Kabanata 10 : Ang Unang Kaharian

259 42 7
                                    

Kabanata 10: Ang Unang Kaharian

Napakunot noo naman si Lake dahil sa mga hurado si Miss Paule lang ang nagsasalita. Kilala niya ang dalawa sa hurado dahil mga stockholder iyon at alam niyang hindi naman kalakihan ang hawak na porsyento ng mga ito sa paaralan na pag-aari ng mga Cheung na pinamamahalaan ngayon ni Ion Valiente, na tiyuhin niya.

"Maam, aalis na lang ako sa school at ibibigay ko ang slot ko kay Sisi bigyan niyo lang siya ng chance." sabi ni Hestia.

"Hindi puwede." sabi ni Miss Paule pero nagulat ang lahat ng yumuko si Hestia sa pagkakaluhod na halos tila sumasamba na ito.

"Maam, nakikiusap po ako. Aalis na lang ako, basta huwag si Sisi kasi kawawa po siya." sabi ni Hestia sabay yuko pa lalo.

"Hestia!" sigaw ni Aj ng makita si Hestia pagpasok niya ng Bulwagan na nakaluhod at ang kalahating katawan ay nakayuko sa sahig.

Natahimik naman ang lahat ng dumagondong ang galit na boses ni Aj sa buong bulwagan.

Hindi kumilos si Hestia sa pagkakayuko sa sahig pero umusal ito ng malakas.

"Bumagsak ako Aj! Bumagsak kami ni Sisi sa project namin." umiiyak na sabi ni Hestia ng makakuha sila ni Sisi ng failed grade na ngayon kitang kita niya sa mesa ng bumaba siya kanina at humarap sa hurado.

Napatingin si Aj sa mga gurong nagbigay ng marka kay Hestia.

"Failed." napahagolhol na sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Aj.

"Nahuli ka Aj, kulang ang tauhan namin ni Sisi. Nalito ako sa script kasi tinanggal namin iyong parte mo." umiiyak na sabi ni Hestia.

"May second chance naman." sabi ni Aj saka tumingin samga hurado.

"Wala daw remedial. Hindi daw puwede umulit." umiiyak na sabi ni Hestia habang nakayuko pa rin ito sa lapag.

Napatiim ng bagang si Aj habang papalapit at nakatingin sa mga hurado. Pagkalapit ni Aj dinaluhan nito si Hestia para tulungan ito tumayo pero winasiwas ni Hestia ang kamay ni Aj na ikinahinto ng binata sa pagtulong kay Hestia sa pagtayo mula sa pagkakayuko nito sa lapag.

"Dito lang ako hanggat hindi sila pumapayag sa sinabi ko." sabi ni Hestia sabay napatingin kay AJ habang ang ulo ng batang babae ay tila nakahalik sa lapag ng bulwagan na ikinatiim ng bagang ni Aj.

"......first time ko sa school at gumawa ng project, pero hindi ko nagawa ng maayos kaya may nadamay. Aj, kasalanan ko kapag naging Numa si Sisi." lumuluhang sabi ni Hestia.

"Uulitin natin at sisiguraduhin ko na makakapasa kayo ni Sisi." sabi ni Aj.

"Aj, hindi puwede ulitin." sabi ni Hestia.

"Puwede." sabi ni Aj na bumadya ang galit sa mukha.

"Kapag inulit, ang regulasyon sa STU mababahiran ng hindi maganda ng dahil sa akin." sabi ni Hestia.

"Puwedeng ulitin, dahil ang regulasyon gawa ng may-ari." sabi ni Aj.

"Aj kapag pinaulit kami at makapasa, si Sisi lang ang maiiwan at okay sa akin kahit matanggal ako sa school kapalit ng pagbabago ko ng regulasyon. Payag ako matanggal bilang pataw na parusa sa pilit kong binagong batas ng STU." sabi ni Hestia.

"Hindi." sabi ni Aj.

"Mr Valiente, nagpakahirap ang mga estudyante sa performance nila kaya unfair naman kung papairalin natin kung sino siya kaya nakaulit siya sa performance. Hindi ba mas mabuting ang pamamalakad ng STU ay hindi mabahidan ng palakasan system." sabi ni Miss Paule na ikinatingin ni Aj dito ng matalim.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now