S.U. 43 A Traitor or Not?

7.2K 239 22
                                    

CHAPTER 43

HAILEY'S POV

Nagising nalang ako na nasa loob na ng eroplano.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Kyler na nasa paanan ko. Mukhang ayos na siya mula sa sinapit niyang pagkakabugbog.

"Babalik na tayo ng Pilipinas Hailey." Hindi na ako nagsalita pa, nanatili lang akong nakahiga hanggang sa makarating na kami ng Pilipinas.

Huminto na ang sinasakyan naming eroplano kaya tumayo na ako sa aking hinihigaan. Lumapit naman agad sa akin ang buong Orphic Braw.

"Huwag ninyo akong hawakan, kaya kong tumayo," wika ko sa kanila habang nakaalalay sa akin. Binitawan naman nila ako, pero mababakas pa rin sa kanilang mga kilos na nakahanda silang alalayan ako kung sakali mang bumagsak ako.

Pagkababa namin ng private plane ay nakita ko kaagad si mommy at Paula. Sinalubong nila kami at mahigpit akong niyakap ni mommy.

"Ayos ka lang ba sweetie?" nag-aalalang sabi niya.

"Yes mom, ayos lang ako," tugon ko. Nakita ko naman ang itsura ni Paula na malungkot na nakaharap sa akin. Hindi ko siya pinansin, naiinis ako sa lahat ng tao dahil lahat sila ay malungkot.

Naglakad na kami ni mommy nang magsalita ulit siya, "Mamaya na ang funeral ni Caiden sweetie, exclusive for all friends and family."

"Mamaya na agad?" gulat kong sabi, "Please stop mom! Nakita niyo na bang patay na talaga siya?" dugtong ko.

Pati ba naman si mommy ay naniniwala rin sa balita. Hindi naman siya nakapagsalita kaagad, umiling na lamang siya at lumingon kay Paula. Ang mga kasamahan naman namin ay napahinto at tinignan kami. Lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon sa akin.

"See? Hindi niyo pa nakita, kaya hindi pa rin ako naniniwala!" sigaw ko sa lahat. Tinignan ko sila isa-isa habang naglalakad ako palabas ng airport.

Pagkadating ko ng bahay ay umakyat na kaagad ako ng kuwarto. Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang hospital nila Braxly. Inalam ko ang buong pangyayari sa sinasabi nilang pagkamatay ni Caiden, ngunit hindi nila ako sinasagot ng maayos. Hindi nila maipaliwanag sa akin ang buong pangyayari. Kaya naisipan kong si Braxly nalang ang tawagan.

"Braxly, who are the doctors of Caiden?"

"Hailey," halos pabulong niyang sabi.

"What? I'm asking you! Hindi mo maibigay? Bakit?" nanginginig na sabi ko.

"Stay calm, please!"

Biglang uminit ang ulo ko sa naging sagot niya, "Sasagutin mo lang ang tanong ko pero hindi mo masagot? Anong klase kayo! Sinabi kong bantayan ninyo siya 'di ba? Umaayos na ang responses niya bago ako umalis. Paanong mamamatay nalang siya sa isang iglap na nawala ako?"

"Hailey, please stay calm," muling sabi niya.

"Wala ka na bang ibang alam na sagot kundi puro stay calm? I need your explanation Braxly!" Hinintay ko siyang magsalita pero nabigo ako. Binaba ko na agad ang telepono, kailangan ko ng buong detalye pero ang mga simpleng tanong ay hindi nila mabigyan ng sagot!

Tumayo ako at binuksan ang pinto nang marinig kong may kumakatok. Nang makita ko si mommy ay bigla akong napakalma.

"Sweetie, sasama ka ba sa amin papuntang funeral?"

"No mom, kayo nalang," mabilis kong sagot. Magsasalita pa sana ulit siya pero pinigilan ko na, "Tama na po mom. Ayoko talaga, hindi ako aalis ng bahay kung mag-aalala ka."

"Okay, have a rest." Hinalikan niya ako sa noo bago umalis. Sandali akong natigilan, may kung anong kirot na naman sa puso ko. Funeral? Hindi 'yun totoo!

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon