90 days of summer

669 14 4
                                    

"Hanggang saan mo kayang itago yung nararamdaman mo...
Kung alam mong kaibigan lang ang turing niya sayo?

Hanggang kelan mo kayang tiisin...

Ang sakit na nararamdaman mo, mapasaya lang ang taong mahal mo?

Hanggang kelan mo kayang magpanggap...
Na hindi siya ang sinisigaw ng puso mo?

Hanggang saan ang kaya mong gawin.....

Sa taong mahal mo, na alam mong malabong maging kayo?"

Yan ung mga katagang laging pumapasok sa isip ko sa twing naaalala ko si Alexa. Oo babae siya at babae din ako. At ngayon lang ako nagmahal sa kapwa ko babae. Nakilala ko siya dto sa watty. Siya yung una kong naging kaibigan dito sa wattpad. Nagsimula un nung napaglaruan ko ang wattpad app ko. Hindi ko kase alam kung papano sya gamitin. Hahaha. Nakita ko ung may parang envelope na icon tas pinindot ko siya tas nakita ko na parang pwedeng magsend ng message kaya sinubukan ko. Since gusto ko din naman may makilala na author, nagmessage ako pero nung buburahin ko na bgla ko napindot yung "send" icon. Kinabahan ako kase di ko siya kilala at nahihiya ako makipagkilala. Hahahaha. Natuwa naman ako nung ngreply siya. As in. Parang may sparks akong naramdaman. Corny man pero totoo. Tas hanggang sa kinuha nya ung number ko at nagkatext kami. Sobrang click namen sa isat isa. Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman ung feeling na napapangiti ka everytime na ngaappear ung name nya sa screen ng phone mo. :"") halos araw araw kame nagkakatext, umaga hapon at gabi di sya nawawala sa inbox ko. Sobrang saya ko everytime na katext ko siya kahit alam kong may isang tao siyang hinihintay at alam kong mahal nya na si Dawn :( One time ngask siya kung pwde daw ba kame magmeet sa pagluwas niya. Sobrang kabog ng puso ko nun dahil di ko alam kung ano feeling ng ganun. Pero dahil nangibabaw ung pagkagusto kong makita siya ay pumayag ako. :) First day ng summer class ko nun at umaga palang siya na ung laman ng isip ko. Hindi ako mapakali sa klase dhil gusto ko na agad maguwian para makita ko na siya. :"") Hindi ko alam pero para akong tuod nung ngkita kame. Grabeee. Ung kilig ko abot sgro hanggang ulo. Naging sunod sunod mga pagkikita namen un tipong umaabsent ako sa klase dahil gsto ko siya makita. Hahaha. Mga 1 o 2 araw lang naman sa isang linggo ako nakkpagabsent nun. Pero sobrang chncherish ko ung mga araw na un. :) alam mo yung kapag magkasama kame parang nakakalimutan ko lahat sa sobrang saya. Sobrang magkaugali kami kaya sgro ngclick kmi agad. Alam mo yung parang kayo, kulang nalang talaga maging official dahil sa mga sweet messages nyo. :) dumating dun sa point na kinaen ko na ung sinabe ko noon sknya na hindi kame pwde mainlove sa isat isa dahil bka mawala ung friendship. Pero ako ung unang nafall na hindi niya alam. :( ang hirap itago kaya dinadaan ko nalang sa biro ung mga totoong nraramdaman ko sakanya dahil aykong iwasan nya ko dahil alam ko naman sa umpisa palang na may gsto siyang iba at hanggang kaibigan lang ako:(

Isang araw nabanggit nya sakin na sumuko na daw siya dun sa mahal nyang si Dawn dahil mukhang wala na daw talagang pagasa na maging sila. Alam kong sobra syang nasktan kaya cnomfort ko siya. Gusto kong sbhin na " ako nalang, ako nalang kasi ung mahalin mo. Ako hindi kita sasaktan. Ako hindi kita iiwan. :(" pero syempre hindi ko kayang sabihin dahil iisipin niya na binibiro ko nanaman siya at nagpapakaBasha na naman ako. Hahaha. Hindi ko alam na un na pala ung last chance para masabi ko sa kanya ung totoong nararamdaman ko.
Unti unting nawala ung communication namin simula nung nagout of town sya. Hinanap hanap ko ung mga pm's nya, yung tawa nya :( lagi ko siyang mini-message pero madalas late na siya mgreply at walang sigla. :(

Hanggang isang araw nakachat ko ulit siya. Masaya akong bumati sa kanya non at masaya din siya....pero sa piling na ng iba :( kinuwento nya sakin na may bago na siyang mahal. Parang biglang gumuho ung mundo ko. Parang nabiyak bigla ung puso ko dahil sa nalaman ko. :( sa isang iglap nakahanap na siya ng bago. Hindi ko man lang alam kung papano nya un nakilala. :( okay lang sana at matatanggap ko pa kung naging sila nalang ni Dawn pero hindi.... Sana naisip nya man lang ako, na pwede naman ako na lang ung ipalit niya dba? Okay naman kami, masaya naman kame. Pero hanggang kaibigan lang pala talaga ako :( Sinabi ko na lang sa kanya na sa wakas nakahanap na din siya ng taong mamahalin siya at masaya ako para sknya.

Naiiyak nlang ako sa twing naaalala kong nawala na ung dating kame at malabo nang maibalik pa. </3

Gusto ko sana siyang tanungin kung mahirap ba talaga akong mahalin? Hanggang kaibigan lang ba talaga ako?

Hanggang ngayon wala pa din siyang alam sa tunay na nararamdaman ko at wala naman na akong balak sabihin sa kanya. Masaya na akong makita siyang masaya sa piling ng iba......

____________________________________________________________________________

Thank you for reading. :)

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon