Kabanata 7

1.1K 39 6
                                    

Konnaire's POV

"Anong nangyari?" Lumapit ako sa kanya at inilapit na ng todo sa mukha niya ang dalawang palad ko para kapain kung gaano na siya kainit.

This isn't good. Inaapoy na siya ng lagnat pero mas naisipan niya pang pumunta dito na walang specific na sadya. Ano bang naiisip niya? He's so stubborn!

"I'm fine.." He softly said. Mapupungay ang mata niya habang nakatitig sa akin. Inangat niya ang kamay niya at hinuli ang dalawang kamay ko. "It's not a big deal..."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Kailan pa 'to? Uminom ka ba ng gamot?"

"It's nothing..." Inilapit niya ang palad ko sa mukha niya at para bang inaamoy ito. He's enjoying it!

"Tara. Pumasok ka sa loob---" Binawi ko ang isang kamay ko at hinawakan siya sa braso pero hindi siya nagpapadala.

"I'm fine. Uuwi rin ako. You should rest..."

"Hindi. Delikado. May lagnat ka---"

"Nakarating ako dito, safe and sound."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at bigla namang nagdilim ang ekspresyon niya. Hindi ko 'yon pinansin at nakapamewang na hinarap siya.

"Hindi tayo makakasiguro. Bakit ka pa kasi pumunta dito?" Kalmado ang boses ko pero mahihimigan ang inis sa akin.

Paano nalang kung may nangyari sa kanya sa kalsada kanina? It's not safe!

"I just want to see you." Hinagilap niya ang kamay ko pero lumayo ako. He looks irritated and annoyed when I'm not letting him grab me. "Come on..."

"Stop it. Kailangan mong umuwi para makapag rest. It's one of the reason kung bakit sobrang visible ng pagod sa itsura mo.."

"It's not a big deal."

"Stop being so stubborn." Mahihimigan ang inis sa boses at mukha ko. "Kailangan mong umuwi ngayon na at magpahinga."

Hindi siya sumagot.

Mukha ng masama ang timpla niya pero wala siyang magawa. His pitch black eyes makes me feel cold pero tinapangan ko ang sarili ko para sa kanya. It's already dangerous outside lalo na't madilim na. I can't guarantee his safety kapag hinayaan ko siyang magmaneho. Baka sagutin ko pa rin kung may mangyari sa kanya dahil sakin siya dumiretsyo.

I don't want to feel guilty.

"Halika na..." Sinenyasan ko siya para papasukin sa loob ng apartment namin pero hindi siya kumilos. "Tara na..."

"No."

"Tara na..."

"You need to rest. May pasok ka kanina and I'm sure that you're not taking your rest yet..."

"Okay lang 'yon. Sanay na ako--tara.."

"I don't want." Humalukipkip siya at iniwas ang tingin.

What wrong with his attitude?!

Bumuntong-hininga ako habang stress na nakatingin sa kanya. "Kung kaya ko lang magdrive ng sasakyan, ako na mismo maghahatid sayo pero wala kasing dumadaan na taxi dito kaya sa apartment---"

"No. I don't want to bother your rest.."

"Ayos nga lang..."

Bumaba ang tingin niya sa akin. His eyes is tired and he's entirely looked exhausted and cold. He's presence is still perilous and mundane. Ilang sandaling pakikipaglaban sa tingin, bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin.

Loving the ObsessionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora