S.U. 46 Her Heart

7.9K 255 58
                                    

CHAPTER 46

HAILEY'S POV

Nakaalis na ng maayos ang pamilya Houston sakay ng aming private plane. Sinigurado ko munang walang ibang nakakaalam sa pag-alis nila bukod sa amin. Gusto kong maging payapa ang kanilang pananatili sa Europa. Hindi ko makakalimutan ang mahigpit na yakap ni Mrs. Houston at ang sobrang pasasalamat ni Mr. Cailex. Bago sila umalis ay tinanong ko sa kanila si Caiden, ako na mismo ang naglakas ng loob alamin ang totoong nangyari sa kanilang anak.

Ngunit nabigo na naman ako. Umiyak lamang si Mrs. Houston nang banggitin ko ang pangalan ng kanilang anak. Hindi rin makapagsalita si Mr. Houston. Wala na akong nagawa, hinayaan ko nalang sila na makaalis na, kahit wala akong nakuha na matinong sagot.

Ngayon naman, papunta na kami ni Paula sa aming secret area. Doon namin papanuorin ang nakuha niyang cctv's sa South Road. Nang makarating na kami, agad na binuksan ni Paula ang laptop namin at kinonekta ang isang hard drive.

Una niyang binuksan ang recording sa isang kalye ng South road na dinaanan namin papuntang Coffee shop. Naupo muna kaming dalawa habang hinihintay ang pagsimula ng video.

Wala masyadong mapapansin sa simula ng video. Tahimik sa paligid at talaga nga namang wala halos dumadaan na sasakyan. Sa kalagitnaan ng recording, mabilis na dumaan ang isang lalaking nakamotor. Pinindot ko kaagad ang pause bago makalayo ang nakamotor. Pinagmasdan kong maigi ang suot ng lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang lalaking nakaitim na nakita ko pagkadating ko sa coffee shop. Walang plate number ang motor niya kaya hindi ko siya mata-trace.

Nauna pala siyang dumating kaysa sa amin. Ibig sabihin, nasaksihan niya ang mga pangyayari mula sa simula.

Pinindot ko na ang play pagkatapos kong suriin ang itsura niya. Wala na halos dumadaan na ibang sasakyan. Pagkaraan ng isang oras, mga sasakyan na namin ang makikita sa video at ang pagdating ng mga sasakyan ng kalaban.

Sunod namang binuksan ni Paula ay ang recording cctv sa North Road. Iyon ang isang daan papunta sa coffee shop sa South Road.

Makikita sa video, na sa North Road dumaan ang mga kalaban. Limang sasakyan ang magkakasunod na dumating at huminto sa tapat ng coffee shop. Sa pangalawang sasakyan bumaba si Tita Frizzy. Bago siya tuluyang makababa ay kitang kita sa video ang pagsapok sa kanya ng taong nasa loob ng sasakyan.

Pinindot ko kaagad ang pause, pero hindi talaga nahagip ng cctv ang itsura ng sumapak kay tita Frizzy. Kamay lang ang makikita at sigurado akong panlalaking kamay iyon.

"Someone's controlling her," sambit ni Paula habang nakatitig sa video.

"Yup, mukhang ayaw ni tita bumaba at tumuloy."

Sunod na nahagip ng video ang pagpasok ni tita Frizzy sa coffee shop. Ang ibang sasakyan naman ay pumarada sa magkakaibang direksyon. Doon na rin lumabas ang mga tauhan ng kalaban. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin ang sasakyan ng mga guards ni mommy kasunod ang sinasakyan ni mommy. Pagkatapos ay pumasok na si mommy sa shop at doon na nagsimula kumilos ang mga tauhan sa paligid. Kinalaban nila sina Paula at ang mga body guards ng pamilya namin.

Pinanuod lang namin ang recording hanggang sa pagsabog. Bago sumabog ang shop, makikitang may pumasok sa tagong exit door nito. Nakapwesto ito sa likurang bahagi ng shop. Kitang kita ko, na ang pumasok ay 'yung lalaking nakaitim. Tinitigan kong maigi ang susunod na mangyayari.

Hindi man kita ang loob ng shop, mapapansin namang may kaguluhang nagaganap sa loob. Pagkaraan ng ilang minuto, napatayo ako bigla sa aking kinauupuan dahil nakita ko si mommy! Para akong nanunuod ng isang labanan na ang taya ko ay nasa grupo nila mommy.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon