Special Chapter

1K 27 0
                                    

Sanerie POV

Conquero is a very powerful family in Basco. Batanes is the smallest province in the northside of the country so Conquero's is very well known around here. Sa kanilang pagtulong sa mga tao, sa kanilang kabaitan at iba pa. Halos napakaperpektong pamilya. They are really high profile. Nakakatakot na makasangga, nakakahiyang malapitan.

"This is Sanerie Versaga, my adopted daughter." Pakilala sa akin ni Tito Pao nung magkaroon siya ng chance na makausap ang mga Conquero sa pagpupulong para sa mamamayan.

Napayuko ako.

Naimbitahan kaming pumunta rito dahil sikat ang villa ni Tito Pao. Para ito sa pagtulong sa mga mamamayan. Kapag ganito ang usapan, hindi talaga dumadalo sila Tito Pao dahil ayaw niya raw magsayang ng pera. Ayoko sanang sabihin ang word na ito pero, ayaw niyang tumulong sa kapwa. Ayaw niyang magwaldas ng pera dahil hindi naman niya raw kaano-ano ang mga taong 'yon. Lapit sa pera si Tito Pao. I understand na lahat ng tao ay nagtatrabaho para talaga gumanda ang buhay, lahat kailangan ng pera pero si Tito Pao, kakaiba na. Malala na ang pagmamahal niya sa pera.

At, totoo, adopted ako. Nakita ako sa lansangan noon ni Tito Pao. I'm fighting paths para lang makasurvive sa pang-araw araw ko sa Manila. Namatay sa aksidente ang magulang ko kaya ang lola ko nalang ang nag-alaga sa akin pero binawian rin siya ng buhay kaya napadala ako sa bahay-ampunan. Nakaranas ako ng pambubully roon na hindi alam ng mga nakakatanda kaya tumakas ako at napadpad kay Tito Pao. Dinala niya ako rito sa Basco at pinalaki na parang tunay na anak.

Pero sa aking pagtanda, naliliwanagan na ako sa mga nangyayari. Noong una, mabait pa si Tito Pao. Walang problema pagdating sa kanya noon pero unti-unting lumalabas ang kanyang tunay na pakay ngayon na taliwas sa aking isipan.

"She's very beautiful. Maganda siguro ang parehong magulang niya..." Papuri ng isang babaeng Conquero sa akin.

"Umayos ka ng tayo." Pasimpleng bulong sa akin ni Tito Pao.

Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko at itinaas ang mukha. I remained my fierce face. Iyon lagi ang gustong makita ni Tito Pao dahil nagmumukha raw akong maganda sa ganon at mukhang makapangyarihang tao. Mukhang sopistikada at hindi basta-basta mapapaikot. Ito raw yung mukhang very independent girl at palaban na babae.

Hanggang sa aking paglaki, sunod-sunuran ako sa gusto ni Tito Pao. Ito lang ang tanging paraan para makabawi sa kanya. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin, sa pagpapaaral, sa pagtuturo, sa pagbibili ng mga kailangan ko, sa pag-alaga sa akin na parang tunay na anak, lahat 'yon ay gusto kong bayaran sa kanya. Tito Pao is the best for me. Nahanap ko sa kanya ang kalinga ulit ng pagkakaroon ng isang pamilya. Pero, dumadating sa point na napapaisip ako kung kailan ito matatapos. Kailan ko ito mababayaran. Kailan ang hanggan nito. Dahil sa totoo lang? Malapit na akong mapagod. Lalo na't hindi na maganda ang pinapagawa niya sa amin.

Ang mga tauhan ni Tito Pao, kasama na ako, ay puro adopted or tinulungan niya rin. Isa kaming buong pamilya na hindi magkakadugo. But, I was saying, akala ko sa una, okay pa. Pero, dumadating na sa point na ang mga ginagawa nila ay hindi na tama para lang sa pera. Pakiramdam ko nga, tinulungan kami ni Tito Pao para may sunod-sunuran siya. Ginagamit niya kaming instrumento para sa panloloko niya sa mga tao. Tulad nalang dati, scammer sila ng mga adopted niyang lalaki. Tinuruan niya ito para manloko sila sa social media at magkapera. Hindi lang 'yon, ang ibang adopted son niya rin ay tinuruan niyang magnakaw, mangholdap at kung ano-ano pang masamang way para magkapera.

I'm very sick of it.

Maling-mali ang lahat. Nag-aalaga siya ng mga kriminal.

Maswerte pa nga dahil hindi niya ako tinuruan sa mga ganon dahil talagang hindi ko kaya gumawa ng masama. Dito niya lang ako inassign sa Villa nung makapagpatayo siya gamit ang mga perang ninakaw niya. This is our current business na sumikat. But, he's not satisfied pa. Gusto niya pa ng pera. Maraming marami.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now