Chapter 6

533 7 2
                                    

Seryo took me to the site, after. It was a long drive but none of us initiated a talk. Bukod sa malayo ang lugar, kakahuyan ang halos na mararaanan. Bahagya ring papataas at matarik ang daan kaya maiisip mong nasa isang parte ng bundok iyong foundation. Kakaunti rin ang mga sasakyang dumaraan. Ang tanging konswelo lang ay ang payapa at preskong simoy ng hangin.

I looked at Seryo who is now busy talking to the engineers on site. Naroon na rin si Mr. Carlos Atienza, kasama ang sekretarya nito. Katabi nila si Fern na siyang may hawak ng plano mula pa kanina. Pansin ko nga ang panaka-nakang lingon nito sa akin. Sa itsura niya'y kung hindi lang siguro seryoso ang usapan, baka nga ay kanina pa tumabi sa akin.

"Ms. Concepcion?"

I turned to Engr. Gagarin, who is one of the site engineers here. May hawak itong papel na hula ko'y balak niyang ipakita sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Bahagyang maingay sa site kaya halos hindi kami magkaintindihan.

"Mr. Mesina asked me earlier to show you the plan. Actually, it was Mr. Anonuevo who planned with the architects but unfortunately he's not here today."

Kinuha ko iyon sa kaniya bago ngumiti ng bahagya. Mataman kong tiningnan ang plano. It is the sketch of the whole foundation. It is huge, themed with modernized designs. Gagawing dalawang palapag ang foundation. Sa ground floor nakalagay ang lahat ng necessities katulad ng tanggapan, banyo, kusina, at hapag-kainan. Ang ikalawang palapag naman ay doon ilalagay ang lahat ng kwarto, at mga iilang banyo. Sa labas naman ay ang malawak na playground at maliit na pool.

Nilingon ko ang kabuuang lugar. Bagamat napupuno ng mga equipment ang lugar, kapansin-pansin pa rin ang lawak nito. Narito na rin ang mga mamahaling materyales na siyang gagamitin. Lahat nang gagamitin dito ay high quality at talagang pinaglaanang mabuti ng pondo. Ang alam ko ay pati ang ama ay naglaan din. Kaya kung titingnang mabuti, talagang pinaghandaan ang nasabing proyekto.

"The whole place is just perfect for the project. Masinop, at magiging ligtas ang mga batang maninirahan dito," I commented.

Engr. Gagarin agreed too. Kaya raw noong sinabi ni Rhett ang proyekto sa kaniya ay hindi na siya nag-atubiling tanggapin iyon.  Naging magkaibigan pala ang dalawa noong pagkatapos ng kolehiyo. Nakilala naman niya si Fern dahil kaibigan nito si Veronica kaya ginawa siyang ninong ng anak nila.

"Yes, Ms.Concepcion. Veronica likes the whole plan too. Ang alam ko ay kasama rin siya sa nagplano. This foundation is her husband's gift to her, of course. Kaya siguradong pupunta rin siya rito. I guessed you met her already? Naging schoolmate raw kayo, ang sabi niya..."

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya nang magkatinginan. Siya naman ay nagpatuloy sa pagsasalita.

"Naku, if you met her, siguradong magkakasundo kayo. Especially, her son, ang sabi niya nga ay gagawin kang ninang kung hindi ka lang nag-abroad noon."

Tumawa ang lalaki. Halatang proud ito sa kaibigan. Habang ako naman ay walang masabi. Bahagya kaming natahimik pareho. Nilingon ko lamang siya nang may maalala.

"Oh, why's Rhett not here today? I thought, silang dalawa ni Mr. Mesina ang may hawak ng plano?" pag-iiba ko sa usapan. Tumango naman ang lalaki.

"Today was his flight to Singapore, Ms. Concepcion. Dumaan siya kanina para sabihin iyon. Ang sabi'y babalik din kaagad, may aayusin lang."

Tumango na lang ako sa kaniya. Nagpaalam na rin naman siya na titingnan ang ginagawa sa site. Kumaway pa ito bago nagmamadaling umalis.

I looked at Seryo again. Naroon pa rin siya sa pwesto kanina pero ngayo'y kausap na si Mr. Carlos Atienza. Wala na roon si Fern, at ang tanging dalawa na lang nag-uusap.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now