Kabanata 4

1.2K 53 11
                                    

Konnaire's POV

"What are you doing here?"

Damn.

Nakita niya ako.

Parang binomba ang puso ko nung matanaw ko siya kanina pero ngayon nasa harapan ko na.

Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya pa ako. Bakit na naman ba? Bakit ba lagi nagc-cross ang landas namin? Sana hindi niya nalang ako nilapitan. Bakit kailangan niya pa akong puntahan? Baka iba ang isipin niya dahil nakita niya ako dito!

Tumikhim ako.

Marahan akong bumaba sa inuupuan ko at hinarap siya. Nanliliit talaga ako sa harapan niya at sinasakop ako ng buong presensya niya.

Taddeo is a person with dangerous personality as well as the presence around him. His normal expression looks harsh and cruel. Siya yung tipong hindi mo pwede biruin. Para siyang seryoso sa lahat ng bagay at mahirap siyang labanan sa mata. Pero, kahit ganon, he's perfectly handsome.

Mula sa buhok niyang nagdadagdag charisma sa kanya, his eyebrows and eyes would make you docile. Ang labi niyang perfectly made ay may kapangyarihan para mahulog sa kanya lalo ang mga tao. Every feature he has, explained how powerful and alluring he is.

I would not deny the fact that he looks attractive to me. He's very charming and engaging. Pero, hindi ako aabot sa puntong papangarapin ko siyang maging akin dahil malayong mangyari 'yon.

Siguro, I'm just like his fans pero hindi ako sobrang obsessed.

"Uh, ano..." Usal ko.

His lips twitched when I start making my word. Inilipag niya sa counter na nasa likuran ko ang inuming dala niya at ibinalik ang tingin sa akin--- naghihintay pa ng sasabihin ko.

"Uh, h-hindi ko inaasahan na makikita kita rito, Sir." Kunwari akong tumawa.

Hindi siya sumagot.

Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang hindi pa siya tapos na suriin ako. Nararamdaman ko na naman tuloy ang pagiging awkward kasama siya.

"I want to ask some questions." Biglang sabi niya.

Saan naman? Bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"T-Tungkol saan?" Tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga requirements kong dala at ibinalik rin kaagad sa mukha ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya. Parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko dahil lang sa paninitig niya.

"We're going somewhere."

"Huh?"

"Bar is not a good place to talk."

Bumuka ang bibig ko para sana magprotesta pero biglang may sumingit na babae.

"Daze!" Humagikgik ito. She looks beautiful. Mukhang mayaman base lamang sa mga kasuotan niya. Artista kaya 'to?

Naglean ang babae kay Taddeo at humagikgik. Hindi siya mukhang lasing pero maamoy sa kanya ang alak. Mukhang nakainom siya ng kaunti.

"Let's dance, Taddeo Daze..." Hindi ko alam kung sa akin lang ba pero rinig ko ang napakalambing na boses ng babae.

Napangiwi ako at bahagyang umatras para sana bigyan sila ng time together pero hindi pa man ako nakakalayo, nahuli na ni Taddeo ang palapulsuhan ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko--- bakas ang pagkagulat at pagtataka.

Loving the ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon