Kabanata 9 : Pagsikil

237 28 4
                                    

Kabanata 9 : Pagsikil

Aj's House


"Aj!" gulat na sabi ni Hestia ng pabagsak na bumukas ang pintuan.

Hindi umimik si Aj na ikinatingin ng apat na batang lalaki kay Aj. Bakas sa mukha ni Aj na tila ito maluluha.

"Aj? Bakit?" sabi ni Hestia ng makita ang itsura ni Aj.

"Naglaro kayo?" sabi ni Aj kay Hestia sabay baling ng tingin ni Aj kay Raven.

"Ha?" sabi ni Hestia pero pasimple nitong hinila ang dalawang manika na katabi ni Raven.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Aj ang ginawa ni Hestia na ikinatingin naman ni Sisi ng may kalituhan sa nagaganap.

"Anong nilalaro niyo?" sabi ni Aj.

"Wala, nag-eensayo lang kami." sabi ni Hestia kahit ang totoo naglalaro sila ng bahay-bahayan.

Napatingin si Umiko kay Raven, ito kasi ang pasimuno ng paglalaro nila na hindi dapat siya sasali kaso siyempre ang motto nilang apat sa kapatiran ay iisa, walang iwanan.

"Okay, mag-eensayo na tayo." sabi ni Aj sabay lapit nito.

Sa paglapit ni Aj napatingin at natahimik ang anim na batang kasama nito.

"Hala! Para siyang bata kung umakto." mahinang sabi ni Sisi na ikinasiko ni Hestia.

Umupo si Aj sa sofa sabay kuha ng dalawang manika ni Hestia na pasimple nitong hinila kanina kay Raven.

Nakamasid ang anim na bata ng ayusin ni Aj ang manika sa tabi nito habang nakaupo ito.

"Hala! Ganyan ba talaga siya? Ang creepy niya kumilos." bulong ni Sisi na ikinasiko muli ni Hestia dito.

"Ahhmm." tikhim ni Aj saka nito nilabas ang nasa likuran na ikinanlaki ng mga mata ng anim na bata.

"Para sayo." sabi ni Aj kay Hestia na ikinangiti ni Sisi sabay ito naman ang sumiko kay Hestia na ikinabuwal ni Hestia payakap kay Aj.

"Uyyy!" sabi ni Hestia ng sikuhin siya ni Sisi.

"Ayiee! Crush ka ng kuya mo?" inosenteng tudyo ni Sisi na ikinamula lalo ng mukha ni Hestia.

"Kunin mo na." sabi ni Aj sabay abot ng white chocolate kay Hestia at isang stem ng white rose.

"Kunin mo na kundi ako kukuha." sabi ni Sisi na ikinangisi ng apat na batang lalaki.

Napatingin si Hestia kay Aj saka nito kinuha ang nasa kamay nito pero nagulat ang lahat ng pagkuha ni Hestia ng bulaklak at chocolate mabilis ni Aj hinila si Hestia at niyakap ng mahigpit.

"Kapag wala ako, hintayin mo ako kasi babalik ako. Kapag nakalimot ako, hintayin mo pa rin ako kasi siguradong maaalala kita, at kapag may nakita ka na hindi mo nagustuhan isipin mo na kahit gusto ko ang ginagawa ko ikaw pa rin ang iniisip ko." sabi ni Aj na ikinalunok ni Hestia at ikinatili ni Sisi.

"Ayieee! Ganyan kaya sila Andres at Gregoria dati? Siguro naman kahit na digmaan noong mga panahon na iyon may landian din na nangyayari." kinikilig na sabi ni Sisi sabay yakap sa sarili nito na ikinatingin nila Haco, Umiko at Lake kay Sisi.

"Dapat huwag kang masyadong didikit kay Hestia kasi nakakasira ka ng kainosentehan." sabi ni Umiko kay Sisi na ikinangiti lamang ni Sisi.

"Ahhhmm. Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Hestia sabay yakap kay Aj.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and Hestiaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن