Chapter 9

500 7 11
                                    

I was never really attentive to my face, I'm satisfied with the way I look. Kung nasa America lang ay hindi ko na aalahaning maglagay pa ng make-up. As long as I smell good, it's fine.

Pero ngayong araw, pagod kong nakikita ang sarili. There were tiny bumps around my forehead, and two growing bags below my eyes. My hair, which is usually placed behind my back perfectly complemented it. Buhaghag iyon dahil dalawang araw nang hindi napaplantsa. Overall, I was dry and dim.

Maybe because of the colors I wear? It's a full black outfit. Napailing ako. O baka dahil hindi ako nakatulog nitong mga nakaraang araw?

Napabuga ako ng hangin. I pressed the intercom and called for my secretary. Ilang sandali pa ay nariyan na ang sekretarya, papasok na sa pinto.

"Yes, Ms. Ella? May kailangan kayo?"

Tumikhim ako. "Do you know any salon near the office? Look at you, you're glowing. Baka madalas ka roon."

Halata ang pagkabigla ng babae sa tanong ko. Kumunot ang noo nito, walang maisagot sa akin. She then smiled before searching something into her pocket. Inilabas nito ang telepono, may pinindot doon.

"I can look for salons for you, iyong malapit." Tumango ako. "Kung makahanap, anong araw ko iyon ibobook?"

Napaisip ako. Muli kong tiningnan ang sarili. I scoffed, not liking the way I looked at the mirror.

"Booked it for tomorrow. Uh, make sure they offer massage and spa services, as well. I think I need to loosened up a bit."

Tinanguhan ako ni Kate bago lumabas. Napasandal naman ako sa inuupuan. Ilang papeles lang ang mga napirmahan ngayong araw, pero pakiramdam ko ay parang isang tumpok iyon. Pagod ako. My body aches, and I don't know why.

Seryo won't be around the office for the whole week. Kinailangan nitong pumunta sa isang branch sa Bohol para sa inspection ng bagong negosyo. Iyon pala ang sinasabi nitong binalikang trabaho.

Ang balita sa akin ni Kate ay inihatid lang ako nito nang gabing malasing, pagkatapos ay umalis din. Nagpahatid na nga rin daw ang lalaki sa driver pabalik dahil hindi na kayang magmaneho.

I admit, I was completely out that night. I maybe don't remember exactly the details.  But, it doesn't mean, I don't know what happened.

I know I kissed Seryo, and something happened between us. Alam ko iyon, base pa lamang sa pananakit ng katawan paggising noong umaga, at sa hindi komportableng pakiramdam sa aking ibaba.

I can accept that. Hindi naman big deal sa akin kung may nangyari nga. He didn't force me anyway. But this, Seryo not saying anything is actually what's making me uneasy and angry. He didn't even bother to text me or call me. Kahit iyong email account ko ay tahimik din. Gumising na lang ako na wala na ang lalaki, umalis na para sa trabaho. I'm sure he knows that he was my first, and here I am, feeling like I was ghosted!

Ginulo ko ang buhok. Tumitindi ang galit para sa lalaki. Pakiramdam ko ay isang tapik lang sa akin ni Kate ngayon ay sasabog ako. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili, unahan nang tawagan ang lalaki. O baka ay puntahan ko na roon para makausap sa personal. 

Napaigtad ako nang tumunog ang telepono. Mabilis kong dinampot iyon, umaasang si Seryo. But to my disappointment, it was Fern. He's calling me and texting me again these past days. Kahit na hindi ko naman sinasagot, hindi pa rin natitinag. Nang tumigil, isang text naman ang rumehistro sa telepono.

From: 09*******95

Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Let's talk about the foundation. Or do you want me to stop over? Let's talk, please?

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now