Chapter 13

443 9 8
                                    

Sa isang hotel kami nagcheck-in ni Seryo pagkarating namin sa Maynila. Malapit lang iyon sa bahay nina Thalia. Gusto pa nga nito na doon na kami tumuloy pansamantala kaya lang hindi na ako pumayag.

Nakakahiya naman.

Isang kwarto lang ang na-avail namin, mabuti na lang ay two bedroom iyon. Nakalimutan ko kasing magpareserve ng matutuluyan dahil sa sobrang excitement ko.

Alas sais pa lang ng umaga kaya natulog pa kami pareho. Buong araw ay pagtulog lang ang tanging ginawa ko. Si Seryo naman ay itinuloy ang kaniyang ginagawa nang magising. Abala ito buong maghapon kaya hindi ko na inabala.

Kinagabihan, alas otso kami gumayak papunta kina Thalia. Simpleng make-up lang ang ginawa ko sa sarili na ibinagay sa suot na simpleng pink strapless bodycon dress at hindi kataasang stiletto. Habang si Seryo naman ay tanging simpleng long sleeve pink polo shirt, slacks, at ang suot nitong black shoes kanina. Kahit casual lang ang suot nito, mukhang pormal pa rin ang dating ng lalaki.

Pagkapasok pa lang sa bahay ng mga Dela Cruz ay nakakita na ng iilang kilala. I immediately saw Rhett with Thalia's brother, Vios. Kaagad ko ring nakita sina Tito Enzo and Tita Kristal na abala sa mga bisita. Sa kabilang banda ay naroon naman sina Tito Neil and Tita Maricar. I even saw Fern with his wife, Veronica and their son. Bahagya pang nagulat nang makita rin dito si Mr. Lorence Gonzales ng Gonzales Corporate Group. Ang alam ko ay kaibigan ito ni Tita Kristal kaya siguro ay naroon. Nakilala ko ang lalaki dahil naging kasosyo rin ito ng ama pagkatapos nitong matapos ang kaniyang therapy. Marami pa ang naroon, kaya lang ay hindi ko na kilala dahil siguro'y matagal ding nawala.

Si Tita Kristal ang unang nakakita sa akin. Namilog ang mga mata nito nang magkatinginan kami. Ako naman ay napangiti. Lumapit ako sa kaniya.

"Oh my goodness! Gab, hija, is that you?"

Tumango ako. Lumapit siya sa akin bago ako hinila sa isang yakap. "How are you, Tita?"

Kita ko agad ang ngiti nito nang kumalas. Bahagyang tumanda na ang itsura niya pero naroon pa rin ang sopistikadang itsura.

"I'm fine, hija. Ikaw ba? Kailan ka nakauwi?"

"Ilang buwan pa lang, Tita. Masyadong naging abala dahil sa trabaho kaya hindi nakapagsabi."

Tumawa ito sa naging sagot. Lumagpas ang tingin nito sa likuran. Doon ko lang naalala na may kasama nga pala ako. Nangingiti kong hinila ang braso ni Seryo palapit sa akin.

"This is Seryo, Tita."

Hinigpitan ko ang hawak sa kasama. Nilingon ko siya. "Seryo, this is Tita Kristal, Thalia's mom."

Tumango si Seryo at ngumiti sa babae. "I'm pleased to meet you, Ma'am."

Natawa si Tita sa pormal na sagot nito. Habang ako'y bahagya siyang sinimangutan dahil doon.

"It's just Tita, Seryo. Masyado ka namang pormal sa akin."

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Seryo. Ipinakilala ko na rin si Seryo sa iba pang naroon. Bahagya pa ngang natukso dahil ito raw ang unang beses na nakita akong may kasama. Tinawanan ko lang ang mga iyon. Lumayo sa akin si Seryo nang magkausap sila ni Rhett. I saw Fern joined their table too. Si Veronica naman ay nginitian ko lang nang kumaway ito sa akin.

Nilibot ko ang tingin nang hindi ko makita si Thalia. I even texted her pero hindi ito nagrereply sa akin. Muli kong kinuha ang telepono para tingnan kung may sagot na ito sa akin pero wala. Akmang patayo na para hanapin siya nang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Sa lambot ng mga iyon ay kaagad akong napangiti.

Hinawakan ko ang mga kamay nito. "Hindi ka pa rin nagbabago, Thalia."

She immediately hugged me from behind. Napatawa ako dahil doon. Narinig ko rin ang pagtawa nito. Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa aking balikat.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now