I heard someone cough and that's the time I noticed Clef. He's just standing on my left side habang nakalagay sa bulsa niya ang kanyang mga kamay at nakatingin sa akin.

Those serious face, black eyes piercing right into my soul na parang binabasa niya ang pagkatao ko. I felt so strange, my breath quickens and I felt this unfamiliar hummering of beats inside my heart, parang kanina lang nuong yakap-yakap niya ako.

Napakagat ako sa labi ko dahil duon. Dang! Speak Fermatta!

"B-bakit mo ako dinala dito?" I said na para akong isang batang kinakabahan. Mas lalo kong kinagat ang labi ko. Bakit ngayon mo pa naramdaman 'yan, Fermatta?

Pinagmasdan ko lang siya kahit na ayokong tignan siya dahil masyado akong kinakabahan. Those thick eyelashes, perfect jaw and nose, his messy hair, his adams apple that looks like it has own life. He's gorgeous kahit na nuon ko pa iyon ikinakaila. Baka nga mas gwapo siya kay Lance dahil kapag nandiyan si Lance hindi naman ako kinakabahan ng ganito.

Bumukas ang bibig niya, "For you to see this" matipid niyang sagot sa tanong ko, "I just thought you would like this. Searcy wanted to see stars whenever she's sad" aniya sa seryosong tono.

Napalunok ako ng mabilis dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero tama siya. I definitely like this one just like how Searcy like the sky when she's sad.

Huminga ako ng malalim at pinilit kalimutan ang kabang nararamdaman ko para sa kanya. Pinagmasdan ko ang langit na parang kumikintab sa paningin ko. They are absolutely amazing, this is so refreshing. This is what I really wanted. A little break from all the issues I have.

Gusto kong pumayapa ang isip ko kahit na saglit lang, gusto kong mawala sa isip ko ang boses ni mommy na pinagbabawalan akong magsulat. Gusto kong makalimutan na isa akong anak ng singer at pinagaral niya ako sa Cecilian dahil gusto niya akong sumunod sa yakap niya. Elizabeth is just like the moon, it shines so bright maybe the brigthest star na kahit siya nalang ang nagiisa sa langit ay kaya niya. So independent, yet so beautiful and I am just like a star, maybe a part of constellation or just a little star na maliit lang ang span of life. My brightness quickly fades, I am less important.

"Is it really hard?" bigla kong tanong kay Clef.

I heard him hum nuong tinanong ko iyon saka ako nagpatuloy sa pagsasalita, "To become famous?"

I heard silence pagkatapos kong itanong iyon sa kanya. Wala akong nararamdaman kundi ang lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa balat ko, pakiramdam ko ay pati ang puso ko ay nanlalamig dahil duon. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Clef ngayon, siguro naawa siya dahil nakita niya akong umiiyak kanina kaya dinala niya ako dito. Siguro iniisip niyang mahina talaga ako kahit na palagi niya akong nakikitang matapanh pero iyon naman talaga ako. Weak.

"Yeah" narinig kong sagot niya sa tanong ko, "But I like what I am doing. Performing in front of people, being with the band. It's actually my dream" aniya.

"Good for you" anas ko.

"You? What's your dream?" tanong niya sa akin.

"Writer. To write stories. Pathetic isn't it?" ani ko habang tumatawa. Laugh that I thought would cover all the pain I am feeling pero sa bandang huli ay nawala rin ang ngiti kong iyon at pakiramdam ko ay nagiinit nanaman ang mga sulok ng mata ko.

"Then why you're here? You should study to other school"

I bit my lips for a while. Thinking if I should answer his question o gawin ang palagi kong ginagawa. Putting a high walls to people I don't really care, to people that I can call a stranger pero parang may sariling isip ang bibig ko. I just felt that I needed someone who will hear everything I feel. 'Yung taong mapaghihingahan ko ng mga problema ko, alam kong hindi si Clef ang perpektong tao para duon, Lance could be a better companion or maybe Chriselle pero wala na akong magagawa dahil siya lang ang nandito sa tabi ko ngayon.

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now