Play With Lady (My Confession)

2.8K 22 7
                                    

Hi. I'm L.A. not my real name katunog lang. 19 years old. Estudyante. Future teacher. Pumapasok sa institusyong normal na ang same sex relationship though it’s a catholic school.

Gustong- gusto ko lagi ang magsulat. Pero sa dami ng sinimulan kong kwento kaunti lamang ang natapos. Masaya ako tuwing nagsusulat ako tungkol sa sarili ko. Ako yung bida sa akda ko. Pero this is the first time na magsusulat ako tungkol sa lovelife ko o magshashare ng kwento tungkol sa pagiging bisexual ko. Gamit pa ang account ng iba. Siguro dahil ganito ako kadenial or ganito ako hindi kakomportableng pagusapan to. Maybe because at the first place alam kong mali ito and malabo ang forever dito. Pero sumugal ako. Hindi lang isang beses kundi maraming beses.

Alam sa bahay namin na bi ako pero hindi pinaguusapan. Tanggap nila ako at sarili kong desisyon na itago ang relasyon na pinapasok ko. Ayaw ko silang madisappoint ng tuluyan. Sa apat na relationship ko na seryoso. Tatlo sakanila ang naipakilala ko sa mga magulang ko. Isa sa phone lang at dalawa ang personal na nakipagkillala. Yung isa pinagkaitan ng tadhana ng chance.

Hindi ako torpeng tao. Kaya kong magsabi  ng nararamdaman ko. Madali rin ako makaramdam  kung may gusto sakin ang isang tao. Sa age kong ito marami ng nangligaw  sakin na babae at lalaki.

I was a grade six student that time noong maattract ako sa same sex. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko na bakit umabot ng ganito. Dati rati naman girl na girl ako, may koleksyon ako ng barbie dolls and take note some of it ay galing sa japan, padala ng ninang ko. Bentang- bentang pa nga ako sa mga SAGALA tuwing mayo, kinukuha ako ng ibat- ibang barangay. Masaya ako pag alam kong maganda ako sa suot ko.

Pero noong grade six ako ayun nga, pinormahan ko yung muse namin na transferee, matalino siya, maganda, matangkad at mabait. All in one na nga, ang kaso lang masyado ring relihiyoso kaya alam kong hindi ako uubra dito.

Nagpapadala ako sakanya ng mga letters and gifts. Tinatanggap naman niya at sumasagot siya sa mga sulat ko. Never ako nakaramdam ng pagkareject sakanya pero lagi niyang sinasabi sakin na dadating yung araw na babalik ako sa tamang landas and magiging okay din ang lahat. Sobrang bait niya talaga. Pero after graduation nawala na lahat. Hindi naman kasi uso ang phone.

Nakatuntong ako ng highschool. Nong una ayaw ko pumasok sa school na gusto ng magulang ko dahil unang una hindi naman dun papasok yung muse namin, gusto ko siya sundan (see, baliw na agad sa babae kay bata bata pa) pangalawang rason wala akong kilala dun pangatlo ang mahal ng private. Hindi naman kasi kami mayaman.

Kumuha ako ng entrance exam sa school na yun at scholarship. Dahil nga ayaw ko sa school na yun binasta ko ang exam pero syete naman pasa pa rin at pang 35th pa ko out of 500 students kaya nagka-scholarship ako libre tuition and miscellaneous.

Tuloy na tuloy na nga ang pagpasok ko sa school na yun. First day of school, laking tuwa ko ng makita kong dun din pumasok ang tatlo kong kaklase noong grade six.

Naka- agaw pansin sa akin ang freshman din na si kari. Maganda siya pero laging halata sa mata niya ang kagagaling niya lang sa pagiyak. Gusto ko lapitan at makipagkaibigan kaso parang masungit. (Nananana guys, walng spark ha, hindi ko siya naging lovelife. Dahil naging kaibigan ko siya until now.)

I met JM siya, siya yung unang babae na naging subject ko. Actually hindi ako ang unang nakapansin sakanya. Crush siya ni J.U. na kaklase ko nga noong elem. Lagi ko silang pinagtitripang dalawa. Hanggang nagbago ang ikot ng mundo ako ang tuluyang tinamaan kay JM. Naging mag-M.U. kami, as in malabong usapan. Nagkakatext kami, sweet sa isat isa pero walang kami, alam namin ang feelings namin para sa isat isa pero hindi pwede dahil may GF siya at ako wala naman akong balak maging kami.

Akala ko hanggang dun na lang ang pagkakaroon ko ng Identity crisis pero pakshet noong magthird year ako. Naging president ako ng taekwondo club at opening ng klase at dahil hindi ako nakaattend ng orientation sa mga bagong estudyante hindi ako nakaakyat ng stage para maipakilala ang club namin.

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon