Rejection

1K 14 2
                                    

Hi ako si Shy, turning 19 this December. :) Nagaaral ako sa Cavite State University and I'm taking up Bachelor of Science in Business Management. Ang pagiging mabait given na sa tao yun kaya sabi nila yung kabaitan level ko ay malapit na sa highest level. Masipag ako magaral, friendly na medyo clingy hehe, at mapagmahal talaga ako mapa pamilya kaibigan o crush man hehe.

So here we go. Motto ko sa buhay ay "PAG MAY GUSTO KA AT DI KA GUSTO NG GUSTO MO, PILITIN MONG GUSTUHIN KA RIN." Anong connect nyan sa ikukwento ko? Eto na, eto na talaga promise haha.

December 28, 2013 umattend ako ng isang birthday party ng friend ko sa Marikina. Then dun ko nakilala yong taong magpapatibok ulit ng puso ko, si Jaja. Before kasi mangyari yung event na yun e broken ako kasi iniwan ako ng ex ko ng di man lang ako ininformed kung bakit. Ang sakit diba iiwan ka na lang bigla ng taong mahal mo ng walang sapat na rason. Tapos ayun nga, crush ko pa lang naman sya. Naging close naman kami agad kasi we're both friendly naman. Then after that wonderful overnight party sa house ng friend namin syempre kaylangan na namin magsiuwi sa kanya kanyang bahay. And while we're all walking outside the subdivision ay piniggy backride nya ko. Na-stunned ako dun kasi parang may kuryente na dumaloy between our bodies. So sabi ko ibaba nya na ako agad kasi baka kung anong confusion pa ang maramdaman ko.

Months past mas nagiging close kami lalo. Araw araw kaming nagkakatext nagkakachat at tinatawagan nya rin ako. Dahil din dun mas nakilala namin ng lubos yung isa't isa. Until one day paggising ko di na pala infatuation yung nararamdaman ko para sa kanya. Pinagisipan kong mabuti at i-nanalyzed kong mabuti kung love na nga ba yun then poof! Hindi ako nagkamali love na nga yung dumadaloy sa dugo ko.

Alam nya naman na crush ko siya eversince so di na ko nagdalawang isip I told her that i'm going to court her. Pero kung inaakala nyo na ganun kabilis ang lahat nagkakamali kayo. Tatlong beses nya kong nireject. Di pa daw kasi sya ready. The first one, nireject nya ko kasi naging tropa nya yung isa kong ex so napaka unpleasant daw kung magiging kami tapos tropa nya yung ex ko. Pero di ako nagpadala sa reason na yun para sumuko. Kasi kung talagang mahal ko di ka magpapaapekto sa sasabihin ng iba. Tuloy parin yung panliligaw ko, every other day nasa manila ako para bisitahin sya o makita man lang. I always gave her unexpected gift too.

Everytime na nirereject nya ko e umiiyak talaga ako and tell myself itigil ko na lang kaya but everytime na nagkikita na naman kami ay di ko na maiwasan na ituloy. The second one, habang patuloy akong nanliligaw ay may nagustuhan na pala syang iba, si Lyka. That moment, ay di na kami masyado nagkakausap at nagkikita cause she's busy courting that girl. Oo nabasa nyo, niligawan nya si lyka. Not knowing na nasasaktan na ko kasi nireject nya ko kasi di pa sya ready pero eto sya ngayon nanliligaw na sa iba. That was kinda bullsh*t right.

Pero kung sa tingin nyo naggive up na ko because of that, nagkakamali kayo. Tuloy parin ang panliligaw. Kasi alam kong irereject sya ni lyka. Ini-stalk ko kasi si lyka sa fb and nalaman kong may bf sya. So bigla akong nabuhayan. The third and the last one ng panrereject nya sakin, dun.. Dun na ko sumuko. One time, nagkita kita na namin kaming magkakaibigan (isa na sya sa circle of friends ko) birthday na naman kasi nung isa sa mga kaibigan namin. Then syempre di maiiwasan ang mga inuman. Nung una okay pa naman pero yung mga sumunod na eksena hindi na. Dumating na dun sa point na iniyakan ko na sya ng harapan at nagmakaawa na tanggapin na nya ko. Di na rin kasi kinaya ng kalooban ko yung mga naipon na sakit na idinadaan ko na lang sa ngiti at tawa. Di parin kasi nya masabi yung totoong dahilan kung bakit di nya ako magustuhan sa twing nagtatanong ako sa kanya. At para sa kaalam nyong mga readers, yung mga gestures at mga ginagawa nya kasi para sakin ay parang pinapakita nyang gusto nya rin ako. Ganto na lang, iba ang pinapakita nyang kilos sa mga sinasabi nya. In short binigyan nya din ako ng motivation, pinaasa nya ako.

Yun na yung huling araw na nagpumilit ako sa kanya. Tinigil ko na yung panliligaw ko sa wala. Sabi ko magmomove on na lang ako. One week akong di nagparamdam sa kahit sino sa mga kaibigan ko pati rin sa kanya. Way na rin para totally makamove on ako at makaharap ako sa kanila ng maayos after that incident na di inakala ng lahat na gagawin ko.

After one week nagparamdam na ko sa kanila. Nagsend ako ng group message to say hi sa kanilang lahat. Then isa sa mga nagresponse ay si Jaja. Nagkamustahan lang naman kaming dalawa then nagsorry ulit ako about what happen'd a weeks ago. Then i told her na may mga narealized ako na di lahat ng bagay na gusto ko makukuha ko kahit anong pilit ko. Na maging masaya na lang ako sa kung anong meron ako at wala ako. Then she told me may narealized din daw sya. Di nya daw pala kaya na walang Shaira Mae sa buhay nya which is ako yun. All this time kasi kahit nasasaktan na ko nasa tabi nya parin ako di ako gumigive up. And simula nun naging kami na nga until now kami parin. Actually 6mos na kami ngayong araw.

Pero lately nakakaramdam ako ng sudden change of feelings. Di naman nawawala yung love what i mean is mababago na yung pakikitungo ko sa kanya. Okay naman kami. Nabawasan lang yung sweetness and time kasi we're both busy nagaaral pa ako at nagwowork na sya. Madalas kaming magayaw kahit maliit na bagay. And may times na feeling ko i'm still single kasi di na nya ko napupuntahan dito di na kami madalas magkita at magkausap. Pero eto ako keep holding on mahal ko sya mahal nya ko. At kahit we're on a long distance relationship go lang ng go masaya kami pareho. At as long as possible inaayos agad namin yung problema between saming dalawa. We're always having a trip somewhere na matripan namin pag may free time kami at pag stress na kami sa pagaaral ko at sa trabaho nya. Nakikijamming din sya pag may gala kami or party na pupuntahan ng mga college friends ko.

Tadaaa! Ayan na. I don't know what the hell happening to me at naisipan kong i-share to. Maybe to inspire others na hanggat kaya mo pa at hnggat may ilalaban ka pa go lang ng go di masama kung magtatry ka at kung magmamahal ka. As long as alam mong handa kang masaktan at wala kang sisisihing iba. So ayun, thank you sa pagbabasa.

Follow me:

Wattpad - shylumubos
Twitter - shylumubos13
IG - shylumubos

____________________________________________________________________________

Thank you for reading. :)

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon