Kabanata 17

1.1K 42 7
                                    

Konnaire's POV

Sa ilang days na nawala siya, he suddenly knocking here with tired and baby teary eyes. Parang kulang siya sa tulog dahil sa itsura niya. He looks very weary na akala mo'y nagluksa ng ilang araw sa kung ano.

Inagaw niya ang segura ng pintuan para makapasok siya ng buo at siya na rin mismo ang nagsarado nito.

"Tad?" Bahagya akong humakbang papalapit sa kanya. "S-Saan ka ba galing---"

Natigilan ako when he suddenly grabbed my waist and gave me a hug. He falls back his face on my neck and starts kissing it gently.

"T-Tad.." Pagpigil ko. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at bahagyang itinulak. "T-Tad, mag-usap muna tayo sandali..."

"I miss you, Konnaire..." His voice was in sorrow.

Hinawakan ko ang pisngi niya at bahagya itong inilayo para makita ko. Nagpapigil naman siya and gives me a poignant stare. "Mag-usap tayo..."

"I-I'm hurt..." He licked his lowerlip to restrain himself from something.

I looked at him softly. "Umupo tayo..."

Bahagyang lumuwag ang yakap niya at sinulyapan ang sofa sa likuran ko. Bumuntong-hininga siya at tumungo sa upuan habang inaalalay ang bewang ko. Sabay kaming naglakad papunta don pero nung makaupo na siya, hinila niya ako para paupuin sa lap niya.

My eyes widen.

Itinayo ko ang sarili ko pero ibinalik niya 'yon ulit. Pinilit kong makaalis sa lap niya pero hindi niya ako pinapayagan. Parang bakal ang dalawang braso niya na nakaalalay sa balakang at hita ko.

"T-Tad..." Pagpigil ko. Nakahawak ako sa magkabilang balikat niya habang mapupungay naman ang mata niyang nakatingala sa akin.

"Please..." Pagsusumamo niya.

"Hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung ganito tayo..." Nahihiyang asik ko. I'm feeling embarassed! Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko sa harapan niya.

"We can."

"Tad..."

"Please, baby..." Nagsusumamo siya. He really looks downhearted right now. He let out a deep sigh and started caressing my right thigh. "I'm hurt..." Makikita ang hinanakit sa mata niya.

Bumuntong-hininga ako. "Ano bang nangyari sayo? Bigla kang hindi nagparamdam..." Nag-iwas siya ng tingin at hindi sumagot. "Dahil sa sinabi ko nung huli?" Panghuhuli ko sa kanya. Umigting ang panga niya na para bang nakuha ko na ang sagot. "Galit ka pa rin ba dahil don?"

Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya. "In pain..."

"I'm sorry..." Sagot ko agad. He immediately looked at me with weepy eyes. Nakakapanghina itong tignan dahil ramdam talaga ang kalungkutan sa kanyang mata. "H-Hindi ko naman intensyon na saktan ka, Tad. I'm just..." Nawalan ako ng sasabihin.

Bumuntong-hininga siya at niyakap ako. "I'm sorry, I burst crazed. I hate to see you with Ram, Konnaire. I just can't..." His voice is in pain. Hinaplos ko ang buhok niya para pakalmahin siya.

"Shh, Tad, wala kang dapat ipag-alala. Sinabi ko na sayo 'to noon diba? Wala akong gusto kay Ram. Hanggang pagkakaibigan lang..." Umiling-iling siya. Napabuntong-hininga ako. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"It's not. It's just..." He sighed. "I'm the problem, Konnaire. I'm sorry. I can't help myself to calm down. I'm feeling extremely jealous with him..."

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now