Chapter 2

690 21 0
                                    

"Damn it, Kate! I told you to book me a flight tomorrow but not this early.  Sumasakit ang ulo ko sa'yo."

Hindi ko inaasahan na madaling araw niya akong gigisingin. Masyado pa akong puyat sa pag-iisip kagabi, kung hindi pa yata ako bahagyang naglasing ay hindi rin makakatulog. Naiirita akong bumaba sa service van habang inaalalayan ng sekretarya. Nasa likod naman ang driver, ibinababa na ang mga bagahe ko. Isang maleta lang iyon pero may kasamang malaking bag.

Nagkamot siya ng buhok bago napangiwi.

"Sorry, ma'am. Ang bilin po kasi ni Sir Andres, bilhin ko po 'yong pinakamaagang flight para kaagad kayong makarating. Saka ko lang po nakitang alas singko pala iyon."

Inirapan ko siya. Isinabit ko ang bag sa balikat bago dumiretso papasok ng airport. Sumunod naman kaagad ang dalawa, dala-dala ang maleta.

"Iyong bilin ko, huwag mong kakalimutan. I'm expecting your email tomorrow at 8 am. Report everything to me. Ayaw kong may makaligtaan."

"Noted, ma'am. May mga naumpisahan na ako kagabi, tulad ng sinabi niyo. Kung walang aberya, baka mamayang gabi lang ay may email na ako."

Tumango ako. "Sigurado ka bang hindi ka pa sasabay sa akin?"

Nilingon ko siya nang hindi sumagot. Pilit itong ngumiti sa akin.

"You know, ma'am, I still have work here and my family, they didn't know about it, yet..."

Napailing ako. Itinuloy ko ang paglalakad hanggang sa malapit na papasok sa eroplano. Dahil nga'y ito ang pinakaunang biyahe, nandiyan na ang eroplano, papasukin kaagad ang mga pasahero. Kinuha ko sa kanila ang mga gamit. Nagpaalam ang driver na sa labas na raw niya hihintayin ang sekretarya. Tinanguhan ko lang. Hinarap ko ang sekretarya.

"Make sure to be there on weekend, Kate. Ako mismo ang susundo sa'yo sa airport kaya bilisan mo." Tumango ito bago lumapit para sa isang yakap. "Alam mong kailangan ko ng kakampi ro'n. Ikaw lang ang mayroon ako."

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Yes, ma'am. Susunod po ako kaagad."

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang ibang mga pasahero kaya hindi na ako nagtagal pa roon. Kinuha ko mula sa kan'ya ang mga bagaheng hawak. Kumaway ito sa akin makaraang inspekyunin ako ng guard. Nginitian ko na lang siya.

Sa buong byahe, pakiramdam ko ay naparalisa ako. Fifteen hours sitting is not a joke. Ilang beses din kaming nag-stop over sa layo ng destinasyon. Iba't ibang bansa iyon na karamihan ay napuntahan ko na kaya hindi na nag-abalang maglibot pa. Naghintay lang ako sa airport buong byahe.

Sinalubong ako ng maalinsangang panahon ng Pilipinas. Hula ko ay summer season ngayon dahil buwan pa lang ng April. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng airport, hinahanap iyong sundo ko. Malapit ng mag-alas nueve ng gabi ayon sa telebisyong nakita ko kaya kakaunti na lang ang mga tao. Hindi na ako nag-abalang tumawag pa sa bahay, sigurado namang nasabi na sa kanila ng sekretarya bago pa makarating sa akin ang mga balita.

Dumiretso ako sa lalaking may hawak na karatola. Ella ang nakasulat doon kaya nagbabakasakaling ako ang tinutukoy niya. Sinalubong ako ng lalaki nang makalapit.

"Ms. Gabriella Concepcion?"

Tumango ako. Ibinaba naman niya ang karatola bago inalok sa akin ang kamay.

"I'm Seryo, your father's secretary. Inutusan niya akong sunduin ka ngayon."

Nagtaas ako ng kilay. Iniabot ko sa kan'ya ang mga gamit imbes na tanggapin ang kamay nito. "Wala ba kaming driver? Where's your car?"

"Mrs. Concepcion is on out of town business meeting, so she's with the driver."

Tumango ako. "Right, where's your car? Pakibilisan naman, gutom na rin ako."

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now