Chapter 5

573 8 4
                                    

I could still feel my face burning.

Ang kahihiyang kanina pa nararamdaman, ang mabilis na pagtibok ng dibdib, at ang pamumula ng mga tainga.

Muli kong nilingon ang lalaking sekretarya.  For the third time, I guess. He's still standing in front of me, looking at me with slight annoyance and malicious eyes. Despite of his serious gaze, I can still hear his head, talking loudly, saying things about me.

"Hindi ka ba tinuruang kumatok?"

I sighed upon my question. I flipped the paper in front of me and turned it to the next page. Pinagkasya ko ang sariling gawin iyon kahit wala naman doon ang atensiyon.

"Right, Seryo?" I asked when he didn't bother to answer. I looked at him. He cleared his throat before answering.

"Ms. Ella, I just want to remind you about the board meeting later. They want to meet you today so I scheduled it at lunch time."

Napairap ako nang iwasan niya ang tanong ko. Muli kong ibinalik ang tingin sa hawak na mga papel. Marahan kong tinapik-tapik ang mesa,  napapaisip sa asal ng lalaki.

"Mr. Concepcion also approved it so I guess you have no choice. You can't cancel it, Ms. Ella."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, hindi inaasahan ang sinabi nito. Kasunod no'n ang pagtayo ko sa upuan at ang bahagyang paglapit sa kaniya.

"He'll attend the meeting later? What's happening, Seryo? Akala ko ba ay hahayaan niya akong mag-isa rito? Hindi ba't napag-usapan na hindi siya makikialam?"

Seryo sighed.

"Ms. Ella, your father only wants to introduce you to the board later. He's not up for something, so no worries," he tried to reassure me. I shook my head.

Hindi ako napanatag doon. I know my father. Hindi 'yon basta-basta pupunta nang walang naisip na gagawin. Alam kong may plano siya. at s'yempre hindi iyon sasabihin ng lalaking ito. Of course, kakampi siya ni Papa. Hindi niya ilalaglag ang ama para sa akin.

"Seryo, bring me all the documents related to the company."

Nilingon ko ang orasan. 9 o'clock. I still have time. Naglakad ako pabalik sa pwesto kanina. Itinabi ko ang mga binabasang papel.

Muli kong binalingan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko. Naningkit ang mga mata ko.

"Hurry up, Seryo!"

Mukhang doon lang natauhan ang sekretarya.  Kaagad itong naglakad palabas ng opisina ko.  Ilang saglit lang ay bumalik ito dala-dala na ang isang tumpok na mga dokumento.

Iniisa-isa ko ang mga 'yon. Habang nagbabasa, hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita. My father really worked hard for the company in the past years. He's right, I guess. I'm still nothing compared to him.

Napabuntong-hininga ako.

Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga dokumento. Bahagya lang akong natigil nang kumatok si Kate. Narito na raw ang caterer na tinawagan niya para maghanda ng mga pagkain sa meeting mamaya. Saglit kong kinausap ang mga iyon, kaagad ding bumalik sa opisina. Lalo pa't si Kate na raw ang bahala roon. Si Seryo naman ay naraanan ko kaninang paglabas na abala sa kaniyang mesa. Ang sabi ng babaeng sekretarya, may ipinapagawa raw ang ama rito. Ayaw pa nga'ng sabihin kung ano iyon.

Naiyukom ko na lang mga kamay. Sinasabi ko na nga ba. He really wants to test me. Damn it!

Pinindot ko ang intercom, tuluyan nang hindi mapakali sa kinauupuan. Wala naman akong dapat ikatakot kung may balak nga ang ama. Kailangan ko lang lusutan ang meeting mamaya. Pagkatapos noon ay tiyak na hindi na siya makikialam pa.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon