My bestfriend is my lover

1.3K 24 6
                                    

Hi salamat at bnigyan mo ng chance ang mga bi na ishare ang kwento nla sa accnt mo at isa na ako dun.gusto ko ding magshare.sana mapost:-)

Hi ako si Je,working na at gusto ko lng ishare tong gxg story ko.

Boyish ako mula pagkabata.Ni hindi ko nasubukang maglaro ng doll..puro panlalaki.Ang akala ko normal lng ,kaya ang akala ko normal lang din na magkagusto sa same sex.Mas naa attract kasi ako sa mga babae kesa sa mga lalaki.Mas lumala ito nong high school na ako.Sa mga babae ako tumititig hindi sa mga lalaki.Madami akong naging crush na mga babae pero nagtatagal lng ng mga isang buwan.Madali kasi akong magsawa at ang malala pa dun,naiinis ako sa mga naging crush ko.ewan ko kung bakit.

3rd year na ako noon ng magtapat ako sa barkada ko na tomboy.Sinabi kong my pusong lalaki din ako.Pinagtawanan lang ako ng loka at ipinagkalat pa pero sympre hindi ako umamin.Kaya mula noon pasimple nalang ako.Nakagraduate na ako lahat lahat ng high school pero hanggang crush lang ako.

Noong nag college na ako ay parang my nagbago.bigla akong nagkainteres sa lalaki,cguro dahil my mga nagpapalipad hangin din sakin kaya naman nagtry akong mag boyfriend..pero hindi pa din nawawala ang pagkakagusto ko sa mga babae.On and off kami ng bf ko kasi pag nararamdaman kung ayaw ko na ay hinihiwalayan ko siya agad.Pero hindi niya ako sinusukuan.Madaming nanligaw sakin pero bumabagsak padin ako sa ex ko dahil sguro kilala ko na siya at nahihirapan akong magtiwala sa iba.Hanggang sa nagbreak kami ulit at nanligaw ang kaibigan ko kaya nagtry ulit ako ng iba.

Sa pangalawang bf ko masasabi kong totoong nagmahal ako ng lalaki.Halos ibigay ko sa kanya ang lahat.Gusto ko ako lagi ang nageeffort..Dumarating pa sa time na nagmamakaawa ako sa kanya pag hinihiwalayan niya ako.Ang sabi ko nga sa sarili ko "karma" ko yun dahil sa ginawa ko sa ex ko.Pero kahit alam kong mahal ko siya eh hindi ko parin maiwasang humanga sa mga babae lalo na nung nagwork na ako.Madami akong nakaclose na mga girls at yong samen ng bf ko yung madalas na pambabaliwala niya sakin ay hindi ko na masyadong iniisip.kumbaga nasanay na ako at inenjoy ko nalang sa company ng mga bago kong babae.este kaibigang mga girl.

5 years na kami ng bf ko ng makilala ko si Sky,isa siyang girl. Nakilala ko siya dahil naligaw ako sa mundo ng wattpad.Isa siyang author ng sikat na story ngayon.Hindi pa siya ganun kasikat dati.Hundreds palang ang followers niya nun.Nagkainteres ako sa pamagat ng story niya boy to girl yun.kaya finallow ko din siya.Akala ko nung una hindi niya ako papansinin kasi madami na din siyang ka mb to mb kaya nagulat ako nung makita kong nagfollow back siya at siya ang kauna unahang nagfollow sakin.
Inadd ko din siya sa fb at kalaunan binigay niya ang real account niya sakin.Nung una hindi ko naman siya crush kasi hindi siya yong mga tipo ko.Ang una ko kasing tinitignan sa isang babae is yong mata.gusto ko kasi is ung may pagka singkit.medyo singkit din kasi ako.hehe.Pero nagdaan ang mga araw at naging magbestfriend kami.Open na open kami sa isat isa..kahit na sa cyber lang kami naguusap eh feel na feel namin ang isat isa.Nong nagbreak sila ng bf niya ako ang taga payo niya.At nong nagkaproblema din kami ng bf ko siya din ang taga payo ko..Kalaunan ay nagbreak din kami ng bf ko dahil hindi ko na matake ang kawalan niya ng effort..pero kahit na ganun pinapayuhan pa din niya ako na makipagbalikan kasi sayang daw ang 5years na pinagsamahan.Ang sabi ko naman pagiisipan ko.Araw araw kami nagkakachat pati na din tawag.parang kulang ang araw ko pag hindi ko siya nakausap.nakamove on nga ako agad ng dahil sa kanya..kaya lang hindi din ako sinukuan ni ex kaya sinunod ko din ang payo ni best friend na bigyan ulit ng chance.

Pero lingid sa aking kaalaman eh confuse na pala siya.At dahil sa magbest friend nga kami ay sinabi niya sakin na parang nasaktan daw siya nung nalaman niyang nagkabalikan na kami ng ex ko.Pero alam ko talaga sa damdamin ko na mahal ko na siya.kaya lang natatakot akong aminin.Pero ang sabi niya siguro nasaktan siya kasi baka daw mabawasan yong oras ko sa kanya na mag focus nalang ulit ako sa bf ko..pero hindi ganun ang nangyari mas madami padin akong oras sa kanya.gaya padin ng dati.parang wala lng akong boyfriend..minsan nag group chat pa kaming tatlo ng bf ko.ang hindi ko alam nasasaktan na pala siya.pero gumanti siya sakin at sinabing namimiss na daw niya magbf ulit..ung feeling na may bumabati ng good morning or good evening. My nagtatanong kung kumain na siya..mga ganun ba..pero naisip ko hindi pa ba ako sapat?sa totoo lang nasaktan talaga ako nun..lalo na nung sabihin niyang maghahanap na siya ulit ng bf..ang sakit..napaiyak ako nun habang nagpaplay ung kanta ni Nina na Why can't it be.hahaha.nag emote talagaako nun.kaya lang wala akong lakas ng loob na umamin..kasi mag best friend kami at my bf ako..kaya inilihim ko nalang..

Hanggang sa nagseselos na ako sa mga nakakachat niya at ganun din pala siya.Pero wala pading umaamin.Although nagsasabihan kami ng mga I love you pero love as a friend lang alam niya.

Dumating yung time na nagkita kami.First time kaming magkikita mula ng magkakilala kami.Napakasaya ko ng araw na yun..kasama pa namin nun ang bf ko pero parang wala lang siya.hehe.nag enjoy ako ng araw na yun..namasyal kami..halos ayaw ko ng matapos ang araw kaya lang kelangan naming maghiwalay ulit..pero nangako ako na magkikikta kami ulit..Taga visayas kasi siya at ako naman luzon kaya sinamantala ko yung time na nagpunta siya ng manila para magkita na kami ng personal.Mag aabroad kasi siya kaya siya nagpuntang manila for requirements.
Mahal na araw nun ng bumalik ulit ako ng manila at nag night swimming kami.pero hindi n kasama nun ang bf ko ah.hehe.kasama namin ang tatlo pa naming friend sa watty.parang meet up ganun.hehe.nag inuman kami pero kami lang dalawa.ung tatlo kasi KJ.lol.Tabi kami nun sa kama. Kasi dalawa ang higaan nun.apat nalang kaming naiwan nun kasi ung isa hindi pinayagang mag overnight kaya umuwi din.malapit lang haws nila sa resort kasi siya naghanap.hehe
Magdamag ko lang siyang niyakap nun..wala akong paki kung makita pa ng dalawa naming kasama basta ang importante ramdam ko siya.Bale sa likod ko naman siya niyakap dahil nilalamig daw siya sa aircon.samantalang akoy init na init.hindi ko alam kong dahil yun s ininom ko.hehe

Pagkatapos ng araw na yun ay mas lalo pa kaming naging close..Bumalik na ulit sa chat at tawag lang.

Isang gabi..hindi ko alam kong anung pumasok sa isip ko.Nag good night na kasi siya noon tas I love you sabi niya.Eh ako namn na nasaniban ay tinanong siya ng ganito.
"mahal mo ako at mahal kita,so tayo na?" Natahimik lang siya kaya dinugtungan ko nalang ng ganito.

"kanina pa kasi tayo nakahiga baka gusto mong tayo muna.haha"yan ang palusot ko.kaya hindi na niya pinansin.

The next day hindi ko na tlaga napigilan.nagtapat ako sa kanya at sinagot naman ako.Feeling ko yun na ung pinaka masayang araw mula ng makilala ko siya..gusto ko siyang yakapin ulit kaya lang ang layo niya.Naging kami kahit my boyfriend pa ako.Ang sabi niya ok lang naman daw pero alam kung nasasaktan ko siya..dumating yung time na ayaw ko ng nasasaktan siya kaya pinili ko siya at hiniwalayan ko ang bf ko.

6months na kami ngayon at masayang masaya.magkalayo man kami pero ramdam naman ang pagmamahal sa isat isa.Nasa abroad na kasi siya kaya mas lalong napalayo..sa ngayon selosan lang ang pinagaawayan namin.hehe.hindi naman nawawala yun diba?

Hindi pa alam ng mga pamilya namin..Ewan ko kung matatanggap nila ako sa amin..lalo pat kilala nila ang ex bf ko.Minsan hindi sila naniniwala na wala na kami nun kasi wala naman akong maipakilalang bago.Ang sabi ng mahal ko saka nalang daw pag handa na kami..sabagay tama naman..Minsan natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin ng iba..pero pinasok ko ito kaya papanindigan ko.sa ngayon iilan palang ang nakakaalam.kasama na don ang isa kung pinsan na bisexual din.lahi ata namin.hehe.

Sana pag dumating yung time na malaman na ng lahat ang tungkol samin ay makaya naming harapin ang mga panghuhusga..Pero isa lang ang sigurado ko...habang kasama ko siya..walang hindi kakayanin.hehe

End.

Salamat ez sana mabgyan ng chance n mapost greendot02 pala ang UN ko sa watty, thanks and more power.

________________________________________________________________________
Thank you for reading :')

GIRLS ON TOP 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon