My own kind of FOREVER.

1.5K 18 6
                                    

"Sabi nila kapag daw tumatagal ang isang relasyon, nagkakasawaan. Sabi nila kapag magkalayo kayo, possibleng mawala yung nararamdaman nyo para sa isa't isa. Sabi nila, wala daw forever..

Pero sabi lang nila yun. Kasi siguro, hindi pa nila nararanasan ang magmahal. Cheesy lang. Sa dami ng pinagdaanan natin, may mga times na muntik ng mawala lahat, pero hanggang ngayon, andito pa din tayo. Tayo pa din. Sinong may sabi na nagkakasawaan ang mga taong matagal ng magkasama? Sinong may sabi na hindi magtatagal ang mga taong nasa ldr? Eh parang mas lalo pa nga tayong naging matatag. Mas lalo nating narealize yung importansya ng isa't-isa. At sinong nagsabi na walang forever? Hindi pa ba forever yung halos kalahati na ng buhay natin eh tayo ang magkasama?

Hindi lang tayo simpleng magpartner. We're more than that. Bespren. Magkapatid. Lahat na. And I'm thankful na ikaw, ikaw ang naging partner ko. Despite of everything we've been through. Alam ko hinding hindi na matatapos to. Alam ko, at naniniwala ako na meron tayong forever. Na tayo mismo ang forever. :)"

Hi! Itago nyo na lang ako sa pangalang "Mystique". (Walang konek sa pagkatao ko yan, naisip ko lang talaga bigla, haha.) So ayun, bali, 25 years old na ako, and may partner akong butch. You'll be surprised kung gaano na kami katagal.. Ano, sasabihin ko na ba?

My partner and I have been together for 11 years now.

Yep, you've read it right. 11 years. The letter above was made by yours truly as a greeting for our 11th anniversary last September 2014.

Bakit nga ba ako nagsusulat dito ngayon? Kasi gusto kong magshare sa inyo ng mga bagay na natutunan ko sa relationship ko.

Nag-aral ako sa isang exclusive catholic school sa Manila. All girls ang environment from kinder to 4th year. Ever since, namulat na ako sa girl to girl relationship. As early as grade 5, I think, nakikita ko na yung ibang kabarkada ko na nagkacrush sa girls. Yung iba, nadedevelop na din as hard butches. Yung iba, may possibilty pang maging straight na girls.

As for me, wala lang. Go with the flow, kumbaga. I support my friends na may gustong girl, ok lang din naman sakin yung friends ko na guy ang trip. Pero hindi pa ako nun dumadating sa point na nagkakagusto na din ako sa kapwa ko babae. Falling in love wasn't my thing back then.

It was when I was first year high school when I first met my first lesbian partner. Sa barkadahan kasi namin, open na ang ganung relationship. Halos lahat may mga partners na. Either schoolmate, classmate or taga labas ng school

As for me, shempre wala pa din naman akong hilig sa ganun. Pero siguro, dahil na din sa peer pressure, kaya ayun. Bumigay na din ako.

Uso pa nun time na yun yung mga chat rooms sa tv. Kaya one day, natripan ko na magpost ng number. And voila! Ayun may tumawag sakin, lesbian sya, a year older than me lang. Hindi ko na ididetalye yung mga pangyayari, basta naging magkaibigan kami and eventually, naging kami na.

Hindi legal sa pamilya ko yung set up ng pagkakaroon ng ganung relationship kaya tinago ko na lang. Everytime na magkikita kami, barkada ko ang dahilan ko. Minsan pag nagpupunta sya sa bahay namin, kasama nya yung mga barkada ko kaya nakakalusot.

What we had back then was great. Hindi kami nagaaway nun. And sobrang babyng baby nya ako. She treated me like a princess. Not until she met a new group of friends, from the same tv chat room where we first met.

Nung una, okay pa. Pero hindi nagtagal, unti unti na kaming nasira dahil dun. We lasted for a year or two (hindi ko na maalala). What's good lang is, we remained friends after the breakup. Hindi man agad agad, pero naging magkaibigan pa din naman kami eventually.  

Months after, dun ko naman nakilala ang second partner ko, and hopefully, my last.

Same scenario, chat room. One month after, naging kami na. Nung una, akala ko wala lang. Kasi una pa lang, parang ang dami na kagad problema. Hindi ko nga akalain na magtatagal pala kami. Hobby namin dati ang mag away, mag break tapos mag bati. Kaya sino nga naman ba ang magaakala na kami pa yung magtatagal ng ganito, diba?

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon