S.U. 21 Friends

11.8K 337 63
                                    

CHAPTER 21

KING'S POV

Noong isang araw ko pa nakitang busy si lourd sa musical box. Pilit niyang inaalam kung saan niya narinig ang boses na iyon. Aaminin ko delikado ang ganitong sitwasyon, may buhay na pinagtatangkaan.

"Nakatanggap pa ba si Hailey ng ibang threat? Is it the first one?" Tanong ko kay Caiden. Napag-alaman kong nalaman lang niya ito accidentally noong uwian ng marketing event program, may nagdala daw ng regalo kay Hailey. Hindi daw iyon pinansin ni lourd pero kakaiba daw kasi ang naging reaction ni Hailey kaya lumapit siya sa bandang likuran nito at doon niya narinig ang background voice sa musical box.

"I don't know. Walang balak magsalita si Zoe tungkol sa pangyayaring ito." Mabilis na sagot ni Caiden, mahirap ito kung hindi makikipagtulungan sa amin si Hailey.

"What? Paano siya matutulungan kung hindi siya makikipag-ugnayan." Biglang wika ni Jia na kasalukuyang nakaupo sa sofa.

"Naguguluhan ako, siguro may kaaway sila. O baka naman may kailangan sila sa mga Sandberg." Sambit ni Zaid habang nagkakamot ng ulo.

"Kailangan nating bantayan si Hailey. Nakakaawa naman kung mamamatay lang siya ng walang kaalam alam kung sino ang tumitira sa kanya. O maaaring sa kanila kung nakakatanggap din ng death threats ang iba niyang pamilya. Ayokong mawala si my loves." Wika ni Jia na ngayon ay nanonood na ng tv. Parang kanina lang ang oa niya makareact.

"Tama ka Jia, kawawa naman ang my loves mo at kawawa naman ang Cailey love team." Puro kalokohan talaga ang lumalabas sa bibig ni Zaid.

"Bago gumawa ng plano kailangan munang kausapin si Hailey. Paano kung ayaw niya naman humingi ng tulong sa atin. Paano kung ayaw niyang ipaalam sa iba, nagkataon lang kasing nalaman ito ni Caiden." Maayos kong pagpapaliwanag sa kanila. Kung si Hailey mismo ang aayaw wala kaming magagawa.

"Remember the rule number one. You can't do anything and that's the fact." Napatingin kaming lahat kay Braxley. Buti naman kahit mukhang wala siyang pakielam alertong nakikinig naman siya.

Napasimangot si Zaid, si Jia naman ay biglang napatungo at si lourd Caiden naman ay halatang may malalim na iniisip. Tama si Braxley ang rule number one muna ang dapat naming intindihin bago kumilos. Not unless kung mababago ang rule na ito at magkakasundo na si Caiden at Knox. Pero malabo iyon, nakakatiyak ako.

"Ang komplikado, if we want to help Hailey we need a better plan." Sambit ko sa kanila.

"It's dangerous to oppose the rule we made, the school will never absolve us. Besides pwede namang pabayaan nalang ang babaeng yun. Bakit lahat kayo interesadong tulungan siya? Wala na tayong pakielam sa kanya. She's not our friend so stop wasting time and effort to her!" Pasigaw na tugon ni Braxley. First time niyang makielam sa ganitong bagay lagi kasi siyang nakatahimik lang.

May punto si Braxley pero dahil sa nakasama na namin si Hailey tinuring na rin namin siyang kaibigan. Mahirap nang hindi makielam lalo na kung alam naman naming may magagawa kami para sa kaligtasan niya.

I need more information. Para saan pa at tinagurian akong utak ng Aphotic kung wala rin naman akong mailalahad na maayos na plano sa kanila. Tsk!

"We want to help her because she's our friend. Kung wala kang paki sa kanya huwag kana sumabat! Wala kang naitutulong!" Ayan na naman ang pagkamainitin ng ulo ni Jia.

"Friend? Tinuring niyo siyang kaibigan kahit hindi kayo ang pinili niyang kaibiganin?" Mabilis na wika ni Braxley.

"Oo dahil ang pakikipagkaibigan ay walang kapalit. Naipit lang si Hailey sa rule na yun at kahit hindi niya kami pinili nananatili pa rin siyang mahalaga sa akin." Ramdam namin ang pagiging importante ni Hailey sa buhay ni Jia base sa kanyang mga sinabi. Totoong walang kapalit kung makikipagkaibigan ka ng totoo at walang halong kalokohan.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon