Kabanata 18: Reconciliation

20 0 0
                                    

LAZUMI

"Okay, sasabihin mo lang naman, Lazumi! Bakit ka ba kinakabahan!?!"

Pilit kong kinakausap ang sarili ko sa tahimik na hallway, malapit lang sa room namin. Mixed emotion na nga itong nararamdaman ko dahil masaya rin naman ako dahil kaunti lang ang klase.

Foundation day is two days away, and some teachers and students were busy decorating and planning for the said event. Wala naman sports kaya chill lang kami ng mga ka-team ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaniya-kaniyang ginagawa ng mga tao sa baba. Our room is on the second floor. Ang dami agad ng mga estudyante kahit malayo pa ang event.

Ngayong school year namin, wala na kaming laban. Ang huling laban namin ay 'yung Perenzo.

Para sa akin naman ayos lang dahil nag-champion naman kami. Napangiti ako dahil sobrang saya talaga namin noong natanggap ang trophy.

Back to my issue, Ace is really occupying my mind for hours now. Kaya lumabas muna ako kasama si Louise dahil nakakailang ang mga tingin ni Ace sa akin. Ayokong makita niya ang pulang-pula kong mukha.

He was still patiently waiting for me to say my secret.

I sighed hard. "Okay-"

"Ate!" boses ni Louise na kakabalik lang sa pwesto ko.

Pinatawag kasi siya ng adviser namin kaya halos humahangos siyang tumatakbo papunta sa akin. Humawak pa siya sa dingding at huminga nang malalim.

"Pagod na pagod?" sabi ko sabay ngiti.

Agad agad naman siyang tumango. Dahil doon, sumabay sa tango niya ang paggalaw ng chubby niyang pisngi. Pawis na pawis na siya pero ang cute pa rin niyang tignan. Nakakainggit.

"Pwede kang kumanta sa foundation day?" biglaan niyang sabi sa gitna ng hingal.

Lumakas ang tawa ko kaya tinakpan ko ang bibig. "Mukha ba akong magaling kumanta?" hindi makapaniwala kong tanong.

Wala kaya akong talent!

"E, Ate, walang nagpaparticipate sa section natin e. Kailangan kahit isa lang sa production number."

Tumingin ako sa baba at iniiwasan ang tingin ng kaibigan. "Wala akong talent d'yan."

Louise sighed a bit. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin na siya sa malayo habang nakasimangot. "Ayaw kasi ng iba. Ayoko na talaga maging president! Ako 'yung napepressure!" reklamo niya, bakas talaga ang inis.

Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang kaibigan. Mukhang stress na rin siya kaya gusto ko ring tumulong.

Akma ko ng dadamayan si Louise nang makita ko naman si Ace sa gilid ng mata.

Dumaan siya sa gilid namin at ako agad ang tinapunan niya ng tingin. Matalim ang mga titig niya at maya-maya lang ay ngumisi. Suot niya ang sobrang paborito niyang blue hoodie. Curly pa rin ang buhok na halos takpan na ang kaniyang bilugang salamin.

Problema nito? Natawa ako sa naging reaksyon ni Ace. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nakaligtas ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Umiling ako para i-alis ang kilig sa sistema.

Capturing Ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon