A Story to Share

2.8K 46 17
                                    


I discovered wattpad about a year and a half ago..I was into english stories particularly on lesbian love stories and mystery-horror-thriller stories, until lately nadiscover ko na may mga author pala na nagpupublish in tagalog..then your book caught my attention,,particularly Miss playboy =) I was so attached to the point na may naalala ako dahil sa love story nila Jean at Mira..this is one of my precious past relationship..
it reminded me of my first crush-m.u- love hahaha..so the story goes like this..

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

I'm sara, currently im working at Taguig. I'm in a complicated relationship right now but this is not the story im going to tell hihi. ​It​ was happen​ed​ way back when I was in highschool, 3rd year highschool to be exact.

I'm that kind of person na tahimik pero they say na prangka ako at suplada, nerd, bookworm, sabi ng iba cute pero I guess dahil sa height ko, I'm 5' flat at sobrang hindi ako nag aayos (during HS)  ​,​ wala sa vocabulary ko ang salitang SUKLAY  ...​ang masasabi ko lang na gusto kong asset sa katawan ko ay hindi ako tabain, sakto lang at meron akong dimples sa cheeks ​and never pako nasiraan ng ngipin.

By that time di pako exposed sa 3rd sex  and I find lesbians weird XD..pero unti unting nagbago ang tingin ko nung nameet ko si Jillian (coincidence dba? Jillian din ang name kagaya ng character sa isang book mo). Naging kaklase ko siya and she was famous because of her charm and beauty, campus crush siya..she's half ​japanese​  with long brown hair and big olive brown eyes​, ​5'6 yung height niya that time active ​ siya sa sports like volleyball and  ​track n field​, everybody adore her.

Nagstart ang lahat nung nalipat siya sa section namin. Lahat ng boys naexcite and ang mga girls nathreatened and as u​s​ual wapakels ako at ang bestfriend kong si mitch (tinagurian kaming dummies ng mga kaklase ko kasi kahit magunaw na ang mundo eh wala padin kaming paki alam, ni hjndi nga namin ala. kung anung mga nauuso sa school). She was so polite and friendly, na sa sobrang friendly lagi sya nakasmile literally dun sya nakaupo sa 2nd to the last row.and pakiramdam ko nagkakastiff neck na ang mga boylet sa kakalingon sa kanya. As the time goes by naging okay naman ang lahat, nasanay nako sa scene na maraming dumadaan sa classroom namin para sumilay sa kanya at sa loob ng 3mos ni hindi ko pa siya nakakausap (ganun ako kasuplada).

Intil nagkaroon kami ng open forum sa klase, yung teacher ko sa values education eh pauso. Pinagawa kami ng letter para sa kaklase na hindi namin masyadong nakakausap at sabihin daw namin yung ayaw namin na ugali sa taong yun at kung anu sa tingin namin ang dapat gawin para makasundo ang taong yun. Sa awa ng Dyos. I received 20 letters (out of 50 students). Parepareho sila ng sinabi about me. Ayaw nila yung pagiging suplada ko. Para daw kaming may sariling mundo ng bestfriend ko. I accepted those criticism and promise myself na wag ng maging suplada. Hala sige basa pako ng basa ng letter, infairness mabigat din pala sa pakiramdam. Until nabasa ko ang letter ng isang anonymous sender as in di niya nilagay yung name niya. Sabi sa letter niya...

" I know alam mo na kung anu yung negative na bagay na pinagsasabi sayo ng kaklase natin, and I know nakasimangot kana habang binabasa tong letter ko, but then I want you to know na despite ng pagiging dummies niyo ni mitch gusto kitang maging kaibigan =)"

WOW! nalang ang reaction ng lola nyo. Ewan ko pero pakiramdam ko heaven, sa wakas may nangahas na gusto akong maging kaibigan. I cant help but smile hahaha all out smile nga ata eh labas buong ngipin =D . 

​So ayon makalipas ang ilang araw dko padin alm kung sino yung mysterious sender at di ko na inalam, pinilit ko nalang maging hindi snob then eto na nga yung first encounter namin. Sumakay ako ng jeep papasok sa school the usual deadma ang lola niyo sa mga katabi then all of a sudden may nagsalita sa likuran ko sabi nya.

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon