMIN." madiin na sabi ni AJ kay Sisi.

"Anak? Oh sigeeeee!" masayang sabi ni Sisi na ikinangisi ni Hestia.

"Makuha ka sa tingin." sabi ni Hestia sa isip ng makitang pinagpawisan si Aj.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu