S.U. 9 Kilig for the First Time

14.7K 459 147
                                    

CHAPTER 9

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na lumabas ng music house si Hailey at sinabihan ang bodyguards niya na dalhin siya sa tinutuluyan ni Paula.

Okupado ng problema ang isipan ng dalaga. Dumagdag pa ang larawang nakita niya sa lugar ng mga bago niyang kakilala na tinuturing niya na ring mga kaibigan. Sa isip-isip niya ay baka matagal ng kilala ang pamilya niya ng Aphotic dread at wala namang masama roon kung gano'n. Subalit paano maipapaliwanag ang larawang kuha nila noong matagal ng panahon? Ano ang silbi ng larawang iyon? Ano ang gagawin nila roon?

Napahilot sa sentido si Hailey habang pilit iniintindi ang mga nangyari at inaalam ang sagot sa mga katanungan niya.

Naisipan niyang puntahan si Paula dahil ito lamang ang puwede niyang pagsabihan ng mga maseselang bagay. Hindi na niya naisipang magpaalam pa sa Aphotic dread na kailangan niya ng umuwi dahil ayaw niya munang harapin ang mga ito. Wala rin siyang pakialam kung lalo mang magalit si Caiden sa ginawa niyang pag-alis.

"Hi Ma'am," bungad ni Paula nang makita si Hailey.

"Let's talk in my secret area."

Sumunod si Paula sa kanya. May lihim na daan sa tinutuluyan ni Paula papunta sa secret area ni Hailey. Malapit lang kasi sa bahay nito ang lugar na iyon. Dirediretsong naglakad ang dalawa hanggang sa makalayo na sila sa bodyguards ng dalaga nang hindi sila napapasin. Hindi maaaring malaman ng mga bantay ang secret area na iyon.

Pagdating doon ay umupo si Hailey sa couch samatalang si Paula naman ay kumuha ng isang basong tubig.

"Paula, ang tagal nating hindi nagkita. Na-miss kita!"

"May problema ka Ma'am? Ano 'yun, para maayos na natin agad," seryosong tanong ni Paula pagkaabot ng isang basong tubig dito.

Humugot ng malalim na hininga si Hailey at saka uminom ng tubig.

"Madami akong iniisip. Lalo na ngayon... una no'ng birthday party ko, niyaya ulit ako ng Skrivena University official na pumasok sa school nila. Hindi ko alam ang talagang rason ng paulit-ulit nilang pag-anyaya sa akin pero nakakuha ako ng magandang dahilan kung bakit ako pumayag na pumasok doon."

Hindi nagsalita si Paula, hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng dalaga. Naniniwala siyang may mas malalim pang dahilan, may mas matindi pang rason kung bakit biglang pumunta sa kanya si Hailey.

"Naisip ko, baka ang tanging rason lamang ay dahil sa most outstanding student ako sa Williams Moore at dahil nasa top industry ang negosyo namin. Makadadagdag sa ranking ng campus nila kung doon ako papasok ng tertiary kaya paulit-ulit nila akong inaanyayahan. Sa tingin mo ba, 'yun lang kaya talaga ang dahilan?"

Tinitigan ni Paula ang dalaga. Kitang-kita nito ang nag-aalalang mga mata, ang pagkunot ng noo at ang paghinga nang malalim ni Hailey. Pati ang hindi mapakaling mga kamay at binti na paulit-ulit gumagalaw ay napansin din nito.

"Alam mo Ma'am Hailey, minsan makatutulong din sa atin ang hindi masyadong nag-iisip. Kung wala ka namang napapansing kakaiba o naiibang trato sa 'yo sa paaralang 'yun, posibleng ranking ang habol nila. Kapag nalaman ng marami na ang top 1 at idolo ng mga kabataan ay sa Skrivena University pumapasok ay talaga nga namang tataas ang ranking nila at mas madami pa ang mag-e-enroll sa paaralang 'yun. Marketing strategy nila 'yun. Planado na lahat para mas makilala pa sila at pag-usapan sa lipunan."

Hindi umimik si Hailey. May punto si Paula at baka iyon lang talaga ang dahilan kaya siya inanyayahang pumasok doon. Subalit may parte pa rin sa puso ng dalaga na sumisigaw na hindi, mali, huwag siyang makampante sa paaralang iyon.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon