Chapter 4

834 22 13
                                    

The warm breeze of the air welcomed me as I stepped out of the car.  It slightly disheveled my hair so I combed it using my hands. I looked at Seryo, who is patiently waiting for me to walk.

Inirapan ko siya. "Ano'ng hinihintay mo? Bagyo? C'mon, let's go."

Tinanguhan lang niya ako bago ibinigay sa valet ang susi. Sa mismong harap kami ng building bumaba, sa building iyon ng Anonuevo Corporation sa Cebu. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pala silang branch dito, akala ko ay iyong sa Maynila lang. Hindi pa sana ako papayag, kaya lang ay masyadong pribado ang pag-uusapan namin ayon sa dahilan nila.

Nang makita ko ang pangalan nito sa itaas ng building, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari. Those good memories I had with them. Hindi ko man maamin pero alam ko sa sariling may parte pa rin sa akin na gusto pa ring malaman ang kalagayan nila ngayon. I somehow treated Rhett as my friend, especially Thalia, his cousin. Hindi na ako magtataka kung galit man ito sa akin dahil sa nagawa ko. I just left, saying nothing.

Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang isang kamay sa likuran, itinutulak ako. Kamay iyon ni Seryo na ipinagtaka ko. Nilingon ko siya, nagtatanong ang mga mata.

Umismid siya, pagkaraan ay inilayo sa akin ang kamay.

"You're spacing out, Ms. Ella. You walk too slow."

Ako naman ngayon ang napaismid. Hindi na ako nakipagtalo pa, mas binilisan ang lakad para maunahan siya.

Pagkapasok sa loob ay hindi ko inaasahang naroon ang dalawa, mukhang sasalubungin kami. Si Rhett ang unang nakakita sa amin na kaagad na ngumiti. Nginitian ko siya pabalik nang magtama ang mga mata namin. Siya ang unang lumapit na kaagad akong hinila para sa isang yakap. Nagulat ako roon pero nagawa pa ring suklian ang yakap nito.

"I'm happy to see you again, Gab. It's been years..." Nagtagal ang yakap niyang iyon. Makaraan ay tinapos niya ang yakapan namin, bahagyang lumayo sa akin. Nanatili ang dalawang kamay nitong nakahawak sa magkabilang balikat ko. He smiled at me, genuinely. "You look more amazing. We all missed you."

Kusang kumurba ang mga labi ko. Sa sinabi niyang iyon, mistulang isang kamay ang humaplos sa puso ko. Iyong pakiramdam na nakakasaya ng sobra kaya masakit. Tumikhim ako bago sumagot.

"Long time no see, Rhett. Kamusta ka?  You look amazing, too."

Hinagod ko ng tingin ang kabuuan nito. He looks more matured now, a bit intimidating because of his height, and has a boyish look with a manly aura. Hindi na ako magtatakang nagustuhan ito ni Thalia noon, mas lalo siguro ngayon kung hindi nga lang sila magpinsan.

"I'm good. We're good. You? We didn't know that you are this rich. Ang sabi mo noon sa amin ay maliliit na apartment lang."

Bahagya akong napatawa. Nagkibit-balikat pagkatapos. "Hmm, pero hindi naman siguro kasing yaman n'yo?"

Siya naman ngayon ang napatawa. Sasagot pa sana siya kaya lang ay tumikhim ang katabi nito. Nalipat sa kan'ya ang atensyon naming pareho. Panandalian ko siyang nilingon, nag-iwas din kaagad para tingnan ang katabi ko. Tahimik lang si Seryo sa tabi ko, nagtaas ng kilay nang makatinginan.

"Uh, kasama ko si Fern. He's my business partner with the project."

He looked apologetically to me. I smiled to reassure him. Unlike to Rhett, I didn't hug him, neither did go near him. I held out my hand for a handshake.

"Hi, long time no see."

Bahagya siyang ngumiti. "Hi, it's nice to see you again."

Tinanguhan ko lang ito bago humarap kay Seryo. Ipinilig ko ang ulo sa dalawa. Mukhang naintindihan naman niya iyon dahil tumango.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now