Kabanata 04: Again

13 0 0
                                    

LAZUMI

Sinunod ko ang sinabi ni Ace. Nagpahinga ako buong bakasyon.

Dahil tapos na ang school year ko ng grade ten, nakapagpahinga na rin ako. Tapos na rin ang laro sa volleyball, sa next intrams ulit kami lalaban. Focus muna kami sa pag-aaral.

Inayos ko ang uniform. Inayos ko ang itim na pants at ang puting blouse na may tatak ng school. Ito ang uniform namin ngayong senior highschool.

Ang totoo talaga, ayoko pang pumasok. Bitin ang pahinga ko. Nakakainis nga dahil hindi na ulit kami nagkita ni Ace. Parang bumabalik ulit sa dati na walang interaction.

Dahil wala akong choice, pumara ako ng tricycle para makarating sa school. Hindi walking distance ang school at bahay, gamit kasi ni Kuya ang kotse kaya ako ang mag-cocommute. Mas malayo ang pinapasukan niya kumpara sa akin.

Puro mga estudyante na naglalabasan at pumapasok ngayong first day. Nakakalat sila sa buong school kahit umaga palang. Sama-sama sa isang building ang buong senior high at hinati ang isang strand sa dalawang section.

I enrolled in GAS. I don't know why I chose that strand.

Ilang lakad pa ang ginawa ko bago makapunta sa building ng senior high. Naka-display na roon ang masterlist kung saan malalaman ang section, adviser at kung saan ang room.

Medyo nagulat pa ako dahil walang taong tumitingin. Siguro nakita na nila noong nakaraan pa, or masyado lang akong maaga. I examined all the papers. From STEM, ABM, HUMMS, SPORTS, TVL, ICT and then to my strand.

Hinanap ko sa girls ang apilyidong Ladwalter. Nakita ko naman iyon dahil ako lang ang nag-iisang may ganoong surname. I found it on 11 GAS-II, doon ako sa pangalawang section ng strand na ito.

"Oh, we're classmates again."

Mabilis akong lumingon kung saan nanggaling ang boses. Kaagad akong napatalon nang makita si Ace, malapit sa mukha ko na nakatingin rin sa masterlist.

I started staring at his cheeks, from his nose, lips, up until on his glasses, still wearing another white hoodie. Ace's curly hair perfectly fits his face.

Hindi ko matigil ang pagtingin sa mukha niya. He has these soft features on his face. A mixture of cuteness and manliness. Ewan ko ba, para siyang malambot na unan na masarap yakapin dahil ang lamig ngayong umaga.

Sobrang lapit ng mukha ko sa pisngi niya, malapit ko na nga siyang mahalikan kung may tutulak sa akin sa likod.

Hanggang sa lumipat ang tingin niya sa akin. He smiled again like the way he smiled at me. Not reaching the eyes, but genuine.

Masydo siyang matangkad kaya kinailangan niya pang yumuko para magpantay kami. Namilog ang mata ko kasabay ng kauting pag-atras. Dahil doon, tumayo na siya nang maayos kasabay nang pagtaas ng paper bag.

"It's japanese cake, made by my friends," he said, offering me to get one.

Iyon pala ang naamoy kong mabango. Tumingin ako sa kaniya at binalik ulit ang tingin sa pagkain. Nilapit niya pa ito sa akin kaya kumuha na ako ng isa. Akala ko aalis na siya sa harap ko. But he stayed, waiting for me to eat the food he offered.

Capturing Ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon