S.U. 34 Back to School

9.1K 247 51
                                    

CHAPTER 34

HAILEY'S POV

"Mam Hailey, ang tagal mo naman. Kanina ka pa nakatayo riyan. Wala na si Caiden nakaalis na," narinig kong wika ni Paula.

Teka, kanina pa ba ako nakatayo? Nakakaloka! Wala na naman ako sa aking sarili.

"Mukhang natulala ka na Mam Hailey ah, tara na pupunta pa tayo kay John."

"Oo nga pala, sige alis na tayo."

Umalis na kami at nagtungo sa lugar ni John kung saan namin siya iniwan para mag-alaga ng mga baboy.

"Oh John, ang sigla ng mga baboy ko. Mukhang binaling mo sa kanila ang pangungulila sa iyong pamilya," bungad ni Paula pagkadating namin at nakangiti pa. Lokaret ka talaga Paula, nagawa niya pang magbiro!

Hindi umimik si John, itinuloy pa rin niya ang pagpapakain sa mga baboy.

"What if nandito si Jane ang anak mo, sasabihin mo ba sa amin kung sino ang nag-utos sayo?" biglang tanong ni Paula. Natigilan naman si John at humarap sa amin.

"Sasabihin mo na ba kung sino?" tanong ko naman ulit. Umiling lang si John na parang hindi naman naniniwala sa aming sinasabi.

Kinalikot ko ang aking fone at pinarinig kay John 'yung ni-record namin ni Jane kanina. Sabi ko kasi kay Jane magre-record kami ng maikling mensahe para sa kanyang ama.

Lumapit naman si John at kitang kita ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata, "Nasaan ang anak ko? Nakita niyo ba siya?" tanong ni John.

"Yes John, pero may kapalit. Sino ang nag-utos sayo?" maotoridad na wika ni Paula sabay hila kay John at pinaupo sa malapit na silya.

"Sasabihin ko lang kung makikita ko mismo ang aking anak."

Inilabas ng isa kong bodyguard si Jane. Pinalapit ko sa akin si Jane at hinawakan ang kanyang kamay.

"Eto na si Jane, sasabihin mo na ba kung sino?" wika ko. Nagulat si John pero kita naman ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Jane anak, kamusta ka na? Bakit madami kang pasa sa binti? Sino may kagagawan niyan?" napaiyak na tanong ni John.

"John sino pa ba ang gagawa niyan, pasalamat ka nga kay Mam Hailey nailigtas ang anak mo sa hindi inaasahang pagkakataon. So ano magdadrama nalang ba tayo? Hindi ka pa rin ba magsasalita!" inis na sambit ni Paula. Umayos naman ng upo si John at mukhang magsasalita na.

"Inutusan akong magdala ng dokumento sa mga Gertler. Pagkadating ko sa labas ng kanilang gusali hinarangan agad ako ng maraming guards. Tinignan nila lahat ng aking dala pati na rin ang aking motor. Bago ako umakyat ay pinaiwan muna nila sa baba ang aking cellphone. Sumunod naman ako at sinundan ang isang guard na magdadala sa akin sa opisina ng mga Gertler," nagbuntong hininga muna si John bago itinuloy ang kanyang sasabihin.

"Sa totoo lang hindi ko kilala kung sino ang nag-utos sa akin."

"Ano! Pinapaikot mo ba kami John! All this time hindi mo naman pala alam kung sino!" sigaw ni Paula. Niyakap ko naman si Jane na parang takot na takot na.

Inawat ko saglit si Paula, "Paula, tama na 'yan. Pakinggan muna natin ang kanyang buong kwento."

"John ikwento mo ang buong pangyayari," sabi ko naman. Nalungkot ako at dissappointed, akala ko pa naman malalaman na namin kung sino.

"Pagkadating ko sa kanilang opisina, pinaupo nila ako sa isang silya sa loob ng silid. Walang tao sa loob tanging isang silya at lamesa lang ang naroon. Biglang namatay ang ilaw, pero pagkaraan ng ilang minuto bumukas naman ang ilaw sa aking harapan. Hindi masyadong maliwanag, pero natatanaw ko sa aking harapan ang apat na taong nakaharap sa akin kahit hindi kita ang kanilang mga mukha. Nasa kabilang silid sila at tanging salamin lang ang nakaharang sa pagitan namin. Nagulat ako ng biglang may nagsalita, may speaker pala sa loob ng silid. Sabi nang babae iwan ko nalang daw sa lamesa ang mga dokumentong pinadala ni Mr. Houston. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Nang ako'y patayo na para sana lumabas na ay bigla namang nagsalita 'yung lalaki."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon