Kabanata 5 : Yapak ng Hari

323 37 7
                                    

Kabanata 5 : Yapak ng Hari

Hours Later

El Paradiso


"Tao po!" malakas na sigaw na tawag ng kung sino sa labas ng bahay nila Aj.

"May tao, Aj." sabi ni Hestia habang nasa sala ito at naglalaro ng mga manika nito.

Napatingin si Aj kay Hestia, nasa harap siya ng laptop at gumagawa ng assignment niya pero ang batang babaeng kasama niya siya pa talaga ang inutusan.

"Tao po!" sigaw muli ng tao mula sa labas ng bahay.

"Aj, may taooooo." mahina at mahabang sabi ni Hestia kay Aj na ikinangisi ng binata.

"Tao pooooo!!!!!!!" malakas at nakakabulahaw na sabi ng tao mula sa labas ng bahay.

Napatingin si Hestia kay Aj nasa harapan lang naman niya ang binata dahil naglalaro siya sa mismong center table at si Aj nagtitipa ng laptop nito.

"May tao, kuya Aj." nakangiting sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Wala ka bang assignment?" tanong ni Aj.

"Wala." nakangiting sabi ni Hestia.


"Wala ka naman palang gagawin so puwede bang ikaw ang magbukas ng pintuan?"
sabi ni Aj.

"Naglalaro ako eh." sabi ni Hestia sabay yakap sa manika nito na nakuha pang padedein.

"Sweetheart, gumagawa ako ng assignment ko at alam mong importante ito." sabi ni Aj.

"Alam ko naman iyon." sabi ni Hestia.


"Iyon naman pala. Nag-usap tayo di ba na magtutulungan kasi dalawa na lang tayo dito. Kapag nalaman nila lolo Orion na walang growth ang ginagawa natin sa buhay natin, kukunin ka nila."
sabi ni Aj.

Napatigil sa paghehele ng manika si Hestia saka ito tumingin kay Aj.

"Busy ka?" sabi ni Hestia.


"Oo, kasi kailangan ko rin unahin ang pag-aaral ko para sa atin at kay Laurent. Kailangan natin mag-aral kasi hindi habang buhay nakaalalay ang pamilya ko sa atin."
sabi ni AJ.

"Mayaman ka na daw, sabi sa news kaya kahit unting aral okay na iyon." sabi ni Hestia.


"Puwedeng mawala at maubos ang pera kung hindi mo ito hahawakan ng mabuti. Tulad sa isang relasyon kailangan din pag-aralan pangalagaan ang yamang meron ako."
sabi ni AJ.

"Okay." sabi ni Hestia.

Napatitig si Aj kay Hestia tila kasi hindi nakukuha ni Hestia ang sinasabi niya. Mula ng makasama niya ito wala ito ginawa kundi maglaro, hindi nga niya pinipilit ito dati na mag-aral sa paaralan dahil nagtatago nga sila para sa pekeng pinagbubuntis nito. Isama pa na walang magbabantay kay Hestia dahil nga busy din ang parents niya at siya na rin kaya hanggat kaya niya siya ang nagtuturo kay Hestia kasama ng home school na pinasukan niya dito na accredited naman ng gobyerno ng bansa.

"Tingnan mo muna kung sino ang nasa labas bago mo buksan at kapag nakita mo na silipin mo kung may ibang kasama. Hindi mo bubuksan ang pintuan hanggat hindi ka sigurado na ligtas ka sa taong pagbubuksan mo. Hindi kita inuutusan dahil gusto ko lang ginagawa ko ito para matuto ka. Kasi hindi habang panahon katabi mo ako." mahabang sabi ni Aj sa batang nakaupo pa rin at naglalaro.

"Aalis ka?" sabi ni Hestia na halatang wala itong pinakinggan kundi ang kung anong pagkaunawa nito sa mahabang sinabi niya.

"Hindi, pero kailangan mong tumayo kahit wala ako. Dapat mo matututunan ang pagtayo sa sarili mong mga paa kahit sa maliit na paraan kung saan tayo magsisimula."sabi ni Aj.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now