Pumasok ako sa loob. Medyo maingay dahil madaming customer.

Pumunta ako sa counter. Nagtanong ako sa empleyadong walang ginagawa.

"Excuse me po, saan po ako pupunta? Nag-a-apply po sana bilang waitress."

Hwe brow shut up. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Ngumiwi ako pero pilit iyong tinago.

Tinuro niya ang pintuan ng sinasabing manager. Agad akong pumasok. And I was welcomed by a man, sitting on the chair. Siguro matanda lang ito ng limang taon sa akin.

Seryuso itong nag-angat ng tingin. Sinubukan kong ngumiti kahit kinakabahan.

"Good morning, Sir. Nandito po ako para mag-apply ng trabaho. Nakita ko po kasi kagabi na hiring po kayo."

The interview didn't take us long. Dahil kailangan talaga nila ng waitress, natanggap agad ako.

Nung narinig iyon, halos lumuhod pa ako sa sobrang pasasalamat. Sabi nung manager, pwede na daw akong magsimula bukas.

Alam niyang estudyante pa lang ako, ang sabi niya, ilalagay niya sa gabi ang shift ko. Five hours of work. It was already enough. Pero dahil wala pa naman akong pasok, kailangan kong pumasok bukas ng maaga. For training purposes also.

Hindi ko alam pero parang may kamuka ang manager na iyon. Hindi ko lang alam kung sino. Basta kilala ko.

Pagkatapos ko dun, agad akong bumalik sa hospital. He was ready to discharge so the doctor gave me the list of all the medicines he's going to take.

Nung makita ko iyon, bumuga ako ng malalim na hininga. Pumunta pa ako sa cashier para kunin ang bill at halos malula ako sa laki nun. Sixty five thousand. Discounted na iyon pero napaisip pa rin ako. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Wala na akong mautangan. Wala akong maisip na pwede kong hingan ng tulong. Hindi naman ako pwedeng mag advance sa pinagta-trabahuan ko. Masyadong nakakahiya iyon. Hindi pa nga ako nagsisimula, advance agad.

That night, I felt anxious again. I texted my sisters about the bill and they said, they'll try to send me some money. Pinagpasalamat ko iyon.

Umuwi ako ng bahay na halos lutang, wala sa sarili. As usual, Henrick made a visit but I wasn't there. Alam niya kung nasaan ako pero ang hindi niya alam, ang pag-apply ko ng trabaho.

Hindi ko nagawang sabihin dahil hindi siya papayag. Wala na akong lakas para magtalo pa kami kaya nagdesisyon ako para sa sarili.

Is it a bad thing? I didn't include him in making decisions this time. Is that a selfish matter? Masama na ba ako kung ganun?

Kinain ko ang hinanda niyang pagkain para sa akin. I was in that situation when I felt my phone vibrated for a message. Tiningnan ko iyon.

From: Peter

At dahil masipag ako at mabait, enroll ka na. Ano, busy ka masyado sa jowa bi? Hindi ka man lang nakapagpa-enroll.

Hindi pa man ako nakapag-reply, may mesaage ulit galing sa kaniya.

From: Peter

May problema ka ba? May naririnig na ako pero hindi ako naniniwala kasi wala ka namang sinasabi. Sabihin mo lang kung may problema ha? Nandito lang ako bilang best friend mo.

It was the message that I was looking for. Hindi mayaman sina Peter pero alam kung may kaya sila dahil may trabaho na lahat ng kapatid niya.

I messaged him about him to call me. Nung gabing iyon, kinukwento ko lahat sa kaniya. I was crying not because I wanted him to pity me but because I just realized the situation.

To Forget (Destined Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя