Prologue

1.1K 30 4
                                    

I never thought I could be capable of love.

It was a loveless marriage. I am a product of it. Nagpakasal noon ang mga magulang ko para makuha ni Papa ang kalahating porsyento ng kompanya, nagdesisyon naman silang magkaanak para sa natitirang porsyento.

"Love cannot feed you, hija. But money can. Mas maiging sa business ka mag-invest kaysa sa letcheng pag-ibig na 'yan."

Napaismid ako. Bumaling ako kay Mama para humingi ng tulong.

"Your Papa is right, Ella. Dump that guy already. Wala kang mapapala sa kan'ya."

Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Bahagya kong binawasan ang juice sa aking harapan. Inilabas ko ang telepono nang tumunog ito. Nakuha no'n ang atensyon nila kaya kaagad kong pinatay ang tawag.

It was Mike, who's calling. Kaklase ko noong elementarya, nagpaalam na liligawan daw ako. Gusto pa nga nitong pareho kami ng eskwelang papasukan pagdating ng high school. Tumanggi ako, hindi pa sigurado kung saan.

"Bakit hindi mo sagutin, hija? C'mon, it's not like this is the first time you would reject a guy."

Inirapan ko ang ama. Sinaway naman siya ni Mama. "Hayaan mo muna ang anak natin, Andres. Siguradong alam na niya ang gagawin."

Bahagya kaming natahimik. Tumikhim si Papa nang matapos sa pagkain. Tumayo na rin ito sa kaniyang upuan bago binalingan si Mama.

"Iyong pinapagawa ko sa'yo, Esther. Kailangan 'yon sa opisina mamaya, ihatid mo kaagad, may kliyente pa ako."

Tumango si Mama. Sumunod na rin ito pagkaalis ni Papa kaya naiwan akong mag-isa sa hapagkainan. Sinamantala ko iyon para i-text si Mike. I rejected him, like what they told me. Hindi nga mahirap para sa akin iyon dahil lagi ko namang ginagawa. Pag-aawayan pa kung patatagalin.

Living in this scenario everyday is kind of tiring, as for me. Everything about me is their business. Kontrolado nila ako. Kahit pa nga ang mga kaibigan ko ay hinahapan nila ng butas, iwasan ko lang. Sa huli'y sila ang lalayo sa akin, wala na naman akong kaibigan.

Kaya nang magkaroon ako ng tsansang makaalis sa sitwasyong iyon, sinunggaban ko kaagad. Kinuha ako ni Tita Esperanza, kapatid ni Mama, sa Maynila para doon mag-aral. Pumunta na kasi sa ibang bansa ang asawa nito para magtrabaho. Wala silang anak kaya walang makakasama. Napapayag nito ang mga magulang ko na papuntahin ako roon dahil sinabi niyang mas maraming oportonidad ang nandoon kaysa dito sa probinsiya.

"Kaya mo na ba ang sarili mo sa papasukan mong unibersidad, hija? Hindi kita masasamahan, may gagawin pa ako. Tumawag ang Mama mo kanina, hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya."

Palihim akong nagtaas ng kilay bago siya binalingan. "Pinapauwi na ba ako kaagad, Tita?"

Umiling siya, para bang nabasa na nito ang iniisip ko. "Hayaan mo na ang mga iyon, nag-aalala lang sila sa'yo. Ito ang unang beses na wala ka sa poder nila. Alam mo na, gusto nilang pati rito, alam nila ang bawat galaw mo."

Tumango na lang ako, hindi na sumagot pa. Siya naman ay napailing na lang. Kapagkuwa'y nagpaalam na rin ito sa akin na aalis na.

Bigla akong nanibago nang makarating sa university. Ibang-iba iyon sa nakagisnan kong mga paaralan sa probinsiya, mas magarbo ang mga rito. Pagpasok pa lang, kaagad akong nalula sa lawak no'n. Tama nga si Tita, mas lalo akong aasenso rito. Sinundan ko iyong mapang ibinigay sa akin no'ng guard kanina para hindi maligaw.

Lumapit ako sa isang babaeng malapit sa akin. Mag-isa lang din ito sa gilid, kanina pa pinagtitinginan ng iba. Ngumiti ako nang dumako ang tingin niya sa akin.

"Hi miss, alam mo ba kung nasa--"

Hindi ko na nakuha pang matapos ang mga sinasabi nang bigla niya akong higitin at niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit noon, hindi na ako nag-abalang sawayin pa siya.  Ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon bago niya ako bitawan. Kita ko ang pagkatuwa sa mga mata nito nang tingnan niya. Ngumiti siya.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now