My Love Story

1.3K 15 2
                                    


Hi/hello , Hello/hi, ako nga pala si Mj, 18 years old, nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo sa kasalukuyan, kumukuha ng kursong Bs civil engineering sa isang sikat na unibersidad ng Mindanao. Im a lesbian pero TnT (tago ng tago) kahit  halata na sa pananamit ko, sa buhok, sa lahat lahat, in denial pa rin … ang parents ko kasi di nila ako tanggap ang alam nila boyish lang ako, mali raw kasi. Para sa akin, hindi ito mali, hindi tayo mali, ang mali ay yung mga panghuhusga nila.  Ang ating Diyos di tayo hinuhusgahan  bagkus nandyan pa rin sya patuloy tayong minamahal kung ano tayo, kaya be proud of what you are.
Well anyways, bata pa ako, siguro kinder pa ako nun, mahilig na ako sa mga laruang panlalake madalas ngang kalaro ko ang kuya ko nun. Nagsimula akong magkagusto sa kapwa ko babae  nung grade3 ako pero mas lumala lang noon tumuntong ako ng grade 6, kasi nainlve ako? (nang ganung kaaga?) well sabihin na lang nating infatuation lang talaga. Dahil sa sobra kong expressive sa mga panahong iyon, nagtapat ako ng feelings ko sa kanya(joy ang name nya) through love letter.  Kaklase ko pa naman sya nun eh yun nagalit at nandiri sa akin.(pangit ko pa kasi nun, haha) hanggang sa kalaunan nakalimutan ko naman ang feelings ko sa kanya kasi iba na ang school na pinapasukan namin sa highschool.
Second year highschool ako ng maranasang magmahal ng sobra, masaktan, at ang pagtanggap sa mga bagay bagay na mangyayai sa di inaasahang panahon.
Siya si Joh, kaklase ko siya, maganda, morena, matalino, mahinhin, at sobrang bait pa. naging crush ko siya sa unang pagkikita pa lang naming. Tumagal ng tumagal kaya tumindi ng tumindi hanggang sa di ko na nakayanan namatay ako, HAHA! Joke lang. eh kasi nga expressive ako masyado nun, nagconfess ako sa kanya pero nireject niya ako kasi kaibigan lang daw ang turing nya sa akin. (sad naman neto L) Masakit maraject pero tinanggap ko pa rin kasi kahit ganun, di pa rin nalayo ang loob niya sa akin. Nagging close kami sa loob ng isang school year. Sa mga panahong yun nalaman ko rin na hindi ko na pala makakasama si joh sa susunod na taon kasi pupunta na siya ng London at dun na mag-aaral.
Sobrang lungkot ko nun, nagging emoterang froggy ako, chos! Nagging emo nga naman ako hanggang nagtapos ako ng highschool dahil sa kanya.  May 16, 2010 yan ang araw na umalis siya at di man lang ako nakapagpaalam ng personal. Umiyak talaga ako nung araw na yun.
Sobra akong nasaktan sa pag-alis niya, mahal na mahal ko pa siya nun eh. At pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko siya at mananatili siyang parte ng buhay ko.(kaya nga Mj ang alayas ko kasi initials ni joh yun, ang corny ko!) Hanggang sa natapos ko ang highschool ko na dala dala ang lahat ng masasayang alaala at lalo na yung masasakit.
Apat na taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin sya. Sa loob rin ng apat na taon nayan, nagakagirlfriend rin ako no? mga sampu yata yun pero tatlo lang ang sumeryoso sa akin. Ganyan ako ka pangit. HAHA . Last year, nagkagirlfriend ako, maganda siya, chinita mabait rin siya … sa simula lang pala. Yun ang aking inakala, kasi nung nagging kami, LDR kasi kami di ko rin naman sya masisisi. Habang girlfriend ko siya girlfriend rin pala siya ng iba. Sakit talaga, inakala ko pa naman na lalaki mas matatanggap ko pa, eh tboom rin nakakainsulto lang. Pero kahit ganun pinatawad ko pa rin at naayos namin to pero inulit pa rin nya yung ginawa nya. At dahil mahal ko siya pinatawad ko ulit. Hanggang sa dumating ang point na binangit nya to…
“chamz itigil na natin to, di kita mahal.”
Umiyak talaga ako nun kasi sobrang sakit eh. Parang naawa lang siya sa kin.  At humanap ako ng kapalit agad ang nagging resulta, double damage eh, sinaktan rin ako. (pinanganak ba talaga ako para masaktan lang?)
Kaya simula nun, nagging bitter na talaga ako, sobrang bitter talaga, takot na ako makipagrelasyon, kaya hanggang ngayon single ako. L
Sa ngayon, busy ako sa studies ko, kamakailan nga pala umuwi si joh dito sa pinas pero di kami nagkita kasi huli na ng malaman ko nakabalik na sya dun sa London. Tss.. ay ewan.. di pa siguro ngayon ang tamang panahon, pero kung mababasa naman niya ito, laking pasasalamat ko.
Pero ngayon masaya ako kasi inlababo ako pero lihim lang kasi ayoko nan g love confessions nakakatakot ng mareject. Diwata ang tawag ko sa kanya, kasi sobrang ganda nya talga, matalino at talented pa. Hihintayin ko nalang na mawala tong feelings ko sa kanya. At kung may nakakakilala man sa kanya dito sa watty sana wag nyo akong isumbongmaawa po kayo. Baka mapatay nya ako ng wala sa oras, gusto ko pang maging engineer, HAHA!
 
Hanggang dito nalang siguro, parang sobrang haba na. maraming salamat sa inyng pagbabasa sa kuwento ko. Sana may natutunan kayong aral kahit konti sa story ko.
At idol author thanks sa opportunity na mabahagi ko tong story ko. Thanks! Byeers !
 
MJ
______________________________________________________________________________

Thanks for reading. :)

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon