Kabanata 13: New Friend

10 0 0
                                    

LAZUMI

Muntik nang mabali ang leeg ko dahil sa bilis ng pagkakalingon. Kagaya kanina, si Ace ulit ang inaasahan kong may-ari ng boses na 'yon. Siya lang kasi ang tumatawag ng "Laz" sa akin. Ang iba "Lazumi" o kaya "Lazzy."

Kaya napatulala pa ako ng ilang segundo nang mapagtantong si Dom pala ang kaharap ko.

Suot-suot pa rin ang blouse ng Sarmiento Highschool, ang cute ng porma niya. Para kasi siyang batang Ace, mas pulido nga lang ang mga features ng mukha ni Dom gaya ng panga at ilong.

"Hi, Dom!" bati ko. Sana nalang hindi iyon tunog peke dahil sa pait na nararamdaman.

"Congrats," he said softly. I didn't feel the energy at that remark, but his smile filled with sincerity.

Otomatiko akong napangiti. "Salamat."

Naging ilang ang usapan namin dahil hindi na alam ang isusunod doon. Dumagdag pang nasa tagong lugar kami dahil malapit lang kami sa locker. Ang ibang teammates ko ay kumukuha pa ng pictures sa loob ng arena.

Pilit akong nag-isip ng mga pwedeng sabihin.

"Si Ace nga pala?" hindi sinasadya kong tanong. Ngayon ko lang na-realized na siya pala talaga ang laging laman ng isip ko kaya ang pangalan niya ang nasabi ko.

Mas lalo tuloy akong nainis. Pinipigilan ko lang ang pag-init ng ulo dahil kaharap ko si Dom.

Kasi malapit ko nang masaktan 'yung lalaking 'yon. Malinaw na malinaw sa alaalala kong pumayag siya. May maliit na boses sa utak kong nagsasabing may sapat siyang rason kung bakit siya wala. At saka hindi niya naman ako girlfriend na obligadong pumunta sa laro.

Mukhang ang sakit ng huli kong sinabi.

"I don't know. Dalawa lang kami ni Ate Star na pumunta rito," sagot niya.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Bakit ba ako naiinis?! Sobrang higpit ng hawak ko sa telang pamunas.

"Tubig?"

Lumipat ang tingin ko sa bottled water na hawak-hawak niya. Nakangiti ko 'yung tinanggap. Dahil na rin sa uhaw, uminom ako ng kaunti, pero may kiliting dumaloy sa lalamunan ko.

Nasamid pa nga.

Agad akong nag-react at binababa ang bote. Nakakahiya pa dahil may iilang tumalksik kay Dom. Abala pa rin ako sa pag-ubo hanggang sa may tissue siyang binigay sa akin.

Hindi ko maiwasan ang matawa. Bwisit naman. Puro kahihiyan ako sa magkapatid.

"Salamat," sabi ko at natawa nalang.

Nagpakita siya ng kaunting ngiti, hindi na rin maiwasan ang tumawa. Umayos na rin ang pakiramdam ko dahil sa tawang nagawa at sa kakaibang presensya ng kapatid ni Ace.

Oras na para umalis kami, pero wala pa rin ang kanina ko pang hinihintay. Umalis ako sa arena ng Sarmiento nang may tampo sa dibdib. Binuksan ko rin ang conversation namin, wala namang chat mula sa kaniya kaya nakakainis na talaga.

Ako:

Ace?

Hindi ka pumunta?

Capturing Ocean Donde viven las historias. Descúbrelo ahora