Kabanata 20

949 31 7
                                    

Konnaire's POV

I started working even though the kiss that I did, makes me a little bit worried. Kinakabahan ako habang umiikot ang oras dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Taddeo kung makita ko man siya ngayong breaktime.

Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa ginawa ko or ano ang pwedeng reaksyon niya so nahihiya akong makaharap siya. Baka galit siya or what. Bakit naman kasi ginawa ko 'yon? Hindi na naman ako nag-iisip. Wala akong karapatan na gawan siya ng ganon lalo na't wala namang namamagitan na estado sa amin. But, I don't regret doing that. I know that my system likes it pero nag-aalala ako kung ano ang dating non kay Tad.

Shoot, this is so embarrassing.

Hours passed, and the breaktime came.

"Pasensya na talaga, Kon. Ang kulit kasi nitong isa, hindi na naman nakikinig. Aakyat na naman dito 'yon kaya sasamahan ko nalang muna..." Inis na paalam ni Kath na tinutukoy si Lojiko kaya natatawa akong tumango.

"Okay lang. Anong namamagitan sa inyo? Ang dalas na magkasama kayo, ah?"

Ngumuso si Kath. "Siya naman ang lahat ng may gusto nito e. Nagpapasama bigla tapos sunod-sunod na. Akala mo wala akong trabaho e..." Asik niya.

"You look good together." Asik ko.

Umiling siya. "Hindi 'no. Hindi ako papatol sa babaero. Kung sino-sinong babae ang nakita ko dati sa kanya." Ngumuso siya. "Para siyang ex ko. Hindi kontento sa isa. Pare-pareho lang silang lahat--- womanizer. Lojiko Conquero? Sus, ginagamit lang ako niyan!" Pagrereklamo niya pa.

Natahimik naman ako. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Dumaan sa isip ko ang unang pagkikita namin ni Tad at sigurado akong may babae non. Naalala ko ang dalawang babae na nag-aaway dahil sa kanya. That's the time when I'm still his therapist. Tapos, nung time na nagkaroon kami ng first na alitan, I remember several girls that always walking towards to his office and I didn't know what they might do alone in the room. I know na clinarify na 'to sa akin ni Tad na they didn't do anything but come on, let's think about it, how can I be so sure? What if... they really did?

"Kon? Kon!" Nabalik ako sa wisyo nung yugyugin ako ng mahina ni Kath.

"H-Huh?" Aniya ko.

"Sabi ko, pero hindi kasama don si Sir..."

"Saan?"

"Doon. Natahimik ka kasi dahil sa sinabi ko kaya baka naiisip mo diyan na pati si Sir Taddeo, womanizer rin. Hindi naman siya ganon, diba? Mas kilala mo 'yon kesa sa akin.." Aniya. Natikom ako at kalauna'y napatango nalang.

Lumapit sa amin ang isang ka-workmates namin at sinenyasan si Kath. "Lagon, tawag ka ni Sir Lojiko sa labas.." sabi nito at umalis rin agad.

"Huh?" Bumusangot lalo ni Kath. "Ang kulit talaga. Maiissue talaga kami nito dahil sa ginagawa niya e!" Singhal ni Kath. Tinapik niya ako at nagpaalam. "Next time nalang talaga, Kon. Igo-ghost ko 'tong isa para hindi na lumapit..." Pagbibiro niya pa kaya pakunwa'y tumawa ako. Tumalikod na siya kaya pinanood ko itong umalis.

Tinanaw ko silang dalawa ni Lojiko nung makalabas ng office si Kath. Glassdoor na transparent naman ang pintuan kaya matatanaw sila kahit papaano.

Inakbayan ni Lojiko si Kath nung makalapit ang kaibigan ko sa kanya. Mabilis na dinampian ni Lojiko ng halik sa sintidido si Kath kaya mukhang napikon naman ang kaibigan ko at hinampas si Lojiko. Natatawa namang sinalag ito ng isa bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

I sighed.

Womanizer? That sounds...

"Ragah..." Napalingon ako kay Manager nung tawagin ako. Inayos niya ang salamin niya sa mata bago ako sinenyasan sa labas. "Pumunta ka raw sa office of the CEO, may concern daw si Sir." Utos nito bago bumalik sa desk niya.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now