Kabanata 3

1.3K 45 3
                                    

Konnaire's POV

Parang binomba ang sistema ko.

He's here! Taddeo Daze Conquero, na dati kong kliyente ay nasa mismong harapan ko!

Hindi ko alam kung natatandaan niya pa ba ako sa ilang linggong dumaan pero sa side ko, tandang-tanda ko siya! Sa nakakatrauma at halo-halong emosyon na naramdaman ko sa araw na 'yon, hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Napalunok ako.

Bahagyang salubong ang kilay niya na halatang nagtataka siya kung bakit ako ang naabutan niya.

Naabutan?

Wait...

Kung ganon, si Celestine ang pakay niya sa kwarto na 'to?

What the...

'Wag niyong sabihin na si Taddeo ang tinutukoy ni Celestine na papakasalan niya?!

Shoot! Ano ka ba naman, Celestine? Hindi lang siya seryoso sa buhay at suplado! Taddeo is a dangerous man! Malala ang anger issue at pumapatol sa babae! I feel bad for you right now.

"Oh, Konnaire?"

Biglang sumulpot si Tita, mama ni Celestine, sa likuran ni Taddeo at tuluyang pumasok sa kwarto. Lumapit siya sa akin na may malaking ngiti sa mukha kaya napaayos ako ng tayo.

"I missed you! Nandito ka na pala! Hindi ka manlang muna diniretsyo sa akin ni Celestine. You've grown. Ang ganda-ganda mo na!" Galak na galak na bati nito.

"Miss ko rin po kayo ni Tito..."

"Aww, I'm so glad talaga. Where's Celestine? Omg, bagay sayo 'yang suot mo! You look hot!" Maligaya pang sabi niya.

Hiyang-hiya na ako.

Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko e umabot na sa buong mukha ko!

"Taddeo, ijo, ito pala si Konnaire. Kaibigan siya ni Celestine..." Ipinaharap pa ako ni Tita kay Taddeo na nakalean na sa gilid ng pintuan at nakahalukipkip. Nanatili ang mapanuri niyang tingin sa akin at domoble naman ang kaba ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"I see..." Aniya. Sinulyapan ko siya at mas lalo lang naging mapanganib ang tingin niya sa akin. Nilipat niya rin naman agad kay Tita ang bored niyang atensyon para magtanong. "Who's Celestine by the way? Is she your girl?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.

Kinalimutan niya si Celestine?! Siya yung mapapangasawa niya! Ako na nahihiya sa tanong niya! Ang disrespectful!

Hilaw na tumawa si Tita. "Yes. Celestine is my daughter and she's not a girl anymore, Taddeo." Tumawa kunwari si Tita ulit. "She's already a fine woman."

Ngumiwi si Taddeo na parang hindi mashado sineryoso ang sinabi ni Tita. Bumagsak ulit ang tingin niya sa akin at bumugso ang iba't ibang delikadong emosyon sa mata niya.

"Going somewhere?" Tanong niya sa akin.

I gulped.

Lumingon rin sa akin si Tita na nag-aabang ng sagot. Napatingin pa siya sa suot ko kaya agad akong napailing-iling.

"Probably, bar..." Sabat pa ni Taddeo at sinulyapan pa ang wristwatch niya. Mas tumalim ang tingin niya sa akin.

"Naku, h-hindi..." Depensa ko agad sa kanya. Tumingin rin ako kay Tita. "Hindi po... pinasukat lang 'to sakin ni Celestine---"

Napahinto ako sa pagsasalita nung bumukas ang pintuan na pinasukan ni Celestine. Lumabas ang kaibigan ko 'don nang may malawak na ngiti. Parehas kami ng suot pero dark red ang sa kanya.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now