Chapter 7

529 6 2
                                    

"Hindi ka pa ba nagugutom?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kate. Nakasimangot ito habang pinapadyak ang mga paa, nagpapapansin na naman sa akin. Pagkabalik kasi nito mula sa isang branch dito sa Cebu para kuhanin iyong mga dokumentong iniwan ng ama, dumiretso naman siya sa isa pang branch para daluhan iyong meeting na hindi ko napuntahan. Kukuhanin lang kasi iyong buong plano, ako na ang mag-aapprove. Kita ko ang pagod nito, kahit ayaw umamin sa akin.

"Matagal ka pa ba? Patapos na ang lunch time, hindi ka pa kakain?"

Umiling ako. Sinapo ko ang kanina pa nangangalay na batok bago marahang inilipat ang pahina ng papel na hawak. Nadatnan ko itong mga dokumento kanina, lahat ay dapat mapirmahan ngayong araw.

"Hindi pa ako nagugutom. Mauna ka na."

Mas lalo lamang siyang sumimangot. Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto dahil hindi pa nakakaupo sa pwesto ay pinapunta ko na rito.

Ngumuso siya. "Ang sama ko namang sekretarya kung iiwan kita riyan! Isa pa ay wala naman akong kasabay na kakain. Wala si Seryo kaya hindi ko maaya."

Muli akong nag-angat ng tingin. "Umalis si Seryo? Naraanan ko pa lang siya kaninang pagpasok ko, ah."

"Tinawagan daw ni Mr. Concepcion kaninang umaga. Pinasunod sa Maynila iyong mga papeles na kakailanganin sa isang project nila. Hindi ba nagpaalam sa'yo? Ang sabi sa akin ay pupuntahan ka bago umalis."

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang telepono, nagbabakasakaling nagtext ito sa akin para magsabi. Mahigit isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng kunin nito ang numero ko. Lihim akong nadismaya nang makitang walang text ang lalaki, o kahit tawag ay wala. Sabagay ay hindi naman yata siya nagtangka dahil wala namang natatanggap.

Tumikhim ako. "Hindi ka pa ba kakain? Dalhan mo nalang ako ng pagkain dito pagbalik mo," pag-iiba ko ng usapan.

Nagkibit-balikat lang si Kate, mukhang hindi napansin ang tono ko. Tinanguhan ako nito bago mabilis na naglakad palabas ng opisina. Bahagya akong napatawa roon. Mukhang nagugutom na nga talaga ang babae kahihintay sa akin.

Nang mapag-isa, tinipa ko sa telepono ang numero ng ama. Iyong personal number na nito ang tinawagan ko dahil siguradong na kay Seryo ang business phone nito. Matagal din bago nito sinagot ang tawag ko.

"Hello, hija. Do you need something? Napatawag ka?"

Maingay ang paligid nito. Narinig ko pa ang pagpapalabas nito sa mga empleyadong naroon. Makaraan ay tumahimik din, mukhang nasa opisina na.

"You asked for Seryo? Without telling me?"

Narinig ko ang pagtikhim ng ama. "Yes, hija. I need him here, for the contract signing. Wala ba riyan ang sekretarya mo? Do you want me to send someone over?"

Umiling ako kahit na hindi naman nito nakikita. "No need, Pa. Kate is just a little busy. Marami iyong dokumentong pinadala mo kahapon. Also, what about my meeting for the foundation tomorrow? Hindi ba kailangan din doon si Seryo?"

Narinig ko mula sa background nito ang pagbukas ng pinto, kasunod noon ang pamilyar na boses ni Seryo. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng lalaki, tanging ang sagot lang ng ama ang malinaw. Matagal din na nag-usap ang dalawa bago ibalik sa akin ang atensiyon ng ama. Hindi ako nakarinig nang pagbukas ng pintuan nito kaya sigurado akong nasa loob pa si Seryo.

"If you want, hija, I'll ask Seryo to fly back. I can immediately book him a flight back to Cebu. Tapos na rin naman ang pirmahan, pwede na siyang bumalik diyan."

"No, Pa!" I snapped. Baka isipin pa ng lalaking iyon na hindi ko kayang pumunta sa site nang wala siya. "Just ask him to email me the copy of the plan. I'm expecting it tonight."

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now