S.U. 39 Dark Night

7.7K 229 40
                                    

CHAPTER 39

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na nakarating sa isang abandonadong gusali si Hailey at ang mga lalaking naka maskara. Ang labas ng building ay napapalibutan ng mga armadong kalalakihan. Pagpasok naman sa loob ay may dalawang daan papunta sa gitna. Isa ay sa kanan na sa likurang bahagi ng gitna makakapasok at ang isa naman ay sa kaliwa na diretsong sa gitna ang papasukan. Pero kapag nasa loob kana ng gitnang gusali ay pwede ka nang dumaan sa harapan na hindi kailangang dumaan pa sa kaliwa o kanan para makalabas.

Pagpasok sa loob ay idinaan si Hailey sa kaliwa kaya diretso silang nakapasok sa gitna ng gusali. Ang gitna ang siyang sentro na kung saan ang lahat nang nangyayari sa gitna ay makikita sa ibang palapag ng gusali.

"What do you want from me?" buong tapang na tanong ni Hailey.

"Actually Ms. Sandberg wala kaming kailangan sa iyo. Pero dahil malaki ang offer ay hindi na namin natanggihan. He wants you dead, kaya kailangan ka namin. Ilang minuto nalang ay mawawala ka na sa mundong ito. Bibigyan kita ng sampung minuto para magmuni muni!" sigaw ng lalaki kay Hailey.

Hindi pa rin mapakali si Hailey, kahit natatakot at kinakabahan ay gusto niya pa ring malaman kung sino talaga ang may kagagawan nito. "Sino ang nag-utos sa inyo?"

"Top secret Ms. Sandberg, hindi ka naman makulit ano!"

"Okay, sige ganito nalang tutal ilang minuto nalang mawawala na ako sa mundong ito bakit hindi natin subukaang maglaban kung sino ang mas malakas?" hamon ni Hailey sa mga lalaki. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para makaligtas siya, kaysa hintayin ang sampung minuto na wala siyang nagawa.

"Nahihibang kana ba? Gusto mo pang masaktan talaga bago ka patayin?" wika naman ng lalaki.

"Oo, gusto ko munang makalaban kayo bago ninyo ako patayin. Gusto kong makita kung gaano kayo kalakas. Pero sana pagbigyan ninyo ako, no more guns, puro patalim at kung anong bagay lang na makikita sa paligid ang gagamitin natin,"sambit ni Hailey.

Ayaw ni Hailey gumamit ng baril dahil mapupuruhan agad siya, kaya nakiusap siyang huwag gumamit ng baril. Hindi pa man ganoon kasigurado si Hailey sa kanyang kakayahan ay gusto niya pa ring sumugal at magtiwala sa kanyang sarili.

"Talagang hinahamon mo kami Ms. Sandberg! Masasaktan ka lang maniwala ka! Kahit imposibleng matalo kami ng isang babaeng katulad mo, satingin mo ba makakalaya ka pa kahit matalo mo man kami? Diyan ka nagkakamali, kung nakikita mo lang may mga nakatagong sniper sa paligid Ms. Sandberg. Kahit matalo mo kami rito o hindi may babaril pa rin sayo kapag naubos na ang oras mo!"

"I know, gusto ko lang makita ang galing mo killer!" naghahamong sambit ni Hailey. Hindi niya na malaman kung saan pa siya nakakakuha ng lakas para sumabat at humamon.

"Hmmm, killer? Ang sarap sa pandinig. Sige sa loob ng 10 minuto mapatay ka man namin o hindi awtomatikong babarilin ka pa ng mga sniper!" sigaw ng lalaki.

"Deal Mr. Killer!" malakas na tugon naman ni Hailey.

Nagsimula na ang kanilang laban, sampung lalaki ang kaharap ni Hailey ngayon. May limang sniper na nakatago lang sa itaas na bahagi ng gusali. Kapag natapos na ang sampung minuto ay awtomatikong babarilin na nila si Hailey.

Ang balak ni Hailey ay pabagsakin ang sampung lalaki at iilagan niya nalang ang mga sniper. Napansin na niya kasi kung saan naka puwesto ang tatlong sniper, dalawang sniper nalang ang kailangan niyang hanapin para matantsa niya kung saan siya iilag.

Hindi pa man ganoon kasigurado si Hailey sa kanyang kakayahan, kampante naman siya na maibibigay niya ang lahat ng kanyang lakas para mapatumba silang lahat. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga naituro ni Paula at may sapat na gamit pa siyang panlaban na nakatago lamang sa ilalim ng kanyang damit.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon