It's Unplanned to fall for you

1.5K 24 8
                                    

Hi. I'm Rhayne 14 years of age, 4th year high school student. I'm turning 15 na din naman this November. 5'2 height ko, hindi maputi pero mas lalong hindi maitim. Haha. Sakto lang :) Madalas ay boyish ako manamit. Mas comfortable kasi ako sa mga ganoong damit like maluwag na shirts, polo shirts, above the knee colored shorts. Nagsusuot din naman ako ng skirts and dresses pero once in a blue moon lang. Nahihiya kasi ako. I found out na Bi pala ako when I was in 3rd year kaya lang, hindi ko yun pinaalam sa iba. Why? Takot ako ma-judge ng iba, and alam ko na hindi iyon matatanggap ng parents ko. Mataas kasi expectations sa akin ng family and relatives ko. Yung mga tito and tita ko kasi, especially sa father side halos Bachelor's Degree yung natapos and successful na sila ngayon. May doctors, nurses, teachers here and overseas, engineers, CPAs and others. Kaya ganun na lang yung paghihigpit nila sa akin lalo na pagdating sa lovelife, kaya nga bawal pa ako mag-boyfriend eh kasi they want me to be successful like them. I started to attend school when I was at the age of 3 and since noon, I was always part of the Top 10. Yeah, i'm a consistent honor student since then. Our family name is kilala sa lugar namin, parang medyo nakakaangat kasi yung tingin sa amin ng ibang tao. Paano ko ipapaalam sa iba na Bi ako diba? Ayokong maging dahilan para masira yung family name namin. Ayokong maging kahihiyan para sa kanila. And they are homophobic. Sa side kasi ng father ko, wala kahit isa sa aming magkakamag-anak ang Bi, Gay, or Lesbian. Kaya hindi ko talaga kayang sabihin sakanila yung identity ko.

So uumpisahan ko muna noong nagkaroon ako ng boyfriend. Yeah, nagboyfriend ako kahit na alam kong bawal. Why? Because I love adventures. Gusto ko subukan kung paano yung feeling ng may boyfriend. I was 2nd year that time noong may guy na nanghingi ng permission ko para manligaw siya, since gusto ko naman siya, pinayagan ko. Nanligaw siya sa akin secretly for 8 months, then yun sinagot ko na kasi ang tagal na eh. Tumagal lang kami ng 2 and a half month pero 1 month lang siguro doon yung maayos. Madalas kasi kaming nagkakaroon ng away dahil selosa ako. At dahil nga napapadalas yung away, nakipagbreak na din sya sakin, sawa na daw siya and hindi niya daw kaya yung private relationship. Gusto kasi laging PDA eh. Yeah, we kept our relationship private that time, kasi nga magagalit parents ko kapag nalaman nila. 1 month ko din sigurong iniyakan yun. Wala eh, first time ko kasi maramdaman noon yun. After 4 months siguro, nagkagusto ako sa other guy, may gusto sa akin noon yon kaya lang may boyfriend nga ako that time kaya ni-reject ako. So ako naman yung nagkagusto sa kanya, at siya? May gustong iba. Well dahil iba nga yung gusto niya, kinalimutan ko na lang feelings ko for him.

Then 3rd year high school na, ang laki ng pinagbago ko noon. Natuto akong mag-ayos hindi naman kasi ako pala-ayos dati, kahit nga polbo hindi ako gumgamit dati eh feeling ko allergic ako. Haha. So ayun natuto akong mag-ayos, mas madami dna din akong bagong friends lalo na mga girls. That time, I have my closest friend named Ally. Bi sya and alam yun ng public. Okay na din naman kasi sa parents niya. She's pretty, madalas nga siya kuhanin na muse kapag may pageant. Sobrang boyish nga lang niya kumilos and manamit, yung tipong lakad pa lang lalakeng lalake na. Many are saying na magkahawig daw kami, mas matangkad nga lang ako, mas maganda siya, pero mas cute and appealing daw ako. Haha. Madalas din akong ma-offeran na maging muse sa mga pageant pero tinatanggihan ko. Wala lang, hindi ko lang trip. Isa pa sa napansin kong change sakin is madalas ako ma-attract sa mga babae, yung kapag nakakakita ako ng pretty girls tinatanong ko lagi yung names nila and hinahanap ko sila sa FB. Madalas naman kasi akong kasama sa mga contest kaya mas madami akong mga nakikilala.

Dahil siguro sa pagiging close ko kay Ally, na-curious ako sa mga GxG relationships. Kaya naisipan kong mag-search ng GxG story sa wattpad. Habang tumatagal, parang nag e-enjoy na ako sa mga ganoong stories.
Si Ally, sobrang playgirl niya, madali kasi siyang ma-attract sa girls. Basta maganda, popormahan na agad. Madaming staight girls na din ang napa-crook niya. Papalit-palit siya ng mga babae and minsan pinagsasabay-sabay pa niya. Then one time, I know it happened January 2014, she met a new girl named Reece, she's pretty, she's 15 years old now and Grade9 na. Yung place nila, malayo lang ng konti sa amin. Reece is straight, but not anymore when she met Ally. Ally courted her and naging sila February. But because natural na nga kay Ally yung pagiging playgirl, she broke up with her dahil may nakita nanaman siyang ibang babae. Reece was badly hurt, na-fall na kasi talaga siya kay Ally. I remember that day noong pumunta pa siya sa school namin, she tried to talk to Ally pero lumalayo lang ito everytime na lumalapit siya. Naawa ako sa kanya that time. Medyo close din naman kasi kami ni Reece, everytime kasi na may babae si Ally, pinapakilala niya sa akin, and binibigay niya number ko sakanila para maka-text ko sila.

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon