S.U. 47 His Heart

7.8K 234 49
                                    

CHAPTER 47

THIRD PERSON'S POV

"Your absence has left a hole in my heart. I miss my star, I miss everything about you Zoe, I miss you damn much," sambit ni Caiden habang ito ay nakayakap kay Hailey.

"Teka nga, lumayo ka nga sa akin!" tugon ni Hailey habang tinatanggal ang mga kamay ni Caiden na nakapulupot sa kanya..

Napatigil si Caiden at muling nagsalita, "What's wrong?"

Namumulang tumugon si Hailey, "Kasi kinikilig ako eh. Layo! Mararamdaman mo kasi na nanginginig ako sa kilig!"

"You're damn cute, I love you," bulong ni Caiden na nagpataas na naman sa mga balahibo niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang mga narinig. "Tama na nga 'yan! Layo sabi eh!" hindi mapakaling tugon niya.

"I love you so much my star. Kahit paulit-ulit kong sabihin, kahit magsawa ka na sa sinasabi ko, kahit layuan mo ako dahil sa mga katagang ito, hindi ko pa rin pagsisisihang sabihin ito. I love you that much and I can't lie to myself anymore."

"Eh? Ano ba Caiden. Sasapakin kita riyan eh! Hmmm, tara na ba?"

Napangisi si Caiden nang makita na namumula na naman ito. "Okay let's go," sagot niya.

Habang sila ay naglalakad, pinagmamasdan ni Caiden ang buong paligid, "Those idiots will surely be in here, anytime soon."

Kinuha niya ang kamay ni Hailey at sabay silang naglakad. Hinawakan niya ang kamay nito to make her feel safe and loved. Ang kamay ni Hailey ay nanlalamig na halatang kinakabahan at the same time kinikilig sa ginagawa ni Caiden.

"Caiden? Bakit ka nakangiti habang naglalakad tayo?" Nagulat si Caiden sa tanong nito. Hindi niya napansin na napapangiti pala siya bigla.

"Maybe because when I'm with you, I forget the world for a while."

"Ano ba, nakakainis ka naman!" pangiti ngiti na sambit ni Hailey.

Nang makarating na sila sa pinaradahan ng motor ni Caiden, hinigit niya at inalalayang umangkas si Hailey sa motor at saka sila umalis. Dinala niya sa kanyang tinutuluyan ang dalaga. Buong biyahe hindi umimik si Hailey dahil maraming katanungan sa isip niya. Kailangan niya ng sagot lalo na't napapahamak ang mga mahal niya sa buhay.

Pagkadating nila sa lugar ni Caiden, sinuri agad ni Hailey ang buong lugar. Ang lugar ay tahimik at napapalibutan ng mga kakahuyan. Tanging ang nag-iisang bahay lang ang nasa gitna ng mga ito. Iyon ang bahay na tinutuluyan ni Caiden. Matagal na niyang binili ang lugar at inilihim ito sa lahat. Ito ang nagsisilbing pahingahan niya dahil malayo sa maraming tao.

Napatingin naman si Caiden at nag-alala sa reaksyaon ni Hailey. Mababakas kasi ang puro katanungan sa aura nito.

"Stay with me Zoe and you'll be safe," wika niya. Sumunod naman sa kanya si Hailey at pumasok na sila sa loob ng bahay.

Umakyat sila sa pangalawang palapag at naupo sa may veranda.

"I want to tell you something," panimula ni Caiden.

"Yes, I need to know everything. Lahat lahat mula umpisa Caiden."

Umayos naman ng upo si Caiden at hinawakan ang kamay nito saka nagsimulang magkwento, "Matagal ko nang kilala ang daddy mo, si tito Westley."

"Wait, what? Kilala mo si daddy noon pa?" mabilis na tanong ni Hailey.

"Oo, siya mismo ang lumapit sa akin at nagpakilala noong bata pa ako. We're playing in the same park and I always wanted to be alone. Pinuntahan niya ako para yayaing makipaglaro sa 'yo pero sadyang mailap ako noon hanggang ngayon. Your dad is such a good father. Mabilis ka niyang nasalo no'ng muntik ka nang malaglag sa swing. Lagi ka niyang tinitignan at binabantayan."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon