S.U. 6 Marketing Project

15K 461 140
                                    

CHAPTER 6

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na nag-park ng sasakyan si Aviana. Late na siya sa unang klase dahil natagalan siya sa pagpili ng kanyang susuotin ngayong araw. Hindi pa siya nakalalayo sa parking lot ay natanaw niya ang isang kulay dilaw na Lamborghini Aventador na humarurot papasok sa loob.

"Gosh! Nagmamadali rin ang peg?"

Bago siya makalayo ay nakita rin niya ang taong bumaba sa sasakyang iyon. Kilala niya ito, si Caiden Brii Houston. Agad na nanlaki ang mga mata niya at awtomatikong napanganga.

"Shocks! Makahulog panty naman ang hotness niya. Umagang-umaga ang sarap ng breakfast ko. He's wearing the Versace Summer Hot and Fab collection. Bagay na bagay sa kanya, lalong lumitaw ang hotness niya. Pero himala, late siya ngayon?"

Alam ng lahat na hindi nahuhuli sa klase si Caiden. Kilala nila itong masipag, maaga at magaling sa buong Business Management Division kahit na madalas itong tulog kapag wala pa ang guro nila. Napakamot sa ulo ang dalaga habang pilit iniisip ang maaaring rason kung bakit na-late rin ito.

Nagmamadaling naglakad si Caiden papunta sa gusali nila. Naiwan si Aviana dahil pinagmasdan pa niya ito na sobrang bilis kung maglakad. Hindi na niya nagawang sumunod pa rito kahit na buong lakas siyang nagmamadali at hirap na hirap sa patakbong lakad.

"Nakasisira naman ng poise 'to! Ayoko na talagang ma-late, ayokong magmadali ng ganito! Jusko, it's not so me!"

Naunang dumating sa silid si Caiden. Pagdating ni Aviana ay naroroon na rin ang kanilang guro.

"Aviana you're late!" mataray na bati ni Aubrille nang umupo ang dalaga sa katabi nitong upuan.

"Dear, kasalanan ng maganda kong alarm clock. Idagdag mo pa na nahirapan akong pumili ng collection na susuotin," tugon ni Aviana.

Kinukuha niya ang panyo sa bag nang mapansing nakatitig pa rin si Aubrille sa kanya na tila may gustong sabihin. "Gawd! Puwedeng magpahid muna ako ng pawis bago mo ipagpatuloy ang sasabihin mo?"

Napatawa si Aubrille. Ngayon lang nito nakita ang kaibigan na pawis na pawis at pagod ang itsura sa umaga.

"Girls, nandito na pala ang isa pang low minded!" sambit ni Yarin Pie Povlsen. Isa sa matalik na kaibigan ni Sofia.

Ibinalik ni Aviana ang kanyang panyo sa bag at mabilis na lumingon sa nagsalita. Tinitigan niya nang matatalim si Yarin. Patayo na sana siya nang hawakan ni Aubrille ang kanyang kamay. Napasulyap siya rito at sa kanilang guro na abalang nagsusulat sa white board.

"Aviana, 'wag mo ng patulan please."

Tinanggal niya ang kamay ng kaibigan na mahigpit na pumipigil sa kanya.

"Nakasisira kasi sila ng araw! Ang sarap gupitin ng kanyang Fendi dress na alam kong nasa summer design collection ni mommy. Wala siyang karapatang bumili ng clothing designs ng pamilya namin! Ang dapat sa kanila ay naka-block sa mga stores!"

Muling binalik ni Aubrille ang pagpigil kay Aviana. Nasa loob sila ng klase kaya hindi nararapat na gumawa sila ng gulo.

"Fine! Titigil na ako, pero mamaya lagot siya sa akin!"

Ngumiti ito sa narinig na sagot ng kaibigan. Alam nitong kontrolado pa rin ni Aviana ang kanyang emosyon kahit papaano.

Mayamaya'y lumingon si Aviana sa likuran nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Bumungad sa kanya si Hailey na kumakaway pa. Napangiti ang dalaga at napatingin sa suot nito.

Suot ang vintage color Dolce and Gabbana floral dress collection, mas lalong lumitaw ang ganda ni Hailey na hindi nakaligtas sa kanyang paningin.

Kumaway din siya at pabulong na nagsalita, "Nice dress."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon