Essa

3.1K 34 8
                                    

Hi Ez! Hello readers!

Essa here! I'm 29 years old. essacutee user name ko sa wattpad. Ako na ata ang pinakamatanda sa mga nag send ng mga Kwento nila sa Libro na Ito.

Isa akong nurse pero ala akong trabaho sa ngayon kasi binabantayan ko muna ang mama kong May sakit. Masasabi kong closet lesbian pa din ako till now kasi Hindi pa alam ng parents ko pero nakakahalata na ang isa kong sister in law at minsan din na tanong na ng kaisaisa kong kapatid na babae Kung tomboy daw ako kasi lately daw napapansin daw niya na halos daw ng mga nila like ko sa FB ay may GxG na theme.

So here's my story..Hindi po Ito love story ay wala pa din po Itong happy ending,.

Bata pa lng mga grade 4 ako noon ng
mag umpisa akong magka crush sa kapwa ko babae pero hindi ko lng siya binigyan ng pansin kasi npaka layo ng age gap namin at isa pa asawa siya ng kapatid ko pero iba talaga ang pakiramdam ko tuwing nakikita at naka kasama ko siya sa simpleng dantay lang ng kanyang kamay at simpleng paglalambing niya ay kinikilig na ako. Nakakaramdam din ako ng selos kapag masyado siyang sweet sa iba. Dahil sa bata pa nga ako noon Hindi ko siya binigyan ng pansin at sa pag lipas ng panahon parang nawala na din ung kng ano man ang nararamdaman ko sa kanya hanggang sa mag high school na ako. Akala'y ko nawala na ung attraction ko towards same sex hindi pa pla dahil nagka crush ulit ako sa isa sa mga subject teacher kong babae. Noong una d ko lang pinansin ung nararamdaman ko pero habang tumatagal mas lalong lumalalim ang paghangang nararamdaman ko sa kanya. Hinihintay ko siya tuwing uwian na, hindi muna ako uuwi hanggat hindi ko pa sya nakikitang sumakay ng jeep pa uwi sakanila kahit pa alam kng mapapagalitan ako pag dating ko sa bahay. Natuto din akong mag bigay ng regalo ng dahil sa kanya. Minsan nga sumama ako sa uncle ko sa farm niya para mag harvest ng manga ung na pitas ko binigay ko lng sa kanya at hinatid ko pa sa bahay nila kahit medyo malayo ung bahay namin sa kanila at kahit hiyang hiya ako ng time na yon ay di ko rin ininda basta ba ma ibigay ko sakanya ung pinag hirapan kong pitasin na manga. Wala rin namn nangyari sa paghangang naramdaman ko sa kanya hanggang paghanga lang talaga kasi alam kong hindi natural ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa mag graduate at mga college na ako Nawalan na ako ng balita sa kanya kasi sa Manila ako nag college at siya ay naiwan sa province namin. Walang masyadong magandang bagay bagay ang nangyari sa akin nung nasa college ako kasi bahay eskwelahan lang ang buhay ko noon masyado akong seryoso sa pag aaral eh. Hanggang sa makapagtapos ako ng pag aaral at maka pasa sa board exam. Napag pasyahan ko munang umuwi sa province nmin bago ako maghanap ng trabaho ngunit d ko akalaing mkakapag trabaho ako doon noong una volunteer lng muna ako hanggang na hire na ako at tumagal ako ng tatlong taon doon at doon ko rin nakilala ang babaeng makakapagpa gulo ulit ng buhay ko. Ka work ko siya at isa din nurse akala ko noong Una iniidolo ko lng siya dahil sa matagal tagal na rin sya sa pagiging nurse niya ako nag uumpisa pa lng ngunit hindi pla dahil habang tumatagal mas lalong palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya ibang iba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya at halos kapag ka duty ko siya inaako ko na pati mga gawain niya dapat halos ayaw ko siyang napapagod sa tuwing magka duty kami at binibigyan ko na rin siya ng mga regalo (chocolates, perfume etc.) ang hindi ko lang kayang ibigay sa kanya ay flowers kasi masyado ng mahahalata ako nun. Sa umpisa pa lang alam kong walang mangyayari sa paghangang iniuukol ko sa kanya kasi may asawa at anak na siya. Opo May pamilya na po siya. Hay na tanong ko na nga sa sarili ko bakit ba parati na lng akong nafo-fall sa mga taong masyadong complicated ang life. Hanggang sa mag resign ako sa Ospital na iyon Hindi ko man lng nasabi sa kanya ang nararamdaman ko ngunit isang araw ewan ko ba kng anong masamang spiritu ang tumulak sa akin para itext siya at parang gusto ko ng magtapat sa kanya pero inunahan pa rin ako ng kaba ang nasabi ko na lang sa kanya " ate lam niyo po ba masyado na talaga akong naguguluhan ngayon parang nagkaka identity crisis ata ako"hindi man derektang pag amin iyon alam kong na gets niya rin kung ano talaga ang ibig kong ipahiwatig kasi bigla na lng hindi niya na ako tini text hanggang sa nawalan na ako ng balita sa kanya. Dahil sa nga pangyayaring ito mas lalo pang gumulo ang mundo ko mas lalo akong naguluhan kung ano ba talaga ako marami akong mga katanungan pero di ko naman kayang itanong sa parents at mga friends ko kasi natatakot ako sa magiging reaction nila kapag nag open ako sa kanila. Ang pinaka option ko lng noon ang internet nag research ako nang nag research tungkol sa mga lesbian lahat ng mga bagay bagay tungkol sa buhay, mga pinagdadaanan ng isang lesbian. Halos ata ng mga lesbian movies at tv series ay napa nood ko na. Na obsessed pa nga ako sa isang artista na gumanap na lesbian sa isang tv series. Natuto akong gumawa ng Tula na ukol sa kanya sabi ko nga sa sarili ko she brings out the poet in me. Wahaha.. Sa sobrang obsessed ko sakanya ay May mga pictures pa siya sa pinto ng closet ko at sabi ko nga noon pwede na akong mamatay ng masaya kapag makita lang siya ng personal ngunit suntok sa buwan naman ata iyon kasi milya milya ang layo niya sa akin. Nang dahil din sa internet ay na pasok ko din ang ibat ibang mga site lesbian site to be exact May mga nakilala ako doon mga lesbian at bi sexual hanggang sa nakilala ko ang isang babaeng nagpapatibok ng ka kaiba sa puso ko hanggang ngaun. Siya is Alexia isa siyang Italian ka age ko siya. Noong una alam kung flirt flirt lang kami sa chat at sa skype ngunit habang tumatagal iba na ang nararamdaman ko sa kanya I think I'm falling in love with her at sinabi ko yon sa kanya sabi niya Hindi niya daw kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kanya sabi ko pa nga sa kanya am I that ugly para di niya magustuhan ang sabi niya naman wala daw sa akin ang problema nasa kanya sabi niya she's not capable of loving someone sabi pa nga niya she's a fucked up person and she has a fucked up life too. Oops sorry Kung May bad word un kasi ang exact word na sinabi niya. Eto namang Lola niyo masyadong na inlove sabi ko sa kanya I'm wiling to wait for her to love me back at willing din akong tulungan siya sa abot ng aking makakaya para maayos ang buhay nia. Till now halos mag one year na ang relationship namin kung relationship ngang matatawag ang namamagitan sa amin. Dahil sa kanya nagagawa ko ang mga bagay bagay na akala ko ay di ko kyang gawin noon. Meron pang nagpapa gulo ng isip ko ngaun kasi mayroong isang lesbian na butch ang nagkaka gusto sa akin dito ang layo din ng age gap namin. Nakilala ko siya dahil friend din siya ng friend ko we have common friend ika nga. Naging mag kaibigan kami haggang sa nagpalagayan ng loob hanggang meron pangyayari noong isang taon lng nalasing ako noong nagiinuman kami at dahil di naman ako masyadong sanay uminom ay nalasing agad ako siya ay nakainom din pero sabi niya kaya niya pang mag drive at ihahatid niya daw ako sa amin ngunit di ko akalaing may gagawin siyang labag sa aking loob hinalikan at hinawakan niya ako sa part na dapat di niya hawakan. Nagalit ako sa kanya noon at matagal ko siyang hindi kinausap kahit sorry siya ng sorry sa text at kahit sa FB nag memessage din sya sabi niya mahal niya na daw ako kaya na gawa niya iyon kaya ang ginawa ko blinock ko siya sa Phone at sa FB ko. Lately ko lang siya kinakausap ulit kasi di naman maiiwasan kasi nga may common friend kami. Hanggang ngaun sabi niya mahal niya pa din daw ako. Ngunit di ko naman pinapansin kasi May mahal akong iba iyon.

Kaya mahal na reynang Ez at sa lahat ng readers na makaka basa ng story kong Ito hihingi sana ako ng payo sainyo. Ano ba ang dapat Kung gawin. Dapat pa bang ipagpatuloy ang Kung ano mang meron kami ni Alexia sa ngaun? O dapat bang bigyan ko ng chance ang isang taong nagmamahal sa akin? Who should I choose is it the person I love who still doesn't love me back dapat ko pa bang hintayin kong kelan niya ako mamahalin or to the one that loves me pero di ko naman mahal? Please help me I'm so confused.
______________________________________________________________________________

Kung sino ang mahal mo at kung saan ka masaya. Yun lang yun. Bakit mo ipagsasapalaran ang sarili mo sa taong hindi mo naman gusto?

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon