Kabanata 14: Lost but not Found

11 0 0
                                    

LAZUMI

After class, I waited for Dom in the waiting shed not far from the school gate.

Isa ako sa mga estudyanteng nakaupo sa mahabang upuan, habang nasa kandungan ko ang bag. Kanina bago mag-uwian, laking gulat ko nang may message na mula sa IG si Dom sa akin.

Sa totoo lang, hindi na bago sa akin ang may nag-aya sa ganito. Ilang beses na akong nakakuha ng messages na bumabati sa akin. Mga hello at hi, pati na rin sa 'yung mga ligaw ligaw na 'yan.

Hindi ako sumasang-ayon sa mga ganoon, dahil siya lang ang hinihintay kong mag-message sa akin. Dahil hindi nangyayari, nakakalungkot.

Baka, pwedeng...ako nalang kaya ang gumawa ng paraan?

Pero nahihiya ako.

I saw Ace with his friends when they walked past the gate. Pilit siyang pinagtutulakan ng mga kaibigan niya papunta dito. Akala ko rin pupunta siya sa akin, kaya umasa ako nang malala.

But, it didn't happen. Halata kasi ang sobrang inis ni Ace sa mga kaibigan kaya binigyan niya ang mga ito ng malutong na middle finger. Pagtapos, umalis na rin siya kaagad kaya tumatawang sumunod ang mga kaibigan niya sa kaniya.

Bumuntonghininga ako habang sinusundan ng tingin ang mga higanteng lalaki. In all fairness, matatangkad silang lahat. Parang natataasan nila ang karamihan sa nadaraanan nila.

Sa pangalawang pagkakataon, bumuntonghininga ulit ako dahil kanina ko pa pala hawak ang yellow tulip na bigay ni Ace-or ni Dom. Kumukupas na ang kulay nito at napapalitan na ng kaunting itim.

Speaking of Dom, napangiti ako nang nakita ko siya. "Late ba ako? I'm sorry," salubong niya sa akin.

Tumayo ako at agad binitawan ang bulaklak sa may tabi ko. Mukhang nakalimutan ko ring banggitin sa kaniya ang tungkol sa tulip. Pilit ko kasing pinapaniwala ang sarili na kay Ace galing iyon. Hindi rin naman nabanggit o napansin ni Dom.

"Hindi naman. Maaga lang nag-dismiss."

Tumango naman si Dom sa sagot ko at maliit na ngumiti. "Tara?"

Ako naman ang tumango at tahimik na sumunod sa kaniya.

Hindi ako sigurado kung saan kami pupunta. Tahimik lang kaming magkatabi sa jeep, nag-uunahan kung sino ang unang magsasalita. In the end, walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa pupuntahan.

Napapansin ko naman na mabait naman itong si Dom dahil tinatanong niya kung ano ang opinyon ko. Nagdidistansya rin siya ng iilang pulgadang layo sa pagitan namin.

"Where do you want to go first, ice cream or sisig?"

Nagtatalo ang isip ko habang tinitignan ang dalawang tindahan ng mga sinabi niya. "Let's go to sisig."

Tumango naman siya. Ako na ang humanap ng upuan para sa amin. Pinilit ko nalang na hindi magcellphone habang naghihintay, kaya natuon ang atensyon ko kay Dom na medyo malayo sa akin.

Kagaya ko, nakasuot pa rin siya ng uniform mula sa school niya. Siya na ang sumunod sa pila at nasundan ko pa ang bawat pagbukas ng bibig niya habang sinasabi ang bibilhin. Hindi ko 'yon narinig pero walang ngiti niya iyong sinasabi.

Capturing Ocean Where stories live. Discover now