Kabanata 21

1.4K 56 12
                                    

Konnaire's POV

Kinabukasan, everything got sulky.

Pagtapos naming magkita kahapon ni Taddeo when Ram brought me back. Nakita ko sila ni Alysson. Dumating rin si Celestine at pinansin ang tinitignan ni Tad kaya nakita niya ako. Masama niya akong tinignan kaya wala akong nagawa kundi dumiretsyo nalang papasok at hindi sila pinansin.

After that, wala na akong nareceive na messages or call galing kay Tad.. Ramdam kong may alitan na naman sa aming dalawa and I don't know how to fix it lalo na't namomroblema pa ako sa sinabi ni Celestine. And also,  Dumagdag pa 'tong si Alysson.

D-mn it, everything gets very messed up.

Hindi kami nagkita ni Taddeo nung pumasok ako but I heard na pumasok siya. Nakita ko rin si Alysson kaya mukhang sadya na naman niya si Taddeo. After a while, nakita ko si Celestine pero hindi niya ako pinansin when I'm taking my break. Mukhang papunta ito sa opisina ni Taddeo kaya naiisip ko na magsasama na naman sila ni Alysson.

Chineck ko ang cellphone ko dahil kausap ko kanina si Ram. Niyayaya niya akong kumain dahil hindi ko na naman makakasama si Kath, alam ko rin namang hindi ako yayayain ni Tad dahil may mga bisita siya at may silent quarrel saming dalawa. Alam ko rin namang naiinis siya kay Ram dahil ayaw niya rito pero hindi ko magawang tanggihan si Ram ngayon lalo na't wala na akong pwedeng i-alibi sa kanya.

Bumuntong-hininga ako.

Ibinaba ko ang cellphone dahil hindi pa rin nagrereply si Ram. Sumakay ako sa elevator at tinungo ang parking para puntahan siya. Don daw siya magpa-park kaya nauna na akong bumaba para hintayin siya. Bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang sobrang tahimik na parking. Halos puro kotse lang at dim lang ang light. Dumiretsyo ako para sana hanapin ang kotse ni Ram pero natigilan ako nung makita ang dalawang pamilyar na tao.

Namilog ang mata ko nung makita si Ram at Taddeo na nag-uusap. My system started producing nervousness and made my heart swallowed by fear.

Shoot. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa opisina siya? Nandoon pa naman yata si Alysson at Celestine!

Nagmadali akong naglakad at nilapitan sila. Mabilis kong nilapitan si Ram para tignan kung may pasa na ba 'to or may sugat na pwedeng gawin ni Tad at nakahinga naman ako nung makitang wala.

"Konnaire..." Tawag ni Ram.

Hindi ko muna siya pinansin at nilingon si Tad. He's staring at me with pain and madness on his eyes. Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Ilang sandali, narinig ko ang mapakla niyang tawa. The anger is visible on his presence.

Ano kayang pinag-usapan nilang dalawa?

Lumunok ako. "A-Anong ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko.

"We just talk about something." Simple niyang sagot.

"Tungkol saan?"

"It's nothing, right? Ram?" Sinulyapan niya si Ram kaya sinulyapan ko rin ang kaibigan ko. Salubong ang kilay nito habang masinsinang nakatingin kay Taddeo. Hindi siya natutuwa at hindi maganda ang aura niya kaya sigurado akong hindi maganda ang napag-usapan nila.

Tumikhim ako. "Pumunta yata sa opisina mo si Celestine. Naghihintay na 'yon, puntahan mo na." Aniya ko.

"Yeah, she messaged me." Mapaklang sabi nito. Napaiwas ako ng tingin.

Kung ganoon, nagtetext sila?

"We should go, Konnaire. Hindi ka pa kumakain. Nauubos ang oras natin dito..." Biglang singit ni Ram at lumapit sa kotse niya.

Loving the ObsessionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ