Kabanata 10: Brother

6 0 0
                                    

LAZUMI

"Bakit nawala?"

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa account ni Ced214 dahil bigla nalang nawala ang mga videos and pictures niya. He didn't delete his account, but he deleted all of his posts.

Nakikita ko pa rin 'yung mga past videos at pictures niya, pero puro re-post na lang galing sa iba't-ibang account dahil kumalat talaga si Ced214.

Nakita ko pa nga kanina na may mga fan pages na siya. Hindi ko lang sigurado kung ilang account iyon pero alam kong marami. Dahil sa panood ko sa mga nakakakilig niyang videos, puro siya na tuloy ang nakikita ko sa feed.

Maraming nanghihinayang dahil hindi nila alam ang mukha ni Ced214. Napahinga nalang ako nang malalim dahil isa ako sa kanila. Paulit-ulit na ang boses niya sa utak ko kaya kahit ilang buwan na ang lumipas, hindi pa rin ito nawawala.

"Ito 'yung bahay nila?" nakaturo kong tanong sa maliit na gate sa harap ko.

Dahil pareparehas naming hindi alam ang sagot naghintay nalang kami ng ilang segundo bago lumabas sa pintuan si Ate Star.

This is the last day of her senior high school life. College na siya in the coming months, so we decided to celebrate it. Tapos na rin ang graduation ni Ate Star at birthday niya pa ngayon.

Pilit ko ring hinanahap si Ace, nagbabasakaling narito siya sa bahay. I messaged him that I will come but he still doesn't reply to me.

Ate Bora, Mira, Nica, Shiela and Me smiled when Ate Star came out from the gate. She unlocked it and welcomed us with a smile.

This is my first time in their house, so I need to be careful with my actions and words. The first thing I did was to sit down on their sofa. Then I roamed my eyes to find Ace, or even his shadow. But I only found the rest of his family.

Their mom greeted us. Pati na rin ang lolo at lola ni Ace na hindi matigil ang pagngiti sa amin. They now have weak bodies but they still put a smile on their faces.

One by one, we did the mano po to show respect.

"Kaganda naman ng mata mo, hija."

Titig na titig sa akin ang lola nila kaya otomatiko akong napangiti. Mukhang amaze na amaze si Lola sa mata ko kaya lagi siyang nakatingin sa akin, nakakahiya na tuloy.

Their house was built differently from ours. Speaking of atmosphere, amoy aircon ang bahay nila. Brown and shiny tiles scattered all over the floor, from here to their kitchen. They have a big screen TV where Lola and Lolo watch.

"Star, pakainin mo na sila."

Ngumiti naman si Ate Star at sinamahan kami papunta sa dining table nila.

Pilit ko pa rin pinalilibot ang mata ko para hanapin si Ace, napansin iyon ni Mira kaya may nakakainis siyang ngiti sa labi. Bumuntonghininga ako dahil napapansin na rin pala ng iba. Okay, hindi ko na siya hahanapin at kakain nalang nang tahimik para wala na silang mainis sa akin.

Pero bago umupo, humarap sa akin si Ate Star. "Lazzy, tawagin mo si Ace sa taas," nakangisi nitong utos sa akin.

Huminto pa ako saglit para iproseso ang inutos niya. "Ate..." reklamo ko. May ilalakas pa sana iyon pero nasa sala ang mga matatanda kaya mahina ko lang iyong nasabi. Lahat ng kaibigan ko ay natawa habang nagsasandok ng pagkain.

Capturing Ocean Where stories live. Discover now