Chapter 8

524 10 15
                                    

That is my text. I thought that maybe having a company while drinking is at least a good idea.

Kaagad na nasapo ko ang noo nang may maalala. Napailing ako. Nasa Maynila nga pala ang lalaki. Kaya ba nitong magteleport papunta sa akin ngayong sinabi ko iyon? Natawa ako sa mga naisip.

Nilingon ko ang telepono para tingnan kung nagreply siya pero walang notification na nandoon. Pinindot ko ang message icon nito para sana bawiin ang naunang sinabi pero napukaw ng atensiyon ko ang huling sinabi nito.

He knows that I'm not home yet. Na pinauna ko ang driver. Maybe he called Kate to ask for me? Dahil nga ay sinabihan siya ng ama na i-check ako.

Sa huli'y ibinaba ko na lang ang telepono at ibinalik sa aking maliit na purse. Sasakit lang ang ulo kung iisipin ko pa iyon.

Itinuon ko ang atensiyon sa dance floor. Nakita roon na mas lalo pang naghihiyawan ang mga tao. Kahit ang mga naghahalikan ay nadagdagan pa. Marami na rin ang nagsasayaw sa mga taong kanina ay nasa stool pa. 

"One more, please."

Muli kong inisang lagok ang inumin bago dumiretso sa dance floor. Kahit na tatlong martini pa lang iyon ay parang umaalon na ang paningin ko. Pero hindi pa rin ako natinag. Ngayon lang naman ito, hindi na uulit pa.

Isinabay ko ang galaw ng katawan sa indayog ng kanta kasama ng mga taong naroon. Itinaas ko pa ang mga kamay para mas lalong madama. Napapikit ako nang makaramdam nang bahagyang pagkahilo. Kaya naman nang hawakan ako ng lalaking nasa harapan ay hindi ako umangal. Bagkus ay ikinawit ko ang mga kamay sa leeg nito bilang suporta. Siya naman ay ipinirmi ang mga kamay sa aking baywang.

"Hey, gorgeous."

Inilayo ko ang sarili sa kaniya nang maamoy ang hininga nito. Halata kasing lasing na lasing na ito dahil kahit malayo ay naamoy ang amoy-alak nitong bibig.

"Excuse me, you fucking drunkard."

Mabilis na umalis ako sa pwesto at lumipat sa bandang gilid malapit lang sa mga stool. Iniwan ko kanina ang maliit na purse doon, pero nakitang naroon pa rin naman iyon. Itinuloy ko ang pagsasayaw. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan nang mapalitan ang tugtog.

"Gab?"

Napalingon ako sa tumawag. Pasigaw iyon kaya rinig ko. Nagulat ako nang makilala siya. Hinawakan naman nito ang aking kamay para hilahin sa isang yakap.

"Oh my goodness, kailan ka pa nakauwi? Ang akala namin ay hindi ka na babalik, ah! Kumusta ka na?"

Natawa ako sa kaniyang sinabi. It was Abby. Kaklase ko ito sa college no'ng dito pa nag-aaral. Siya pa nga ang katabi sa upuan. Kadaldalan ko nga rin ito, at nagpapakopya pa sa akin ng assignment sa tuwing nakakalimutan kong gawin sa bahay.

"I'm good! Ilang buwan pa lang nang nakauwi ako. Kayo? Kumusta na? Kayo pa ba ni Jeric?"

Napangiti ito bago ipinakita ang singsing sa daliri. Namilog ang mga mata ko. Siya naman ay mas lalo pang lumawak ang ngiti.

"Oh my goodness!"

Nakaagaw ng atensiyon ang pagsigaw kong iyon pero hindi ko alintana dahil nasa singsing nito ang atensiyon ko. Hinila niya ako pabalik sa stool na inupuan kanina. Nag-order muna ito ng dalawang martini para sa amin bago ibinaling ang atensiyon sa akin.

"So, kailan ang kasal? Ang akala ko ba ay hihiwalayan mo na? Bakit biglang ngayon ay ikakasal ka na sa kaniya?"

Pabiro akong tinapik ng babae. "Naku, Gab. Malamang, mahal ko, eh! Kanino pa ba ako magpapakarupok kung hindi sa kaniya lang din naman!"

Napairap ako sa kaniya ngunit kaagad ding natawa. Bahagya niyang binawasan ang inuming nasa harapan kaya gano'n din ang ginawa ko. Kapagkuwa'y humarap siya sa akin na para bang may naalala.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon