Kabanata 24

1.3K 52 11
                                    

Konnaire's POV

"You're so beautiful, Konnaire." Aniya.

Mahigpit ang hawak ko sa tuwalya. Pakiramdam ko, hubo't hubad ako sa harapan niya lalo na't ramdam ko na wala akong panloob na suot.

"T-Tad? Akala ko ba umalis ka na?" Kunwaring tanong ko sa maayos na tono. Pero sa totoo lang, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa kahihiyan. Hindi rin ako komportable sa ganitong ayos sa harapan niya.

"Hm, I was waiting for you. Gusto kitang isama sa condo." Sinulyapan niya lang ang mukha ko saglit bago ibinaba ulit ang tingin sa binti ko.

"A-Ah, sige, magbibihis lang ako..." Kabadong paalam ko at aalis na sana pero nagsalita ulit siya.

"Can I kiss you, Konnaire?" Paalam niya.

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Napalingon ako sa kanya at hindi alam kung ano ang isasagot.

Umawang ang bibig ko at tumikhim. "N-Ngayon?" Halos mahiya ako sa sarili kong tanong. Dang it! I don't know what to say!

"Yes, please." Diretsyong sagot niya.

Kunwari akong tumawa. "H-Hindi... pwede." Pahina ng pahinang sagot ko. Hindi siya sumagot kaya nagpaalam na ulit ako. "Magbibihis muna ako..." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dumiretsyo na ako sa kwarto.

Pagkasarado ko ng pinto, napaupo ako sa sobrang kahihiyan at panghihina. Para akong nalalasing at minamanipula ng mga mata ni Tad. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Ilang beses akong nag-inhale-exhale bago tuluyang kumalma ang sarili. Nagbihis ako ng fitted denim pants at white tshirt lang. Nag-apply ako ng kaunting make-up at blinower ko rin ang buhok ko bago lumabas.

Naabutan ko si Tad na nakaupo sa sofa habang nagtitipa sa cellphone. Ibinaba niya rin 'yon agad nung makita ako.

"Uh..." Naglakad ako papunta sa harapan niya. "Saglit lang naman tayo sa condo mo kaya.. uh, simple lang ang suot ko." Nahihiyang paalam ko.

Tumayo siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako ng mabilisan. "I love you, Konnaire. I'm f-cking longing over you." Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi. "Tad.."

He licked his lowerlip. "Alright, let's go." Hindi na niya binitawan ang palapulsuhan ko nung lumabas kami. Nilock ko naman ang apartment bago kami tuluyang lumisan.

Bumyahe kami papunta sa condo niya. Napalunok ako nung makarating kami sa isa sa mga sikat na condominium dito sa lugar. Hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa mismong condo niya sa itaas na floor. Sobrang tahimik ng hallway habang naglalakad kami at kalauna'y huminto sa isang pintuan.

Tinype niya ang passcode bago kami pumasok. Binuksan niya ang ilaw dahil sobrang dilim pero bahagyang namilog ang mata ko nung makita kung gaano kalawak, kaganda at kalinis ang condo niya. Black and white ang theme ng condo niya kaya mas lalong nagmumukhang expensive. Kahit mismong tiles ng condo niya ay sobrang linis na maari ka ng manalamin.

"Feel free to look around, Darling. I'm just gonna prepare my things." Paalam niya.

Napatango nalang ako bago siya pumasok sa isang kwarto.

Inuna ko ang living room at hindi ako makapaniwala sa mga mamahaling gamit na nandoon. Namilog pa ang mata ko nung makakita ng nag-iisang frame sa table. Nilapitan ko 'yon at umawang ang bibig ko dahil sa nakita.

Loving the ObsessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя