Kabanata 22

1.1K 51 9
                                    

Konnaire's POV

"I'm f-cking in love with you, Konnaire." Aniya.

Hindi ako agad nakasagot.

Bahagya niyang inangat ang ulo niya kaya nakita ko ang kanyang ekspresyon. Napalunok ako nung magtama ang paningin namin. He's looking at me with fervent and hungry eyes. Parang kay tagal niya talagang hinihintay ang araw na 'to na mangyari.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at tumalas ang tingin niya don. Umigting ang panga niya at inabot ulit ang labi ko.

But unlike before, he's kissing me with so much tenderness and caution. He's trying himself to kiss me with softness and not aggresively. Pinahintulutan ko siya sa kanyang gusto and let myself na makipagsabayan sa kanya. Mahigpit ang hawak ko sa suot niya and trying myself to kissed him properly too.

Ilang sandali, huminto siya kaya pareho kaming naghahabol ng hininga.

"What's wrong, love?" Pinunasan niya ang pisngi ko. Hindi ko napansin na naiyak na ako sa hindi maunawaang dahilan. "Am I too hard?"

Umiling ako at pinunasan ang sarili kong mukha. "Hindi..."

I heard him sighed. Umalis siya sa harapan ko at umupo ng maayos sa tabi ko. Nakapatagilid siya para mas makita ang ekspresyon ko. "I know that we really had a problem." He silently groaned. "Let's fix it."

Umiling ako. "Wala naman 'to..."

"Baby, we can't solve anything if you're gonna keep it to yourself." Mahinang pagsusumamo niya. "I need you to fix mine too but we were starting about yours. So, what's your baring?" Iniwas ko ang tingin ko pero hinawakan niya ang pisngi ko para ipaharap sa kanya.

Napayuko ako at umiling-iling. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang problema ko dahil sila Celestine at Alysson 'to. Paano kung magalit siya dahil dinadamay ko si Alysson niya?

"Come on, love." Malambing na pamimilit niya. Inilapit niya ang mukha sa akin at ibinagsak sa balikat ko. He started gently kissing it. "Please? I'm madly curious about you're hiding about. Let's fix us, Konnaire. I have several problems that I want to discuss with you too."

"Kung ganoon, pag-usapan na natin 'yan..."

"No. I need to hear your side."

"Wala lang naman kasi 'to..."

"Don't hide it. You're surely crying about that so discuss it with me." Tumigil siya sa paghahalik sa balikat ko at tinignan ako ng kanyang mapupungay na mata. "Please? I'm begging you..."

Iniwas ko ang aking mukha pero marahan niyang ibinalik yon gamit ang palad niya. Nagpalitan kami ng nangungusap na tingin bago ako bumuntong-hininga at yumuko. "W-Wala naman kasi..." Pagde-deny ko pa.

Bumuntong-hininga siya. "I'm extremely jealous so tell me the truth." Paninimula niya. Mataman niya akong tinignan. "Kayo na ba ni Ram?" Biglang tanong niya.

Namilog ang mata ko at umiling-iling. "Ilang beses ko pa bang uulitin? Hindi nga..."

"Kung ganon, nanliligaw?"

"Tad, hindi..."

"Then, why are you letting him hug you?"

I blinked twice because of embarassment. "H-Hindi ko naman inaasahan 'yon..."

"You can immediately push him right away."

"Nakakahiya naman 'yon. Parang ang awkward kung gagawin ko 'yon lalo na't kaibigan ko naman siya..." I've seen him roll his eyes because of annoyance. "Totoo, Tad. Atsaka, hug lang naman. Wala naman 'yon---"

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now