Kabanata 31

1.1K 44 9
                                    

Konnaire's POV

After ng Batanes, naging maikli at kaunti ang interaction namin ni Tad. He's always out of Office na akala mo'y may inilalakad laging papeles. Wala akong naririnig na may business trip siya so nagtataka talaga ako kung bakit madalang siyang magtrabaho dito sa company.

Nagsimula ito nung makita kong tumawag sa kanya yung Bianca.

Tini-text niya naman ako kapag may time pero kadalasan wala. Nagtatrabaho siya for company pero may hint ako na baka hindi lang don ang pinag-gagagawa niya ngayon dahil lagi talaga siya dito wala. It seems like, he has become a more busy person.

Napapaisip nga rin ako.

There's something fishy going on.

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko mapigilan. Nakakapag-isip ako ng mga bagay na nagpapa-sakit sa nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Sa ilang araw na nakalipas, alam kong may hindi siya sinasabi sa akin and I can't think straight because it's bothering me.

Nilulunod ko nangalang ang sarili ko sa mga naiwan kong trabaho para maiwasan ang pag-iisip sa kanya kahit konti pero napapaisip pa rin talaga ako.

"Bother?"

Napabalik ako sa wisyo nung may magsalita.

Kasalukuyan akong nasa elevator para bumalik sa sarili kong cubicle dito sa company. Malalim ang nasa isip ko kaya hindi ko napansin si Alysson sa tabi.

"A-Ah..." Inayos ko ang sarili ko sa tabi niya. She's really pretty and expensive. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.

"Can I ask?" Sweet niyang tanong. Hindi siya mukhang harsh sa salita pero mukha siyang mataray.

"Ah, sige po..." Magalang kong pahintulot. Pinilit kong ngumiti sa harapan niya pero sa loob-loob ko, I feel so uneasy.

"Personal secretary ka ba ni Daze?" Maayos na tanong niya at bahagyang tumawa. "I'm sorry, I'm confused. Minsan kasi kitang makita lagi sa office ni Daze..." Paglilinaw niya pa.

"A-Ah..." Para akong natutuliro. Ang tinutukoy niya yata is yung lagi niyang pang-abot sa akin sa office ni Tad. Lagi niya rin akong nakikita at nasasalubong na papunta sa office ni Tad para maghatid ng mga papers. "Hindi po..."

"I see." Aniya. Natahimik ang buong elevator dahil akala ko, hindi na siya magsasalita pero nalaglag ang panga ko sa sunod na sinabi niya. "You're one of his girls, aren't you?" She sounds so sweet. Nakangiti rin siya sa harapan ko kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya sa akin.

Mashado akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan 'yon kaya hindi ako nakasagot.

"I can't deny that you're pretty. Actually, hindi nga halata na magpapabihag ang tulad mo kay Tad because you look like some sort of innocent girl that stands with the purity and dignity..." Aniya at bahagyang tumawa. "You look like some... uhm... probinsyana or something na parang walang alam sa Manila." Bahagya niyang hinawakan ang buhok ko at marahang hinahaplos. "Masarap ba siya sa kama?"

Natigalgal ang bibig ko. Nagtataka ko siyang tinignan. "W-What?"

"I'm sorry for being direct pero ganon naman kayong lahat na babae niya eh---" Natigilan siya at binawi ang kamay na nasa buhok ko at itinakip sa bibig niya na animo'y nagulat. "I'm sorry, hindi mo ba alam?" Tanong niya pa. "What? Nagpapaniwala ka ba sa mga sweet lies ni Daze so you're not aware na you're one his girls?"

"A-Ano?" Hindi ko magawang magsalita ng todo. Para akong nawawalan ng lakas na idepensa ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Parang may malaking bukol na namumuo sa lalamunan ko na pinipigilan akong magsalita. Hindi ko rin alam kung bakit nagsisimulang uminit ang mata ko.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now