Broken Hearted Lesbian

1.5K 18 12
                                    

Hello po ako nga pala si Nam, isang closet lesbian. Well matagal na rin kasi akong confuse sa gender preference ko. I don't know if boyish ako o bisexual o lesbian talaga. Pero since nagkakacrush ako sa babae siguro lesbian nga ako.

Closet lesbian lang ako. Lagi nila ako inaasar na lesbian ako pero lagi ko dinedeny. Ayoko kasing inaasar ako. Feeling ko may discrimination kasi kapag lesbian/gay ka.

Kung meron man dito na bi or straight girl. Matanong ko lang bakit mas komportable kayong kasama ang gay kesa sa lesbian?   Naiilang ba kayo sa lesbian or what?

Siguro kasi ang nakaset sa mind nyo is kapag lesbian siga, pala away, babaero, mabisyo, mayabang. Pero hindi naman lahat ganun.

Tama na ang tanong so here's my story. Im Nam, 17 yrs old. Nbsb ako or should I say Ngsb ako. Im not into relationship. Nagkkacrush ako oo pero mabilis lang din mawala. Dati nung hindi ko pa inaamin sa sarili ko na lesbian ako nagkakacrush naman ako sa mga boys. May crush ako dati pero dahil crush ng kaibigan ko hinayaan ko na lang. May crush ulit ako pero nalaman ko bf pala ng kapatid ko o nanliligaw na sa kapatid ko. May crush ako pero sa kaibigan ko may gusto. Yun din siguro ang isang nging dahilan kung bakit sa girl na ako naaattract.

May bestfriend ako super close kami, as in napagkakamalan na magjowa kami. Ako naman dahil torpe hindi ko maamin sa kanya yung nararamdaman ko. Sobrang sweet namin as in. Kahit para kaming aso at pusa daig pa namin ang magsyota kung maglambingan. Yun nga lang hindi ko maamin.

Palagi kaming magkatext ng bestfriend ko. Ako naman deep inside kilig na kilig habang magketxt kami. Para na nga akong tanga na nkangiti habng magkatxt kami eh.

Pero wala dahil sa katorpehan ko hindi ko naamin. At hanggang ngayong nanghhinayang ako. After non wala na. Study muna.

Nung h.s ako may friend ako na adik dito sa watty so ako naman sa sobrang curious ko tinanong ko sa kanya. Nagbabasa ka daw sa site na yung mga stories. Eh hate na hate ko pa naman ang pagbabasa. But after ilang months nagtry din ako magwattpad. Nagenjoy naman ako sa pagbabasa.

Dahil anime lover ako, nagbabasa ko ng stories tungkol sa anime. Then napadpad ako sa profile nitong isang girl na to. We both love the same anime character so i decided to message her. After that she replied. We chat like theres no tomorrow.

Kinuha ko yung number nya theb binigay naman nya. She's aware na girl ako. Pero ang sweet namin sa mga pag uusap namin. Then nakaramdam ako ng feeling na prang ito na yun. 1 month n ang lumipas gusto ko n sya. But I dont know pano ko sasabihin sa knya.

Sinabi ko sa knya na yun hindi naman nya ako nireject. Tapos ang sabi ko hindi ako sanay manligaw since wala pa akong nakakarelasyon. Nagulat ako kasi sinabi nya na kami na. So ako hindi ko alam kung papano ako magrreact nung time na yun. Im speechless that time.

So naging kami na nga. Ang sabi ko dati sa sarili ko kapag ako nagkagf ibbigay ko lahat para sumaya lang sya. She's from Laguna and Im from Nueva Ecija so in short LDR kami.

Pero may bahay sila sa Quezon City ako naman dahil mas matanda ako ng one year sa kanya dito ako sa manila nag aaral para magcollege. Napag usapan namin na kapag may time syang lumuwas magkkita kami.

Todo effort ako sa relationship namin sa totoo lang. Ako lagi ang naglo-load sa kanya. Oo ako naglo-load sa kanya. Ayoko kasi syang pagastusin eh. Syempre ako gf ako dapat naglo-load saknya. Tapos tuwing umaga lagi akong nagssend sa kanya ng sweet messages para mapangiti sya. Nung unang nagkita kami binigay ko pa sya mg love letter na isang buwan ko ata pinag isipang isulat para sa kanya. Tapos binigyan ko sya ng chocolates since hindi sya mahilig sya flowers.

Nakilala ko sya ng mas malalim dahil mas lumalim ang relasyon namin. Napakasungit nya, napapadalas na rin yung pag aaway namin. Pero hinayaan ko na lang. Clingy kasi akong tao at sweet. Kaya ako tuloy pa rin sa pagsend ng sweet message sa kanya. At tuwing nagkikita kami lagi ko syang binibigyan ng chocolates. Kapag monthsarry namin kahit hindi kami magkasama binibigyan ko sya ng regalo. Pinapadala ko na lng via lbc.

Minsan nga bumili pa ako ng couple watch para sa aming dalawa. Nung nagdate kami tsaka ko ibinigay sa kanya at syempre may kasamang chocolate yun.

Para sa akin effort yung lahat ng ginagawa ako. Pero anong napapala ko? Lagi nya akong sinusungitan. Tapos inaaway nya pa. Sa huli ako pa rin ang nagssorry kahit sya naman ang may kasalanan para magkaayos lang kami.

Bat ganun? Hindi ko maramdaman yung pagmamahal nya sa akin. Ang sabi nya sa akin hindi raw sya sweet at ayaw din daw nya ng pda kapag magkasama kami. Kaya hinayaan ko na lang.

May time na natanong ko sa sarili ko na ano bang worth ko para sa kanya? Hindi naman sya sweet sakin wala syang kaeffort effrot kahit sa pagttext sakin. Minsan sinadya kong hindi magtxt sa knya para malaman ko kung ittxt nya ako. Pero guess what? Hindi nya ako tinext hanggat hindi ako ang naunang nagttext sa kanya. At the end sya pa ang nagalit kasi hindi ko daw sya tinetxt.

One year na kami nung May 26  pero nung nagpasukan na. Parang mas nawalan sya ng time sa akin. Gabi na lng kami magkatext at saglit na lang lagi pa kaming nag aaway. Then after two months nakipagbreak sya sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Nanlumo ako binigay ko yung best ko para sa kanya. But I think my best wasn't enough to make her happy. I blaming myself kung bakit sya nakipagbreak. San ako nagkulang? May mali ba akong nagawa? Anong hindi ko nagawa para sumaya sa akin. Sabi naman nya kaya naman nya ang LDR relationship.

Naging loyal ako sa kanya kasi maling lokohin mo ang partner mo. Hindi porket malayo ka pwede ka ng magloko. So hindi ko ginawa yun. Hindi ako tumigil, kinulit ko sya kung bakit sya nakipagbreak akin. Then ang sabi nya. Ayaw kong maguilty kasi may crush akong iba. Ayoko namang tayo pero yung crush ko ang nasa isip ko. Unfair sayo yun. Sabi nya.

Gusto kong magwala at magmura. Pero hindi ako nagmumura eh. Nagmamahal lang haha kornin. Anyways so ayun na nga parang kong gago, tanga, inutil. All this time kaya pala cold treatment na ang natatanggap ko sakanya eh dahil lang may crush sya!!!!! Sinagasaan nya yunh pride ko!!!!!!!!!!! Alam nyo ba yun?! Nakakainis eh!! Ginawa ko lahat para maging masaya sa akin. 1 year kami. Tapos nakakita lang ng lalaki pinagpalit na ko!!! Pinagpalit ako sa crush nya!!! Guys its no surprise she's straight. Im hurt. Nasagasan na nga pride ko. Sobrang sakit pa ng ginawa nya sa akin. Matatanggap ko pa kung inagaw sakin eh. Pero yung dahil nagkacrush sya at yung isang taon na pagsasama namin itinapon nya lang without hesitation dahil sa crush nya!!!!!! Nakakainis. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak ng umiyak.

Pero ako tanga nakikipagbalikan pa rin. Ayaw na nya eh. Pero kinausap ko yung kaibigan ko na kaibigan din nya na kausapin sya. After two months ng panunuyo ko nakipagbalikan sya sa akin. Pero naffeel ko na napilitan lang syang makipagbalikan sa akin.

Yung nararamdaman  ko sya naglalaho na dahil sa nangyari. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya. Hindi na ako sweet sa kanya at hindi na rin ako ganung nag eeffort. Kami pa pero hindi ko na sya mahal katulad ng dati.

Ayokong makipagbreak dahil masasaktan ko sya. Hindi bale ng ako ang masaktan kesa sya. Hahayaan ko na lng na ako ang masaktan. Iintayin ko na lang na makipagbreak ulit sya sa akin. Hindi ko na kaya. Hindi ko maalis yung doubt sa relationship namin na baka gawin nya ulit yun.

Guys ano ba dapat kong gawin. Nahhirapan na ako. Salamat sa sagot.

Nam ---

______________________________________________________________________________
Thanks for reading. :)

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon